Toni Gonzaga Muling Binatikos Dahil Sa Vlog Sangkot Si Salome Salvi, Isang Vivamax Star

Lunes, Abril 22, 2024

/ by Lovely


 Umalma ang ilang mga netizens sa kamakailang episode ng vlog ni Toni Gonzaga na Toni Talks, kung saan itinampok niya ang isang VivaMax star, dahil maari umano itong magdulot ng mga negatibong epekto sa mga batang makakapanood nito.


Hindi nagustuhan ng ilang mga netizens dahil kabilang sa mga napag-usapan nina Toni Gonzaga at VivaMax star na si Salome Salvi ang ilang mga maseselang bagay na hindi nararapat na marinig at mapanood ng mga kabataan.


Hindi rin umano maganda na maging bukas sa kaisipan ng mga kabataan na pasukin ang uri ng pamumuhay na kagaya ni Salome Salvi.


Ping-uusapan at umaani ng samu't-saring pambabatikos ang naging panayam ni Toni Gonzaga sa VivaMax actress at adult content creator na si Salome Salvi na inupload sa Toni Talks nitong linggo April 21, 2024.


Tell all at naging emosyunal ang pag-iinterview ni Toni Gonzaga kay Salome Salvi, may pamagat pa ang nasabing episode ng, 'Why Salome porn and become an adult content creator'.


Sa interview, ikinuwento ni Salome ang nangyari sa kanyang buhay na naging dahilan kung bakit napasok siya sa trabahong paggawa ng porn at gumawa ng mga adult contents na nagpoprovide ng companions at iba pang related sa ganoong uri ng gawain.


Marami umano sa kanyang mga customers ang naghahanap ng atensyon na kaya naman niyang i-provide. Kahit na may natapos naman umano siya sa pag-aaral at may degree sa arts ay mas pinili ni Salome ang ganitong uri ng trabaho dahil dito siyang nakahanap ng validations at love na hindi niya naranasan mula sa kanyang mga magulang.


Sa kabila naman ng mga natatanggap na pangungutya at panghuhusga dahil sa uri ng kanyang trabaho ay iginiit ni Salome Salvi na dito siya naging masaya. Sa katunayan ay hindi pa umano niya nakikita ang kanyang sarili na tumigil sa paggawa ng mga kasalukuyan niyang ginagawa ngayon.


Hindi naman ito ikinatuwa ng maraming mga netizens dahil sa mga maseselang bagay na sinabi ni Salome na hindi umano nararapat na mapanood o makarating sa mga kabataan ngayon. Binabatikos ngayon ng ilang mga netizens si Toni Gonzaga sa kanyang desisyon na maglabas ng ganoong uri ng content sa kanyang YouTube channel na maaring ma-access ng maraming mga kabataan.


Hindi rin nila nagustuhan ang panggigiit ni Salome kung paano itong nag-eenjoy sa ganoong uri ng trabaho dahil maari umano itong sundan ng ilang mga kabataan na walang muwang sa ganitong uri ng pagkakakitaan.


Nangangamba rin ang ilang mga magulang na baka ay maimpluwensyahan ni Salome ang kanilang mga anak na hindi naman delikado ang ganitong uri ng pamumuhay.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo