Rosmar Tan Pumalag Sa Mga Bumatikos Sa Kanya Dahil Sa Paggaya Niya Kay Diwata Pares Overload!

Lunes, Abril 22, 2024

/ by Lovely


 Nagreak ang social media influencer at business woman na si Rose Marie Tan Pamulaklakin na mas kilala bilang si Rosmar sa mga netizens na bumabatikos sa kanya dahil sa umano'y panggagaya niya sa negosyo ni Deo Balbuena, a.k.a Diwata’s Overload Pares.


Marami sa mga netizens ang nakiusap kay Rosmar na huwag nang kalabanin pa ang trending na negosyo ni Diwata na 100 pares overload at hayaan na lamang na kumita ito.


Pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms si Rosmar dahil sa panggagaya niya sa negosyo ni Diwata na beef pares at 100 pares overload kung saan mayroon na itong unli sabaw, unli rice, drinking water at isang bote ng softdrinks.


Hindi ito pinalagpas ni Rosmar Tan, gumawa rin siya ng sariling 100 pares overload na may kaparehong inclusion kay Diwata, dinagdagan pa niya ito ng libreng swimming sa pagmamay-ari niyang resort.


Subalit, hindi ito umani ng mga positibong komento mula sa mga netizens dahil halatado umanong naiinggit lamang si Rosmar sa katanyagan ngayon ni Diwata kaya sinabayan na rin niya ito. May mga nagsasabi pa na sana ay pinabayaan na lamang ni Rosmar na si Diwata ang kumita dahil sobrang yaman na niya at marami na siyang mga negosyo.


Kaagad namang dinipensahan ni Rosmar Tan ang kanyang sarili laban sa mga netizens na nagsasabing makasarili siya sa kanyang ginagawa at hindi marunong lumaban ng patas.


Sa kanyang Facebook account, ibinahagi niya ang isang reaction video sa mga pambabatikos ng maraming mga netizens sa kanyang panggagaya umano sa business ni Diwata. Sa caption, iginiit ni Rosmar Tan na business is life.


May mga netizens naman na nagsasabing wala namang masama sa pagtatayo ng sariling Pares business ni Rosmar dahil kanya-kanya naman umano ng diskarte yan para makabenta. Iginiit rin ng maraming mga fans nito na noon pa man ay may mga ka-kompetensya naman na si Diwata kaya bakit pa ito maaapektuhan sa business ni Rosmar.


May mga nagsasabi pa na hindi naman pera ni Diwata ang ginamit ni Rosmar sa pagpapatayo ng sariling Paresan business.


Samantala, ang hindi nagustuhan ng maraming mga netizens ay ang palibre swimming ni Rosmar sa mga kakainin na alam naman umano ng lahat na hindi afford na gawin ni Diwata.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo