Vic Sotto Nainis Sa Ginawa Ni Joey De Leon Sa It's Showtime, May Hiling Kay Vice Ganda

Lunes, Abril 22, 2024

/ by Lovely

Naging laman ng mga usap-usapan sa ilang mga social media platforms ang isiniwalat ni Bossing Vic Sotto patungkol sa Unkabogable Star at It's Showtime host na si Vice Ganda.


Tila pinapatunayan na ni Bossing Vic Sotto na hindi nila itinuturing na kaaway ang It's Showtime hosts, dahil gusto umano niya makasama sa iisang trabaho si Vice Ganda.


Sa kamakailang panayam kay Bossing Vic Sotto, inilahad niyang hindi siya choosy sa pakikipag-collaboration sa ibang mga artista, kaya naman kung magkakaroon ng pagkakataon ay bukas naman umano siya na makasama sa iisang proyekto si Vice Ganda.


Kaagad naman na-excite ang ilang mga fans ni Bossing Vic Sotto dahil alam umano nila na tiyak na magiging top grossing ang pelikula ng dalawa sa pinakamagaling na komedyante.


Gayunpaman, ang sinasabing collaboration nina Vic Sotto at Vice Ganda ay hindi pa mangyayari ngayong taon dahil nagbigay na ng hint si Vic Sotto sa kanyang magiging Metro Manila Film Festival entry ngayong taon.


Ang huling entry ni Vic Sotto sa MMFF ay noong 2019, sa pelikulang “Mission Unstapabol: The Don Identity.”


Matapos ang desisyon nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon na umalis sa kanilang dating management, ang Television and Production Exponents Incorporated (TAPE), naniwala ang mga netizens na ang TVJ Productions, na pag-aari nila kasama ang beteranong komedyante na sina Joey de Leon at Tito Sotto, ay gagawa na ng sarili nitong mga pelikula.


Sa kabilang banda, hindi pa naman nagbibigay ng reaksyon si Vice Ganda sa pahayag ni Vic Sotto patungkol sa pagiging bukas nito na makasama siya sa iisang trabaho.


Gayunpaman, naniniwala ang maraming fans ng komedyante na na hindi papayag si Vice Ganda na makasama si Vic Sotto, matapos ang pagkaka-suspension noon ng It's Showtime dahil sa utos ng Movie and Television Review and Classification Board kung saan ang pamangkin ni Vic Sotto na si Lala Sotto ang tumatayo bilang Chairperson.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo