Kapuso Singer Aicelle Santos, Nagluluksa Sa Pagkawala Ng Kaniyang Ina

Linggo, Nobyembre 27, 2022

/ by Lovely


 Labis na nalulungkot ang Kapuso singer na si Aicelle Santos dahil sa pagpanaw ng kanyang ina.

Ibinahagi pa ni Aicelle ang ilang nakakalungkot na tagpo sa burol ng kanyang ina na namayapa kamakailan lamang.

Una nang naiulat na nasa kritikal na kondisyon ang ina ni Aicelle matapos atakehin sa puso tatlong buwan na ang nakakalipas.

Matatandaang humingi pa si Aicelle ng tulong lalo na ang sa pinansyal dahil sa kinakaharap na pagsubok ng kanilang pamilya.

Subalit nitong byernes malungkot na ibinahagi ni Aicelle sa kanyang mga followers sa Instagram ang tuluyang pamamaalam ng kanyang ina. Sa pamamagitan ng isang larawan ng paro-paro na dumapo sa kanyang mga kamay.

“I know this is you, Ma.💛 Fly free now. Mahal na mahal na mahal po kita,” caption ng IG post ni Aicelle.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo