Alden Richards Nagbigay Na Ng Reaction Sa Mga Ilusyon Ng Aldub Nation!

Martes, Nobyembre 29, 2022

/ by Lovely


Nagbigay na ng pahayag si Alden Richards hinggil sa isyu ng mga Aldub fans na patuloy na naniniwala na may anak na sila ni Maine Mendoza.

Ayon kay Alden Richards, walang ibang nagmamay-ari sa kanya kundi ang kanyang sarili lamang. May sarili umano siyang pag-iisip at maaring mag desisyon para sa kanyang sarili. Bagama't malaki ang pasasalamat sa natanggap niyang suporta ng Aldub Nation hindi umano niya hahayaang diktahan na lamang siya ng mga ito at kontrolin siya.

“We’re grateful but I make a stand to not let people control my life. Ito ang prinsipyo ko sa buhay. Hindi ako property ng kahit sino. I have my own choices, I have my own decisions so I stick to that." saad ni Alden.

Nauna nang nagbigay ng pahayag ang aktres na si Maine Mendoza, kung saan ipinahayag niya na napapagod na siyang mag-explain sa ilang mga fans na patuloy pa ring naninindigan na may relasyon sila ni Alden Richards at may anak pa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo