Maja Salvador Namaalam Na Sa The Iron Heart!

Lunes, Nobyembre 28, 2022

/ by Lovely


 Ipinahayag ni Maja Salvador ang kanyang pamamaalam sa ginampanang role sa teleseye ng ABS-CBN na The Iron Heart na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Ginampanan ni Maja Salvador ang papel ni Cassandra ang girfriend ni Apollo na ginampanan naman ni Richard Gutierrez.

Pinasalamatan ni Maja ang Star Creatives sa pagbibigay sa kanya ng role.

"Thank you Kapamilya! ❤ Thank you @StarCreativesTV sa pagtitiwala sa akin na gampanan ko si Cassandra! Hanggang sa muli! Paalam Cassandra!" pagbabahagi ni Maja.

Agad namang nagpahayag ng kalungkutan ang kanyang mga tagahanga sa maagang pag-exit sa teleserye.

"Sad naman special participation ka lang pala sa iron heart sobrang saya ko pa naman nung malaman ko na may teleserye ka ulit sa kapamilya network pero ang bilis mo naman pala nawala." saad ng isang netizen.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo