Source Ni Ogie Diaz Sinabing Pasekretong Nanganak si AJ Raval!

Lunes, Nobyembre 28, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi kamakailan ng talent manager at showbiz columnist na si Ogie Diaz na naguguluhan siya kung papaniwalaan ba niya ang isa sa kanyang mga sources.

Hindi umano niya alam kung papaniwalaan ba niya ang pinagsasabi nito na umano'y nanganak na si AJ Raval.

Matatandaang, pinabulaanan ng ama at ina ni AJ Raval ang isyu na nagdadalang tao ang kanilang anak.

"Ako'y nagugulumihanan. Ano ba ang paniniwalaan natin? Itong source natin na sinabing nanganak sa isang payak na ospital sa Pasig itong si AJ, na nung dumating doon eh nakatakip ang mukha. Pero hindi siya dun sa delivery room nag-deliver, ni-room in lang," pagbabahagi ni Ogie sa sinabi ng kanyang source.

Ibinahagi pa ng talent manager na naroon din umano si Aljur at naghihintay sa sexy actress.

"Si Aljur Abrenica raw ay nandun sa labas ng madaling araw, noong November 19, nag-aabang sa labas. Nandun siya sa loob ng sasakyan, naka-face mask, hanggang sa eventually malaman ng ating source na, 'Ayun. Si Aljur nga yun.' Kasi tinanggal ang face mask," pagkukwento pa nito.

Dagdag pa ni Ogie na hindi umano ginamit ni AJ ang apilyedo niyang Raval kundi Alvarez. Pagkatapos ay agad umano silang lumabas. Nalaman umano nilang si AJ Raval iyon dahil sa tattoo sa dibdib.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo