Moira Dela Torre Ibinahagi Ang Kanyang Paghihirap Dahil Sa Hiwalayan Nila ni Jayson Hernandez!

Martes, Nobyembre 29, 2022

/ by Lovely


 Matapos ang ilang buwan pananahimik ni Moira Dela Torre hinggil sa detalye ng hiwalayan nila ng asawang si Jayson Hernandez, sa wakas nagbigay na ng detalye ang singer.

Inilabas ni Moira Dela Torre ang lahat sa interview ni MJ Felipe para sa programang “TV Patrol.” Ibinahagi ni Moira ang kanilang pinagdaanang pagsubok na naging dahilan kaya nauwi sila sa hiwalayan.

Ayon kay Moira tila naka autopilot na lamang siya sa kanyang pagtatrabaho.

"I lost myself. It’s been a long time. I think my heart was prepared for it. Just because my mind was walking through it unconsciously, I’ve been on auto pilot for a long time," pahayag ni Moira.

Ibinahagi rin ni Moira na sa simula pa lamang taon ay nararamdaman na umano niya na may mali sa relasyon nila ni Jayson. Inilahad din niya ang pinagdaanang mental health issues dahil sa pinagdadaanan ng kanilang buhay mag-asawa.

“I think when the year started pa lang, I was getting this weird feeling that I was about to enter into a new season and I didn't know what it was. I wasn’t aware that I was so numb for a long time," pagsisiwalat ni Moira.

Sa ngayon ay natanggap na umano niya ang lahat at alam na umano niya ang kanyang self worth at alam na umano niya kung paano alagaan ang sarili.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo