Cristy Fermin Sinabihang Ikakasal Na Ang KathNeil Sa Susunod Na Taong 2023!

Lunes, Nobyembre 28, 2022

/ by Lovely


 Naniniwala si Cristy Fermin sa sinasabi ng kanyang source na nalalapit na ang pagpapakasal ng real life couple na Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Bagama't wala pang nagaganap na proposal sa pagitan ng dalawa kumbinsido sila Manay Cristy na magaganap sa susunod na taong ang 'wedding of the century' ng KathNeil.

Isa sa pinagbabasehan nina Manay Cristy ay ang matagal ng relasyon ng dalawa at matatag na umano ang pundasyon ng mga ito. Nasa tamang edad na din umano ang dalawa upang magsimula ng isang pamilya.

"Labing-isang taon na po silang magkarelasyon. It's about time. Pati po ang kanilang mga edad, tamang-tama po talaga. Hinog na hinog na ang relasyong ito para sa pagpapakasal," pahayag pa ni Manay Cristy.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo