Matapos Kunsintihin Si Daniel| Zanjoe, Joshua at Ria, Pinatamaan Ni Kathryn| Pambababae Ni Dj Alam!?

Walang komento

Linggo, Pebrero 4, 2024

 


Matapos umiyak sa publiko at aminin na tila mahirap makahanap ng tunay na kaibigan sa industriya ng showbiz, ilang netizens ang nataranta sa kuwento kung bakit tila nasaktan si Kathryn sa breakup nila ni Daniel Padilla.


Kasali ngayon ang pangalan ng ABS-CBN actor na si Zanjoe Marudo. Isa rin dito ang award-winning actor na si Joshua Garcia, maging ang dating kaibigan ni Kathryn na si Ria Atayde, na mukhang pare-parehong sangkot at diumano ay inakusahan ng marami sa mga fans ni Kathryn na tila nagkunsinte sa pambababae ni Daniel Padilla.


Makikita sa panayam ni Kathryn Bernardo ang buong detalye ng mga balitang umani ng iba't ibang reaksyon matapos ibunyag ng umano'y mapagkakatiwalaang source na malapit sa buhay ni Kathryn ang pagkakasangkot ng tatlo sa breakup nila ni Daniel Padilla.




"Sa mga tao na iyon ngayon, sa lahat ng wala sa video, alam niyo na kung sino kayo. Hindi ko na yun kailangang isa-isahin. Last year was very very hard time for me. And it's so hard to find real friends in the industry."


Tama bang kunsintehin ang pagkakamali ng kaibigan lalo na kung alam mong may nasasaktan na? Ito ang naging genuine question ng maraming fans ni Kathryn Bernardo kina Joshua Garcia, Zanjoe Marudo, Ria Atayde, at iba pa matapos madamay ang pangalan at napagbintangan na kinunsinte ang pambababae ni Daniel dahil hindi nila ito sinabi kay Kathryn Bernardo.


Noon pa lang ay niloloko na siya ng anak ni Karla Estrada. Hindi napigilan ni Kathryn na ilabas ang galit sa mga taong nag-ditch sa kanya at tila kinukunsinti pa ang panloloko ng ex-boyfriend.




Ilang beses nang nag-trending sa social media ang larawan na ito ng mag-inang Min at Kathryn Bernardo. Tila may nangyayari matapos ang tila naging mga kaibigan ni Kathryn ay napag-alamang isa sa mga napagbintangan na hindi nagsasabi ng totoo sa aktres kaugnay sa mga babae ng dati niyang nobyo.


Ayon mismo sa trending comment post ng netizen online, "I feel so sad for Kathryn. Alam kong ilang months na ang nakalipas after official niyang i-announce ang break up nila ni Daniel. Pero pansin niyo ba kahapon during the contract signing, parang more of her crying moments is not because of Daniel na."


"It's because of the betrayal ng inner circle of people na noon nakakasama niya, or should I say yung mga taong akala ni Kath eh kaibigan niyang tunay."




Lumabas Din Ang Totoo! Bea Alonzo May Attitude Problem Pala Kaya Iniiwan Ng Mga Nakakarelasyon Niya!

Walang komento

 


Aktres na si Bea Alonzo, may attitude problem ba siya kaya iniwan siya ng mga karelasyon niya? Gaano ito katotoo?


Pinupuna ngayon ng netizens ang aktres na si Bea Alonzo dahil sa patama niya kay Dominic Roque sa panayam niya kamakailan.


Matatandaan na agad niyang itinanggi ang pahayag ni Dominic tungkol sa kanilang paghahanda sa kasal at sinabing wala sa plano niya ang kasal at hindi rin totoo na may mga ninang at ninong na silang kinuha. 




Taliwas ito sa sinabi ng aktor kamakailan na handa na sila ni Bea na magpakasal at planong gawin ito sa Spain at mayroon din daw silang mga ninong at ninang na nakalista.


Dahil sa magkaibang pahayag nila, talagang kinulit sila ng mga netizens sa social media, lalo na si Bea Alonzo, na ngayon ay binabatikos ng mga netizens dahil sa kanyang pahayag na tila nang-iinsulto kay Dominic Roque.


Ayon sa kumakalat na balita ngayon at lumalabas sa iba't ibang pahayagan, may attitude problem daw si Bea Alonzo kaya hindi nagtatagal ang kanyang mga relasyon. Parang noong naging boyfriend ni Bea si Zanjoe Marudo. Kaya rin sila naghiwalay, isa sa mga dahilan ay ang ugali ni Bea Alonzo na hindi rin gusto ng pamilya ni Zanjoe. 




Noong nakarelasyon ni Bea si Gerald Anderson, matatandaang inulan ng bashes ang aktor dahil ghinosting raw siya ni Gerald. Ito ay ayon sa mga pahayag noon ni Bea pero base kay Gerald na bago pa man niya niligawan si Julia Barretto ay nakipaghiwalay na siya kay Bea ng maayos.


Baka raw hindi lang matanggap ni Bea ang breakup nila ni Gerald. Siguro si Bea Alonzo ang talagang may problema pagdating sa ugali dahil kung tutuusin, mabait naman si Dominic Roque at wala na siyang hahanapin pang iba. At least may pundasyon sa buhay at may kaya din ang pamilya. 


Ayon sa source ni Ogie Diaz, hindi rin boto ang nanay ni Bea kay Dominic dahil mayaman si Bea at maraming endorsements, hindi tulad ni Dominic na hindi gaanong sikat at maraming endorsement.




Marahil isa sa mga dahilan ng kanilang hiwalayan ay pera. Samantala, inulan ngayon ng mga negatibong komento si Bea Alonzo dahil sa mga walang respeto at nakakahiyang pahayag nito sa kanyang nobyo.


Netizens commented, "Sa pamilya ni Zanjoe, may ugali yan. Ang sweet, pero..."


"Bea ang may problema, nagbilang na ng lalaki, siguro iba ang gusto."


"Kaya nga siya iniwan ni Gerald kasi may attitude problem yan eh. Tapos si Gerald pa ang naging masama sa publiko eh nakipaghiwalay naman sa kanya ng maayos. Hindi lang kasi tanggap na hiniwalayan siya!"




Dominic Roque Nagsalita Na! Hindi Na Matutuloy Ang Kasal Nila Ni Bea Alonzo!

Walang komento

 


Nagsalita na si Dominic Roque tungkol sa isyu na hindi na matutuloy ang kasal nila ng fiancee na si Bea Alonzo. Usap-usapan ngayon sa social media kung may pinagdadaanan ba ang magfiancee na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Ito ay matapos mapansin ng ilang netizens na hindi suot ng diumano’y Kapuso actress ang kanyang engagement ring. May nakapansin din na tila hindi na nagpo-post sina Bea at Dominic ng mga picture nilang magkasama.


Ang huling post ni Dominic kay Bea ay noong January 4 at inoff na rin ng aktor ang mga komento sa kanyang Instagram. Kaya naman may kanya-kanyang hula ang netizens kung maganda pa ba ang relasyon nina Bea at Dominic.




"Naiinis siya sa akin kasi feeling niya hindi ako hands-on sa ano, pero 'yun ang tinanong ko sa mga kaibigan kong lalaki, ganoon din sila. So", ani Dominic Roque sa isang interview.


Sa latest vlog ng talent manager na si Ogie Diaz, ayon sa kanyang source, naghiwalay sina Bea at Dominic noong January 20.


"Ayon sa isa sa mga source ko, wala na sila. Hiwalay na sila. Yung Japan nila, last post nila yun. Wala na sila.", ani Ogie.




Lalong naghinala ang netizens nang marinig ang mga sagot ni Bea sa isang interview nang tanungin siya tungkol sa kasal nila ni Dominic.


"Wala, wala pang plano. Parang dapat, lalaki yata yung nagpaplano. Sorry, wala akong mashare.", saad ni Bea.




Karla Estrada Sinabing Walang Naiambag Si Kathryn Bernardo Sa Mga Naipundar Ng Anak!

Walang komento

 


Karla Estrada, wala raw siyang utang sa pamilya Bernardo at pinayuhan si Daniel Padilla ng publiko na unahin ang ipon.


Isang common friend daw ng ex-celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nagpadala ng mensahe kaugnay ng balitang may utang ang huli sa pamilya ng una.


Sa pinakabagong episode ng Showbiz oriented vlog na 'Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon', iniulat ng host ang private message na natanggap niya mula sa common friend nina Kathryn at Daniel para linawin ang nasabing isyu.




Ayon sa mensaheng natanggap ni Jobert, "isang pagwawasto sa maling balita na kailangang itama. Una, walang utang. Si Miss Karla Estrada ay hindi kailanman personal na nangutang ng milyon o kahit piso kay Min Bernardo at kay Miss Kathryn mismo."


"Hindi totoong may parte si Miss Kathryn Bernardo sa Corvette car ni Daniel. Ito ay nag-iisang pag-aari ni Daniel. Lahat ng sasakyan ni Daniel ay binili ng sarili niyang pera."


Dagdag pa nito, "Ang KFC branch, si Miss Kathryn Bernardo ay wala ring bahagi sa KFC branch na pag-aari ng pamilya Daniel Padilla. Ang bahay, mahigit isang taon na ang nakalipas mula nang magdesisyon na ibenta ang bahay ni Miss Karla Estrada dahil gusto niyang lumipat sa South area."




"Iba ito sa bahay ni Daniel na katabi lang ng bahay ni Miss Karla." 


Matatandaang matapos ibenta ni Daniel ang kanyang mga luxury cars, lumabas din ang balitang ibebenta rin niya ang kanyang bahay. Bukod dito, napabalita rin na hati ang pagbebenta nina Daniel at Kathryn sa nasabing sasakyan dahil pera daw ni Kathryn ang ginamit sa pagbili nito.


Kaya naman, hindi maiiwasan ang mga espekulasyon na bukod sa naghihirap ay maaaring may utang din ang aktor sa pamilya ng kanyang ex. Wala raw naiipon ang Kapamilya star na si Daniel Padilla kaya marami ang nagpapayo sa aktor na unahin ang mga importanteng bagay kaysa bumili ng kahit ano.




Matatandaang bukod sa sasakyan ay napabalitang may balak ding ibenta ni Daniel ang kanyang bahay at magsasara na rin ang kanyang negosyo.




Magui, makikita ang pag aalala sa kapatid na si Daniel Padilla sa isang video na kuha sa Siargao

Walang komento

 


Viral ngayon sa social media ang mga nagkalat na video at litrato ng aktor na si Daniel Padilla matapos itong mamataan na nagbabakasyon sa isla ng Siargao kasama ang kanyang kapatid na si Magui.


Makikita sa mga video na tila nag-e-enjoy ang aktor sa kanyang bakasyon bagamat wala siyang ibang kasama, maliban sa kanyang kapatid na si Magui, mga tao doon at mga kapwa bakasyunista sa nasabing lugar.


Masaya rin siyang nakipag-bonding sa crowd sa isang bar sa Siargao matapos niyang pagbigyan ang request nila na kumanta at parang nagconcert na kinanta niya ang madalas niyang kantahin na 'Hinahapan-hanap kita'.




Feel na feel daw ng aktor ang kanyang pagkanta habang inihahatid niya ang bawat lyrics habang umiinom. Maririnig din ang pagsigaw ng ilang lyrics kaya naman talagang naghiyawan at nag-eenjoy ang mga tao sa loob ng bar habang kinakantahan sila ng aktor.


Sa kabilang banda, makikita naman sa isa pang video nang papalabas ng bar si Daniel at ang kanyang kapatid na si Magui, hindi niya maiwasang dinumog ng mga taong naghihintay sa labas.


Pero bakas sa mukha ng kapatid ang pag-aalala habang sinasabayan ito palabas ng bar dahil bukod sa dinudumog sila ng mga tao ay tila nakainom ng maraming alak ang aktor. 




Makikitang huminto pa siya saglit para i-accommodate ang mga kumukuha ng litrato pero hinila siya ng kapatid niya dahil halatang lasing na ito. Makikita rin itong tumalon-talon bago tuluyang pumasok sa sasakyan na para bang gusto pang mag-enjoy.


Samantala, umani naman ito ng samu’t saring komento mula sa mga netizens, kung saan ang ilan ay naawa sa pinagdaraanan ngayon ng aktor at kung ano ang ginagawa niya para magsaya sa kabila ng problema. 


Pero may ilan din namang natutuwa para sa kanya dahil nakakapagpasaya na siya ngayon matapos ang mabigat na kontrobersiya sa paghihiwalay nila ng ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.




Narito ang mga komento ng netizens tungkol dito:


"Nakakahawa yong smile mo. Ganyan lang. Magpakasaya ka at mag enjoy."


"Pareho lang din naman sila, nakulong sa sitwasyon na hindi sila makagalaw ng maayos kasi nga bata pa sila noong nagsimula ang relasyon nila ni K. Kung may kasalanan man sya, ayoko pa din makita binoboo sya ng mga tao. Cute ni Magui, andun siya para sa kuya niya." 




Kaya Pala Pumunta Si Daniel Padilla Sa Siargao Di Sya Invited Sa Gender Reveal Nila Maja Salvador

Walang komento

Sabado, Pebrero 3, 2024

 


Hindi inimbita nina Maja Salvador at Rambo Nunez si Daniel Padilla sa Gender Reveal ng kanilang anak at tanging si Kathryn lang ang imbitado.


Namataan nga si Kathryn Bernardo sa Gender Reveal ng anak nina Maja Salvador at Rambo Nunez kasama ang matalik nilang kaibigan na sina Alora Sasam, Miles Ocampo, Sofia Andres, Joshua Garcia, Jericho Rosales, Bea Alonzo, at marami pang iba.


Walang nakakita kay Daniel Padilla na sumipot sa event nina Maja at Rambo. Kaya nagtataka na lang ang mga netizens dahil malapit na magkaibigan sina Daniel, Maja at ang asawa nitong si Rambo Nunez.




Maraming espekulasyon na nagsasabing hindi inimbita nina Maja at Rambo si Daniel dahil ayaw siyang makita ni Kathryn Bernardo. Alam ng mag-asawa ang totoong dahilan kung bakit naghiwalay ang Kathniel.


Kaya siguro pumunta si DJ sa Siargao para hindi mahalata ng netizens na hindi siya imbitado sa event. Hindi man naimbitahan si Daniel Padilla sa Gender Reveal ng anak nina Maja at Rambo, pero na-enjoy niya ang pakikisama ng mga tao sa Siargao dahil itinuring siya ditong parang hindi ibang tao.




Kathryn Bernardo Iba Ang Ngiti Ng Magmessage Na Si Jericho Rosales Sknya Star Magic Contract Signing

Walang komento



Iba ang ngiti ni Kathryn Bernardo nang magbigay sa kanya ng mensahe si Jericho Rosales nang pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN Star Magic.


Isa sa mga nagbigay ng mensahe sa contract signing ni Kathryn Bernardo ay si Jericho Rosales. Napabalitang may upcoming project siya kasama si Kathryn Bernardo.


Napansin ng mga netizens na iba ang ngiti ni Kathryn nang magbigay sa kanya ng mensahe si Jericho. Hindi pa kumpirmado kung ano ang tunay na estado ng kanilang relasyon, pero balitang may mga paparating na proyekto ang dalawa dahil gusto rin daw talaga ni Jericho na makatrabaho si Kathryn at ilang taon na siyang nagtatanong sa ABS.


Ito ang mensahe ni Jericho kay Kathryn at mensahe naman ni Kathryn kay Jericho.


"Hey Kath!". Nagcongratulate si Echo kay Kathryn sa mga hakbang na ginagawa nito ngayon. Inamin ni Jericho na tinatanaw niya si Kath sa malayo at proud sya rito. Hinihiling rin niya na sana ay magkatrabaho sila sa iisang proyekto in the future. "Adios, namaste, congratulations, babosh."


Natatawang sabi ni Kath na si Echo ay mahilig raw sumingit. Nasurprise siya sa pagsingit ni Echo sa videos. Naalala niya habang pumaparty sila sa Gender reveal ni Maja ay sumingit rin ito. "Nagvideo pala siya, thank you so much for the umm, for the video. Umm yun, yun lang."




Min Bernardo Naging Emosyonal Ng Ikwento Ni Kathryn Ang Napagdaanan Kay Daniel Padilla Sa Star Magic

Walang komento

 


Naging emosyonal si Kathryn Bernardo habang pinag-uusapan ang nangyari noong nakaraang taon sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


Min Bernardo, naging emosyonal ito habang nakikitang umiiyak ang anak habang nagkukuwento ng nangyari noong nakaraang taon nang naghiwalay sila ni Daniel Padilla. Nangyari ito sa contract signing ni Kathryn Bernardo sa ABS-CBN dahil nag-renew nga siya ng kontrata sa ABS-CBN.


"This people, grabe sinuportahan nila ako. So thank you for, umm, making time to get to know me. Thank you for supporting my, umm, decisions in everything that I do. Umm, yeah, yu- yun lang muna, yun lang muna.", natatawang saad ni Kathryn.


"Kasi ang hirap ata diba kasi yung isang kumpanya nagrereflect yan kung paano yung mga bosses mo and tayo, I know na lahat dito mag-aagree na we have the best bosses and proud na proud ako na sinasabi yan sa lahat."


"You have beautiful souls, beautiful hearts and nakakaproud nagtratrabaho ako sa isang kumpanya with these beautiful souls so thank you so much for that. Of course, to my Star Cinema family, to my Star Magic family, Direk Lauren, Krizzy and everybody."


"I grew up with Star Cinema and Star Magic. From Mr M and now it's headed by Direk Lauren. Hindi ko magagawa to lahat. You know the struggle every project, every movie, the pressure that you feel, it's too much."


"It's really overwhelming but these are the people na alam mo lang di ka mag-isa. Sila yung kahawak-kamay ko. They tell you the things na kailangan mong marinig. Umm, iko-callout ka nila kapag medyo naligaw ka."


"Ang sasabihan ka nila Good Job if it's something good and you need those people. So thank you Star Magic, to Direk Lauren, Star Magic and everybody, you know who you are, hindi ko na yun kailangang sabihin, maraming maraming salamat."


"Umm, next, okay maybe, I'll say thank you to my friends, and my family. Grabe yung pagpapahalaga ko sa mga, sa mga tao na yun ngayon. Sa lahat na wala sa video, alam niyo na din kung sino kayo. Hindi ko na yun kailangang isa-isahin."


"Last year was very very hard time for me and it's so hard to find real friends in the industry. So eto lang, wala, pinrove lang nila na, you know, possible pa rin na magkaroon ka ng, makahanap ka ng mabubuting tao sa industriya."




Kathryn Bernardo Mas Naging Emosyonal Sa Message Ng Papa Teddy Nb Contract Signing Sa Star Magic

Walang komento

 


Lalong naging emosyonal si Kathryn Bernardo nang magpadala ng mensahe ang kanyang Papa na si Papa Teddy. Ngayon ang contract signing ni Kathryn Bernardo sa ABS-CBN Star Magic kung saan magre-renew siya ng kontrata sa kanyang management.


Ayon sa kanya, forever Kapamilya na siya for better or for worse. Kahit anong mangyari, mananatili siya sa ABS-CBN. Sa ngayon, naging emosyonal si Kathryn nang mag-message sa kanya ang kanyang ama na si Teddy tungkol sa pag-renew ng kanyang kontrata.


"Bilang bunso kong anak, masunurin at may respeto sa amin bilang magulang, pati na rin sa kanyang mga kapatid.", saad ni Papa Teddy.


"Kindhearted and selfless, yan si Kathryn Bernardo.", saad ng kapatid ni Kathryn.


"Yung baby ko ngayon, dalaga na talaga. Natransform niya yung sarili niya into insecure to independent woman." Dugtong pa ni Mommy Min na proud na proud siya kay Kathryn. 


Proud rin ang ate ni Kathryn sa kanya, nakita niya kasi ang paggrow ni Kathryn. "It's really a proud moment for me as an Ate. She has a heart of gold and smile that lights up the world." Hiling ng ate ni Kathryn na patuloy itong maging inspirasyon ng marami. "Be a blessing to many also. We're here for you. Mahal ka namin"


Nagbigay rin ng mensahe ang pamangkin ni Kathryn. Ayon dito, lagi nitong tatandaan na kahit anong pagsubok ang kinakaharap nito ay pinahahalagahan niya ito ng buong-buo. Mag-ingat ito at maging mabait sa kanyang puso. Nagpasalamat siya sa kanyang Tita Kathryn sa pagtayo nito bilang kanyang second mom at bestfriend.


"Wish ko at ng buong pamilya, for success. Despite of everything, be strong. We're just here for you.", saad ni Papa Teddy.


"Ang message ko kay Kath, no matter what happens in life, be good to the people kasi ito lang ang the only legacy we can leave behind.", saad ni Mommy Min.


Sabay-sabay silang sumigaw ng, "We love you, Kath!".




Magugulat Kayo Dito! Kathryn Bernardo at Jericho Rosales Irremake Ang Movie Na Fitfy Shdaes of Grey

Walang komento

 


Jericho Rosales at Kathryn Bernardo, ireremake ang F!fty Shades of Gr3y? Laging magkasama ngayon sina Jericho at Kathryn Bernardo at sinasabi ng ibang netizens na may relasyon ang dalawa.


Namataan silang nagdi-dinner sa isang Restobar at sumasayaw pa. Namataan din sila na magkasamang naghahapunan noong kaarawan ni Mr M. Namataan din silang nagjo-jogging kasama si John Manalo. 


Namataan din silang magkasama sa gender reveal ng anak nina Maja Salvador at Rambo Nunez. Marami ang nagsasabi na may relasyon sila pero ang totoo ay may gagawin silang project.


Mamaya na ito ia-announce ng ABS-CBN, kung saan pipirma si Kathryn ng kontrata sa ABS-CBN management. Sa ngayon ay hindi pa kumpirmado kung gagawa ng pelikula o teleserye sina Jericho at Kathryn.




Kim Chiu Binabakuran Ni Paulo Avelino

Walang komento

Biyernes, Pebrero 2, 2024


 Ikinatuwa ng Kapamilya actress-host na si Kim Chiu ang natatanggap niyang mensahe mula sa mga netizens kung saan marami ang nagsasabi na naiinis at nagagalit sa kanya.


Hindi pinersonal ng aktres na si Kim Chiu ang mga natatanggap niyang pambabatikos ngayon mula sa mga netizens at manonood ng kanyang telseryeng Linlang na kasalukuyang napapanood na ngayon sa telebisyon dahil alam niyang hindi para sa kanya ang mga ito kundi sa ginampamnan niyang role bilang si Juliana.


Si Juliana, ang karakter ni Kim Chiu sa Linlang na siyang nagtaksil sa asawa nitong si Victor na ginampanan naman ni Paulo Avelino. Marami ang naiinis sa katauhan ni Kim Chiu dahil sa hindi maintindihang pananaw nito sa buhay.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ito ang unang pagkakataon na gumanap si Kim Chiu sa ganitong uri ng genre kaya naman hindi niya inasahan na ganito ang uri ng pagtanggap ng tao sa kanya.


Noong una ay aminado si Kim Chiu na labis siyang nagdarasal upang gabayan siya sa kanyang role at mapagtagumpayan niya ang lahat.


Malaki naman ang pasasalamat ni Kim Chiu sa lahat ng mga kasamahan niya sa show mula sa director nito hanggang sa mga kasamahan niya, lalong lalo na ni Paulo Avelino na siyang nagbantay at gumabay sa kanyang pagganap sa katauhan ni Juliana.


Sa tuwing napapansin umano ng mga ito na nagbalik ang aktres sa katauhang Kim Chiu ay ipinauulit ng mga ito kay Kim ang buong eksena.


Tinuturuan din umano siya ni Paulo Avelino sa kung ano ang dapat na gawin sa ilang mga eksena nag nag-aalangan si Kim.


Sa kabilang banda, marami naman ang naghinala na ang pagganap ni Kim Chiu bilang Juliana sa Linlang ang naging dahilan ng hiwalayan nila ni Xian Lim.


Ayon sa ilang mga tagahanga ng aktor, labis na nagseselos si Xian Lim kina Paulo Avelino at JM De Guzman sa maiinit na eksena nito kasama si Kim Chiu.


Tinutulan naman ito kaagad ng mga fans ng aktres dahil napakababaw umano ng dahilan na ito para tapusin ang mahabang relasyon nilang dalawa.




Abs Cbn May Pahayag Sa Balitang Sanib Pwersa Sa ALLTV Network!

Walang komento


 Nitong mga nagdaang araw ay kumakalat sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang magbabalik na ang ABS-CBN sa dati nitong channel na kasalukyang pagmamay-ari na ngayong ng AMBS, network na pag-aari ni former Senator Manny Villar at misis nitong si Cynthia.


Tinuldukan na ng ABS-CBN ang mga kumakalat na haka-haka patungkol sa nasabing balita na ipinakalat ng ilang mga avid Kapamilya fans na nais na magkaroon ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.


Ipinahayag umano mismo ng mga executives ng ABS-CBN sa kanilang mga empleyado na wala na silang intensyon na ilaban pa sa kongreso ang pagkakaroon muli ng prangkisa.


Sa inilabas umano na memo para sa mga empleyado, malinaw umano na ipinahayag nina Carlo Catigbak at Cory Vidanes, na wala na silang plano na mag-apply ng panibagong franchise ang ABS-CBN.


Ayon pa sa isang source, masaya na umano ang ALLTV sa kanilang partnership with ABS-CBN.


Matatandaan na nag-ugat ang mga usaping ito sa speech nina Cory Vidanes at Carlo Catigbak sa nagdaang christmas party ng ABS-CBN, kung saan inilahad nilang na magiging best year nila ang taong 2024 mula nang i-reject ng kongreso ang kanilang franchise renewal noong 2020.


Iba ang naging interpretasyon nito ng mga netizens subalit ang tinutukoy umano nila ay ang pagiging maayos na ng ABS-CBN financially sa taong ito.


Nilinaw nila na naniniwala silang magiging maayos na ang kita ng ABS-CBN dahil stretch ng kanilang story telling at mga natatanggap na suporta mula sa mga advertisers.


Makakatulong din umano sa kanila ang kanilang matagumpay na partnership sa ilang mga platforms providers.


Matatandaan na inakala ng mga netizens na magsasanib pwersa ang ABS-CBN at ALLTV dahil sa kumalat na post sa social media platform na Twitter.


Subalit, wala palang katotohanan ang lahat dahil nilinaw na mismo ng ABS-CBN executives na wala na silang intensyon na kumuha pa ng panibagong prangkisa.




Cristine Reyes Umaming Tinamaan Ng Cancer Dahil Sa Mental Health Issue

Walang komento


 Ginulat ng aktres na si Cristine Reyes ang mga netizens nang aminin niya sa kanyang social media post ang mga pinagdaanan nitong nagdaang taon, lalong-lalo na ang tungkol sa kanyang kalusugan.


Ibinahagi ng aktres ang isang nakakagulat na balita sa kanyang Instagram account kung saan inamin niya ang mga pinagdaanan niya sa buhay.


Marami ang nag-akala na napakasaya na ng buhay ngayon ni Cristine Reyes dahil mayroon itong gwapo at mabait na boyfriend sa katauhan ni Marco Gumabao, kung saan kasama nila ang kanyang anak na si Amara.


Subalit, lingid sa kaalaman ng maraming netizens na dumaan sa matinding pagsubok si Cristine Reyes partikular na sa kanyang kalusugan.


Ayon sa pag-amin ni Cristine Reyes, nitong mga nagdaang taon nagkaroon siya ng ilang mga kondisyon katulad ng disc bulge, alopecia areata, emergency delivery, meningitis, at early detection ng mga cancerous cells, na nagmula sa kanyang emotional stress dala ng kanyang childhood trauma.


Mabuti na lamang umano ay maagang nakita ang mga cancer cells na ito kaya naman kaagad na naagapan ang kanyang kondisyon .


Inamin naman ni Cristine Reyes na nasa healing stage na siya ngayon mula sa kanyang mental health issue sa tulong na rin ng mga panibagong passion niya ngayon sa buhay.


"I am here to share my healing retreat experience with all of you. This retreat has provided me with the opportunity to contemplate on my past, my passion for dance, and my passion for writing. The journey of healing that I embarked on during this retreat has been highly successful."


Dagdag pa ni Cristine Reyes, "I have now overcome these obstacles and found myself dancing, writing, and smiling once again. This healing retreat not only helped me gain mental clarity, but also replenished my energy. When I came here, I had an open mind and heart."


Bagama't hindi nabanggit sa kanyang post naniniwala ang ilan sa mga netizens na malaking parte ng kanyang healing ang kanayang boyfriend ngayon na si Marco Gumabao.


Marami kasi ang nakapansin na magmula ng magkarelasyon ang dalawa ay naging blooming na ang aktres na si Cristine. Tila naghilom na rin ang sugat na iniwan mula sa failed relationship nila ng ama ng kanyang anak na si Ali Khatibi.


Nauna na ring inamin ni Cristine Reyes noon na nakaranas siya ng matinding depression matapos ang paghihiwalay nila ni Ali.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens sa kalagayan ngayon ni Cristine Reyes.


"Congratulations ms @cristinereyes for achieving this kind of healing retreat, reading this made me feel to do this immediately but my time availability is the hindrance, but I will make this as a goal, hope this year"


"Im having goosebumps cuz i said i want a sign to kickstart my healing hourney. And this is it! We have the same birthday @cristinereyes and this is infact the best birthday gift I can give myself. I wish you all the best! Happy Birthday in advance to us =) Cheers"


Mommy Min Naiyak Matapos Ibahagi Ni Kathryn Ilang Pinagdaanan sa Break up nila ni Daniel

Walang komento


 Hindi napigilan ni Min Bernardo, ina ng aktres na si Kathryn Bernardo, ang maging emosyunal habang nagbibigay ng mensahe ang kanyang anak sa naganap na muling pagpirma nito sa Star Magic.


Hindi napigilan ni Mommy Min ang kanyang luha, nang inamin ng kanyang anak sa naging mensahe nito sa naganap na contract signing ang mga pinagdaanan niya noong nakaraang taon kabilang na ang nangyaring hiwalayan nila ng kanyang longtime boyfriend na si Daniel Padilla.


Sa naganap na contract signing inamin ni Kathryn Bernardo na labis siyang nagpapasalamat sa lahat ng mga gumabay sa kanya at nagbigay sa kanya ng lakas noong panahong labis siyang nangangailangan.


Inamin rin ni Kathryn Bernardo na marami siyang pinagdaanan nitong nagdaang taon subalit, nabigyan rin naman umano siya ng pagkakataon na makilala ang mga totoong kaibigan sa loob ng industriya ng showbiz na handa siyang damayan sa likod at harap ng kamera.


Bagama't hindi binanggit, alam na ng lahat na ang hiwalayan nilang dalawa ni Daniel Padilla ang tinutukoy ng aktres.


Matatandaan na lalong lumaki ang isyu ng paghihiwalay ng dalawa dahil sa mga naglabasan balita na matagal nang niloloko ni Daniel Padilla ang aktres sa loob ng 11 years nilang relasyon.


Samantala, hindi naman nagbigay ng pahayag si Kathryn Bernardo kung totoo nga bang nambabae si Daniel Padilla ang tanging inilahad lamang ng aktres ay ang pinagdaanan niyang hirap.


Mabuti na lamang naroon ang kanyang pamilya at mga totoong kaibigan para sumuporta sa kanya. 


Sa kabilang banda, humahanga naman ngayon ang ilang mga netizens sa katapangan ni Kathryn Bernardo dahil kinakaya pa rin nito ang lahat sa kabila ng mga nangyari nito lamang nagdaang taon.


Marami rin ang pumuri kay Mommy Min sa paraan ng pagpapalaki niya sa kanyang anak bilang isang matatag at matapang na babae.


Sa ngayon ay inaabangan ng lahat ang mga proyekto na gagawin ng aktres sa industriya ng showbiz habang patuloy itong nanatiling Kapamilya na siyang itinuturi na niyang pangalawang tahanan.


@ashmnth "ALAM KO, NAGING MAHIRAP ESPECIALLY LAST YEAR" #kathrynbernardo #fyp #foreverkapamilyakathryn ♬ Only Love Can Hurt Like This (Slowed Down Version) - Paloma Faith

Kathryn Bernardo, Emosyunal Na Inilabas Ang Mensahe Sa Mga Taong Tumulong Sa Kanya

Walang komento


 Emosyunal ang aktres na si Kathryn Bernardo sa pagbibigay niya ng mensahe sa naganap na pagpirma niyang muli ng kontrata sa Star Magic ang talent management arm ng ABS-CBN.


Hindi napigilan ng aktres na si Kathryn Bernardo ang pag-iyak habang nagbibigay siya ng mensahe para sa mga taong nakasama at suporta sa kanya noong nagdaang taon habang pinagdadaanan niya ang pinakamasakit na yugto ng kanyang buhay.


Tila nagbigay rin ito ng mensahe para sa kanyang e-boyfriend na si Daniel Padilla.


Napuno ng emosyon ang naganap na contract signing ng Forever Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo, matapos ang pagbibigay nito ng makabagbag damdamin na mensahe sa mga taong nakasama niya noong nagdaang taon kung saan kinaharap niya ang matinding pagsubok sa kanyang buhay.


Inamin ng aktres na si Kathryn Bernardo na hindi naging madali para sa kanya ang taong 2023, kaya naman labis siyang nagpapasalamat sa mga taong nakasama at gumabay sa kanya upang malampasan niya ang lahat.


Inihayag rin niya na malaki ang kanyang pasasalamat at pagpapahalaga sa kanyang mga kaibigan dahil alam umano niyang mahirap makahanap ng totoong kaibigan sa mundo ng showbiz.


Isiniwalat din ni Kathryn Bernardo na desisyon niyang makipaghiwalay kay Daniel Padilla, hindi bilang isang artista kundi bilang isang tao. Hindi na umano naging masaya ang kanilang relasyon kaya naman pinili niyang itigil na ito.


Nagbigay rin si Kathryn Bernardo ng mensahe sa kanyang mga fans na alam niyang nasaktan rin sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla. Inilahad niyang bagama't marami silang mga pinagdaanan, at nakayanan naman nila iyon noon at makakayanan nila in the future.


Inilahad din ni Kathryn Bernardo na walang dapat na ipag-alala ang kanyang mga fans dahil maayos na siya at patuloy pa rin siyang gagawa ng proyekto na alam niyang ikakasiya at ikakaproud ng lahat.


Pinasalamatan rin ni Kahtryn ang kanyang mga tagahanga na patuloy siyang sinuportahan at inintindi ang kanyang desisyon sa buhay.


Kaagad namang umani ng pagsuporta mula sa mga netizens ang aktres na si Kathryn Bernardo matapos aminin ang kanyang mga struggles sa nagdaang taon. Ipinahayag rin ng ilang mga fans ng aktres na naiintindihan nila kung bakit ngayon lamang ito humarap sa media dahil hindi naman talaga madali ang mga pinagdaanan nito.


"there is something in this world you can't control,but what most important you pick up the pieces and moved on with your life"


@ashmnth "ALAM KO, NAGING MAHIRAP ESPECIALLY LAST YEAR" #kathrynbernardo #fyp #foreverkapamilyakathryn ♬ Only Love Can Hurt Like This (Slowed Down Version) - Paloma Faith

Bea Alonzo Lantarang Tinanggi ang Plano sa Kasal na Sinabi ni Dominic Roque

Walang komento


 Ikinagulat ng mga netizens ang hayagang pagtanggi ng aktres na si Bea Alonzo na may plano na sila ni Dominic Roque sa kanilang kasal. 


Itinanggi ng aktres na si Bea Alonzo na nagpaplano na sila ni Dominic Roque sa kanilang kasal. Inilahad din niyang wala pa siyang ideya tungkol sa magiging kasal nila ni Dominic Roque.


Taliwas naman ito sa naging pahayag ni Dominic Roque noong nakaraang mga linggo na may plano na sila ni Bea Alonzo sa kanilang kasala at hinahanda na nila ang kanilang guest list.


Kung saan inilahad pa ni Dominic Roque na hindi imbitado si Daniel Padilla sa kanilang kasal ni Bea Alonzo, tanging si Kathryn Bernardo lamang.


Sa kamakailang panayam kay Bea Alonzo, inihayag niyang wala pa siyang idea kung ano ang magiging detalye ng kasal nila ni Dominic Roque. Nangako pa si Bea Alonzo na isisiwalat niya ang mga detalye sa media kapag magkaroon na siya ng idea sa magiging kasal nila ni Dominic.


Matatandaan na naging malaking usapin online ang naging pahayag ni Dominic Roque ilang linggo lamang ang nakakalipas na inilalatag na nilang dalawa ni Bea Alonzo ang lahat ng plano para sa kanilang kasal kahit pa hindi pa niya masabi ang eksaktong petsa nito.


Ayon pa kay Dominic na plano nila ni Bea Alonzo ang isang Christian wedding at kinumpirmang hindi invited si Daniel Padilla.


Ipinahayag pa ni Dominic Roque na sana nitong January ay ilalatag na nila ni Bea Alonzo ang lahat ng plano para sa kanilang pagpapakasal upang ma-finalize na ito.


Labis naman ikinalito ng mga netizens kung bakit tila tinatanggi ngayon ni Bea Alonzo ang mga isiniwalat na detalye noon ni Dominic Roque patungkol sa mga plano para sa kanilang kasal.


Bukod sa pa rito, inilahad ni Bea Alonzo na wala silang plano ni Dominic Roque para sa darating na Valentine's Day at sa katunayan ay may naka-schedule umano siyang taping sa araw na iyon.


Marami naman ang nangangamba ngayon sa estado ng relasyon ng dalawa dahil marami ang nakapansin na hindi na umano sinusuot ni Bea Alonzo ang binigay na engagement ring ni Dominic Roque sa kanya.


Sa kabila ng mga usap-usapan ngayon sa soial media patungkol sa posibleng nangari sa engaged couple, hinihintay naman ng mga tagahanga ng dalawa na sila na mismo ang magbahagi ng kanilang side sa nasabing isyu.



@starsphotog517 Bea Alonzo Tinanong Kung Invited Ba Ang KathNiel sa Kanilang Wedding ni Dominic Roque? #StarsPhotog #OPPOReno11Series5G #ThePortraitExpert #StandOutInPortrait #BeaAlonzo #KathNiel @bybeaalonzo @user60112118802760 @dmclifestyle @2176399033 @kathrynbernardoofficial @BERNARDOKATH @oppophilippines ♬ original sound - StarsPhotog

Claudine Barretto Nakatikim Ng Matatalim Na Salita Kay Cristy Matapos Bastusin Si Angelu De Leon!

Walang komento


 Veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin, naglabis ng kanyang saloobin sa ginawa ng batikang aktres na si Claudine Barretto sa party ni Gladys Reyes.


Hindi napigilan ni Cristy Fermin na ilabas ang kanyang inis kay Claudine Barretto matapos ang pamamahiya umano nito sa isa pang-aktres na si  Angelu De Leon sa party na inorganiza ni Gladys Reyes para sa kanilang 20th wedding anniversary ng kanyang mister at bilang celebration na rin sa kaarawan ng kanilang panganay na anak.


Hindi na itinago ni Cristy Fermin ang kanyang inis kay Claudine Barretto matapos itong mag-viral nang prangkang tinanggihan nito na makasama sa iisang proyekto si Angelu De Leon.


Matatandaan na hayagang tumanggi si Claudine Barretto na makasama sa gagawing reunion project nila ni Judy Ann Santos at Gladys Reyes si Angelu De Leon.


Marami naman ang naghinala na ang naging pahayag ni Claudine Barretto sa nasabing party ay may kaugnayan sa ipinahayag noon ni Claudine Barretto sa isang panayam kung saan inilahad niyang hindi niya nagustuhan ang pakikialam ni Angelu sa kanyang mga isyu.


Ipinahayag rin ni Claudine Barretto na tila walang pagbabago si Angelu De Leon mula pa noong mga kabataan nila hanggang ngayon, nakikialam pa rin umano ito sa kanya.


Samantala, hindi naman ikinatuwa ni Manay Cristy Fermin at sinermunan niya si Claudine Barretto sa pambabastos nito kay Angelu De Leon. Bukod pa rito tila sinira na rin umano ni Claudine Barretto ang party ni Gladys Reyes.


Iginiit pa ni Cristy Fermin na party nina Christopher Roxas at Gladys Reyes ang kanyang pinuntahan, kaya dapat ay hindi na umano ito dapat na nagpabibo at nagpabida.


Dapat umano ay nanahimik na lamang siya nang marinig niya ang pahayag ni Gladys Reyes patungkol pagsasamahan nilang pelikula kahit pa narinig niya ang pangalan ni Angelu De Leon.


Inilahad pa ni Cristy Femin na kaya umano hiniwalayan ni Raymart Santiago si Claudine Barretto dahil sa masamang ugali nito. Kaya naman hindi na umano nakakapagtataka na maraming mga artista ang galit kay Claudine Barretto.


Marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon sa pahayag ni Cristy Fermin laban kay Claudine Barretto dahil totoo naman talagang masama umano ang ugali ng aktres.


May nagsasabi pang inggetera rin umano ang aktres at mayabang pa.

 


Enrique Gil Tinapos Na Ang Hiwalayan Isyu Nila Ni Liza Soberano

Walang komento

Tinuldukan na ng aktor na si Enrique Gil ang mga haka-hakang matagal na silang naghiwalay ng kanyang long time girlfriend na si Liza Soberano.


Sa kamakailan panayam ni Gretchen Pulido kay Enrique Gil para sa pelikula nitong I Am Not Big Bird, naitanong niya sa aktor kung sino ng magiging ka-date nito sa darating na Valentines Day.


Kaagad naman itong sinagot ni Enrique Gil na ang kanyang makakadate ay walang iba kundi ang kanyang ina dahil nakakalungkot man ay hindi umano niya maaring makasama si Liza Soberano dahil nandoon ito sa United States para i-promote ang movie nito na Lisa Frankenstein.


Gayunpaman, hinihiling pa rin ni Enrique Gil na makauwi ang kanyang girlfriend sa bansa sa tamang oras at pagkakataon para suportahan siya sa kanyang film.


Pinuri naman ni Gretchen ang paraan nina Enrique Gil at Liza Soberano sa pagsuporta sa bawat projects ng isa't-isa.


Tahasan ring naitanong ni Gretchen si Enrique Gil kung kumusta ang romantic relationship nila ni Liza Soberano na napapabalitang matagal nang nagtapos.


Ayon naman kay Enrique Gil, maayos ang kanilang relasyon at masaya pa rin sila. Tila sinagot na rin niya ang mga katanungan kung bakit hindi na sila madalas na nagkakasama sa agpapahayag niyang kapwa sila abala sa kani-kanilang mga career.


"I think we just realize na in life na we should not center around each other. Parang we can do more, we can grow more, we can achieve more, then we can be better."


Samantala, labis naman na nasisiyahan ang mga fans ngayon nina Liza Soberano at Enrique Gil na mismong ang aktor na ang nagsasabing sila parin ng aktres.


Matatandaan na ilang beses na ring naiulat noon ang paghihiwalay ng dalawa mula ng makapagdesisyon si Liza Soberano na iwan ang ABS-CBN, Star Magic at si Ogie Diaz upang i-pursue ang kanyang Hollywood dream.


Naging abala na rin ito sa kanyang career lalo na at may mga nakaharap rin itong mga pagsubok sa Amerika.


Dahil dito, nagiging malimit na ang pagkakataon na nagkasama ang dalawa. Gayunpaman, nasiyahan ang mga netizens dahil natagalan nila ang relasyon sa kabila ng pagiging malayo nila sa isa't-isa at minsan na lamang silang nagkikita.


 

@mayadelarosalim_00

♬ original sound - Lorna Trinidad

May Violation Ulit! It'S Showtime, Bibigyan Ulit Ng Parusa Nang MTRCB Dahil Naman Kay Vice Ganda

Walang komento


 Kapamilya noontime show na It's Showtime, maaring mapatawan na naman ng panibagong parusa ng MTRCB nang dahil muli sa Unkabogable Star na si Vice Ganda.


Muling tinawag ng ilang mga netizens ang pansin ng MTRCB, dahil sa naging pahayag ni Vice Ganda sa isang segment ng It's Showtime. Sa kamakailang episode ng Expecially For You, ipinahayag ni Vice Ganda ang kanyang pagkainis sa lalaking contestant na umamin na ginamit lamang niya noon ang kanyang girlfriend.


Inamin ng kanilang male contestant na dahil mas mapera kaysa kanya ang dating girlfriend ginamit umano niya ito sa sariling advantage. Ang babae na umano ang gumagastos sa kanilang mga date at maging ng kanyang luho. Bukod pa rito, inuutangan na rin niya ito.


Hindi naman maitago ni Vice Ganda ang kanyang pagkainis rito at maging ng iba pang It's Showtime hosts, nang mapag-alaman nilang hanggang ngayon ay hindi pa rin nito binabayaran ang kanyang utang sa kanyang ex-girlfriend.


Tinanong naman ng mga It's Showtime hosts kung kailan niya babayaran ang kanyang utang sa kanyang ex-girlfriend. Sinagot naman ito ng contestant na kapag nakaluwag-luwag na siya.


Napansin naman ng mga hosts na tila bago ang suot nitong sapatos ngayon at tila mamahalin rin ang suot nitong suit, may mamahalin rin itong mga jewelries sa katawan at naka-contact lenses pa.


Dahil dito, tila hindi na napigilan ni Vice Ganda ang sarili at sinabihan ang kanilang contestant na babae na dukutin ang mata ng lalaki para kahit papaano ay makabawi naman siya sa pagkakautang nito sa kanya.


Kaagad namang tinawag ng ilang mga netizens ang pansin ng MTRCB matapos ang pahayag ni Vice Ganda dahil hindi umano angkop ang pahayag ni Vice Ganda sa national television.


Tila pamamahiya rin umano sa kanilang contestant ang ginawa ni Vice Ganda.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang sumusuporta kay Vice Ganda sa ginawa nito sa contestant kung saan inilahad nilang totoong mali ang ginawa ng lalaki sa kanyang ex-girlfriend.


Nararapat lamang umano ito dahil tila hindi aware ang lalaki na mali ang kanyang ginawa sa dating kasintahan. 


Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang chairperson ng MTRCB na si Lala Sotto kung saan sinabi niyang mas naging cooperative na umano ngayon ang It's Showtime matapos ang pagkaka-suspend nito noong nagdaang taon.



@pocojude

Vice Ganda at Tyang Amy, napika sa bisita ng Expecially For You, matapos nitong aminin na ginamit lang niya ang kanyang ex-girlfriend para sa materyal na pangangailangan.

♬ original sound - Jude
Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo