Abs Cbn May Pahayag Sa Balitang Sanib Pwersa Sa ALLTV Network!

Biyernes, Pebrero 2, 2024

/ by Lovely


 Nitong mga nagdaang araw ay kumakalat sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang balitang magbabalik na ang ABS-CBN sa dati nitong channel na kasalukyang pagmamay-ari na ngayong ng AMBS, network na pag-aari ni former Senator Manny Villar at misis nitong si Cynthia.


Tinuldukan na ng ABS-CBN ang mga kumakalat na haka-haka patungkol sa nasabing balita na ipinakalat ng ilang mga avid Kapamilya fans na nais na magkaroon ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN.


Ipinahayag umano mismo ng mga executives ng ABS-CBN sa kanilang mga empleyado na wala na silang intensyon na ilaban pa sa kongreso ang pagkakaroon muli ng prangkisa.


Sa inilabas umano na memo para sa mga empleyado, malinaw umano na ipinahayag nina Carlo Catigbak at Cory Vidanes, na wala na silang plano na mag-apply ng panibagong franchise ang ABS-CBN.


Ayon pa sa isang source, masaya na umano ang ALLTV sa kanilang partnership with ABS-CBN.


Matatandaan na nag-ugat ang mga usaping ito sa speech nina Cory Vidanes at Carlo Catigbak sa nagdaang christmas party ng ABS-CBN, kung saan inilahad nilang na magiging best year nila ang taong 2024 mula nang i-reject ng kongreso ang kanilang franchise renewal noong 2020.


Iba ang naging interpretasyon nito ng mga netizens subalit ang tinutukoy umano nila ay ang pagiging maayos na ng ABS-CBN financially sa taong ito.


Nilinaw nila na naniniwala silang magiging maayos na ang kita ng ABS-CBN dahil stretch ng kanilang story telling at mga natatanggap na suporta mula sa mga advertisers.


Makakatulong din umano sa kanila ang kanilang matagumpay na partnership sa ilang mga platforms providers.


Matatandaan na inakala ng mga netizens na magsasanib pwersa ang ABS-CBN at ALLTV dahil sa kumalat na post sa social media platform na Twitter.


Subalit, wala palang katotohanan ang lahat dahil nilinaw na mismo ng ABS-CBN executives na wala na silang intensyon na kumuha pa ng panibagong prangkisa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo