Magui, makikita ang pag aalala sa kapatid na si Daniel Padilla sa isang video na kuha sa Siargao

Linggo, Pebrero 4, 2024

/ by Sparkle

 


Viral ngayon sa social media ang mga nagkalat na video at litrato ng aktor na si Daniel Padilla matapos itong mamataan na nagbabakasyon sa isla ng Siargao kasama ang kanyang kapatid na si Magui.


Makikita sa mga video na tila nag-e-enjoy ang aktor sa kanyang bakasyon bagamat wala siyang ibang kasama, maliban sa kanyang kapatid na si Magui, mga tao doon at mga kapwa bakasyunista sa nasabing lugar.


Masaya rin siyang nakipag-bonding sa crowd sa isang bar sa Siargao matapos niyang pagbigyan ang request nila na kumanta at parang nagconcert na kinanta niya ang madalas niyang kantahin na 'Hinahapan-hanap kita'.




Feel na feel daw ng aktor ang kanyang pagkanta habang inihahatid niya ang bawat lyrics habang umiinom. Maririnig din ang pagsigaw ng ilang lyrics kaya naman talagang naghiyawan at nag-eenjoy ang mga tao sa loob ng bar habang kinakantahan sila ng aktor.


Sa kabilang banda, makikita naman sa isa pang video nang papalabas ng bar si Daniel at ang kanyang kapatid na si Magui, hindi niya maiwasang dinumog ng mga taong naghihintay sa labas.


Pero bakas sa mukha ng kapatid ang pag-aalala habang sinasabayan ito palabas ng bar dahil bukod sa dinudumog sila ng mga tao ay tila nakainom ng maraming alak ang aktor. 




Makikitang huminto pa siya saglit para i-accommodate ang mga kumukuha ng litrato pero hinila siya ng kapatid niya dahil halatang lasing na ito. Makikita rin itong tumalon-talon bago tuluyang pumasok sa sasakyan na para bang gusto pang mag-enjoy.


Samantala, umani naman ito ng samu’t saring komento mula sa mga netizens, kung saan ang ilan ay naawa sa pinagdaraanan ngayon ng aktor at kung ano ang ginagawa niya para magsaya sa kabila ng problema. 


Pero may ilan din namang natutuwa para sa kanya dahil nakakapagpasaya na siya ngayon matapos ang mabigat na kontrobersiya sa paghihiwalay nila ng ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.




Narito ang mga komento ng netizens tungkol dito:


"Nakakahawa yong smile mo. Ganyan lang. Magpakasaya ka at mag enjoy."


"Pareho lang din naman sila, nakulong sa sitwasyon na hindi sila makagalaw ng maayos kasi nga bata pa sila noong nagsimula ang relasyon nila ni K. Kung may kasalanan man sya, ayoko pa din makita binoboo sya ng mga tao. Cute ni Magui, andun siya para sa kuya niya." 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo