Karla Estrada Sinabing Walang Naiambag Si Kathryn Bernardo Sa Mga Naipundar Ng Anak!

Linggo, Pebrero 4, 2024

/ by Sparkle

 


Karla Estrada, wala raw siyang utang sa pamilya Bernardo at pinayuhan si Daniel Padilla ng publiko na unahin ang ipon.


Isang common friend daw ng ex-celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nagpadala ng mensahe kaugnay ng balitang may utang ang huli sa pamilya ng una.


Sa pinakabagong episode ng Showbiz oriented vlog na 'Oras ng Opinyon, Talakayan at Diskusyon', iniulat ng host ang private message na natanggap niya mula sa common friend nina Kathryn at Daniel para linawin ang nasabing isyu.




Ayon sa mensaheng natanggap ni Jobert, "isang pagwawasto sa maling balita na kailangang itama. Una, walang utang. Si Miss Karla Estrada ay hindi kailanman personal na nangutang ng milyon o kahit piso kay Min Bernardo at kay Miss Kathryn mismo."


"Hindi totoong may parte si Miss Kathryn Bernardo sa Corvette car ni Daniel. Ito ay nag-iisang pag-aari ni Daniel. Lahat ng sasakyan ni Daniel ay binili ng sarili niyang pera."


Dagdag pa nito, "Ang KFC branch, si Miss Kathryn Bernardo ay wala ring bahagi sa KFC branch na pag-aari ng pamilya Daniel Padilla. Ang bahay, mahigit isang taon na ang nakalipas mula nang magdesisyon na ibenta ang bahay ni Miss Karla Estrada dahil gusto niyang lumipat sa South area."




"Iba ito sa bahay ni Daniel na katabi lang ng bahay ni Miss Karla." 


Matatandaang matapos ibenta ni Daniel ang kanyang mga luxury cars, lumabas din ang balitang ibebenta rin niya ang kanyang bahay. Bukod dito, napabalita rin na hati ang pagbebenta nina Daniel at Kathryn sa nasabing sasakyan dahil pera daw ni Kathryn ang ginamit sa pagbili nito.


Kaya naman, hindi maiiwasan ang mga espekulasyon na bukod sa naghihirap ay maaaring may utang din ang aktor sa pamilya ng kanyang ex. Wala raw naiipon ang Kapamilya star na si Daniel Padilla kaya marami ang nagpapayo sa aktor na unahin ang mga importanteng bagay kaysa bumili ng kahit ano.




Matatandaang bukod sa sasakyan ay napabalitang may balak ding ibenta ni Daniel ang kanyang bahay at magsasara na rin ang kanyang negosyo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo