Cristine Reyes Umaming Tinamaan Ng Cancer Dahil Sa Mental Health Issue

Biyernes, Pebrero 2, 2024

/ by Lovely


 Ginulat ng aktres na si Cristine Reyes ang mga netizens nang aminin niya sa kanyang social media post ang mga pinagdaanan nitong nagdaang taon, lalong-lalo na ang tungkol sa kanyang kalusugan.


Ibinahagi ng aktres ang isang nakakagulat na balita sa kanyang Instagram account kung saan inamin niya ang mga pinagdaanan niya sa buhay.


Marami ang nag-akala na napakasaya na ng buhay ngayon ni Cristine Reyes dahil mayroon itong gwapo at mabait na boyfriend sa katauhan ni Marco Gumabao, kung saan kasama nila ang kanyang anak na si Amara.


Subalit, lingid sa kaalaman ng maraming netizens na dumaan sa matinding pagsubok si Cristine Reyes partikular na sa kanyang kalusugan.


Ayon sa pag-amin ni Cristine Reyes, nitong mga nagdaang taon nagkaroon siya ng ilang mga kondisyon katulad ng disc bulge, alopecia areata, emergency delivery, meningitis, at early detection ng mga cancerous cells, na nagmula sa kanyang emotional stress dala ng kanyang childhood trauma.


Mabuti na lamang umano ay maagang nakita ang mga cancer cells na ito kaya naman kaagad na naagapan ang kanyang kondisyon .


Inamin naman ni Cristine Reyes na nasa healing stage na siya ngayon mula sa kanyang mental health issue sa tulong na rin ng mga panibagong passion niya ngayon sa buhay.


"I am here to share my healing retreat experience with all of you. This retreat has provided me with the opportunity to contemplate on my past, my passion for dance, and my passion for writing. The journey of healing that I embarked on during this retreat has been highly successful."


Dagdag pa ni Cristine Reyes, "I have now overcome these obstacles and found myself dancing, writing, and smiling once again. This healing retreat not only helped me gain mental clarity, but also replenished my energy. When I came here, I had an open mind and heart."


Bagama't hindi nabanggit sa kanyang post naniniwala ang ilan sa mga netizens na malaking parte ng kanyang healing ang kanayang boyfriend ngayon na si Marco Gumabao.


Marami kasi ang nakapansin na magmula ng magkarelasyon ang dalawa ay naging blooming na ang aktres na si Cristine. Tila naghilom na rin ang sugat na iniwan mula sa failed relationship nila ng ama ng kanyang anak na si Ali Khatibi.


Nauna na ring inamin ni Cristine Reyes noon na nakaranas siya ng matinding depression matapos ang paghihiwalay nila ni Ali.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens sa kalagayan ngayon ni Cristine Reyes.


"Congratulations ms @cristinereyes for achieving this kind of healing retreat, reading this made me feel to do this immediately but my time availability is the hindrance, but I will make this as a goal, hope this year"


"Im having goosebumps cuz i said i want a sign to kickstart my healing hourney. And this is it! We have the same birthday @cristinereyes and this is infact the best birthday gift I can give myself. I wish you all the best! Happy Birthday in advance to us =) Cheers"


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo