Kim Chiu Binabakuran Ni Paulo Avelino

Biyernes, Pebrero 2, 2024

/ by Lovely


 Ikinatuwa ng Kapamilya actress-host na si Kim Chiu ang natatanggap niyang mensahe mula sa mga netizens kung saan marami ang nagsasabi na naiinis at nagagalit sa kanya.


Hindi pinersonal ng aktres na si Kim Chiu ang mga natatanggap niyang pambabatikos ngayon mula sa mga netizens at manonood ng kanyang telseryeng Linlang na kasalukuyang napapanood na ngayon sa telebisyon dahil alam niyang hindi para sa kanya ang mga ito kundi sa ginampamnan niyang role bilang si Juliana.


Si Juliana, ang karakter ni Kim Chiu sa Linlang na siyang nagtaksil sa asawa nitong si Victor na ginampanan naman ni Paulo Avelino. Marami ang naiinis sa katauhan ni Kim Chiu dahil sa hindi maintindihang pananaw nito sa buhay.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ito ang unang pagkakataon na gumanap si Kim Chiu sa ganitong uri ng genre kaya naman hindi niya inasahan na ganito ang uri ng pagtanggap ng tao sa kanya.


Noong una ay aminado si Kim Chiu na labis siyang nagdarasal upang gabayan siya sa kanyang role at mapagtagumpayan niya ang lahat.


Malaki naman ang pasasalamat ni Kim Chiu sa lahat ng mga kasamahan niya sa show mula sa director nito hanggang sa mga kasamahan niya, lalong lalo na ni Paulo Avelino na siyang nagbantay at gumabay sa kanyang pagganap sa katauhan ni Juliana.


Sa tuwing napapansin umano ng mga ito na nagbalik ang aktres sa katauhang Kim Chiu ay ipinauulit ng mga ito kay Kim ang buong eksena.


Tinuturuan din umano siya ni Paulo Avelino sa kung ano ang dapat na gawin sa ilang mga eksena nag nag-aalangan si Kim.


Sa kabilang banda, marami naman ang naghinala na ang pagganap ni Kim Chiu bilang Juliana sa Linlang ang naging dahilan ng hiwalayan nila ni Xian Lim.


Ayon sa ilang mga tagahanga ng aktor, labis na nagseselos si Xian Lim kina Paulo Avelino at JM De Guzman sa maiinit na eksena nito kasama si Kim Chiu.


Tinutulan naman ito kaagad ng mga fans ng aktres dahil napakababaw umano ng dahilan na ito para tapusin ang mahabang relasyon nilang dalawa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo