May Violation Ulit! It'S Showtime, Bibigyan Ulit Ng Parusa Nang MTRCB Dahil Naman Kay Vice Ganda

Biyernes, Pebrero 2, 2024

/ by Lovely


 Kapamilya noontime show na It's Showtime, maaring mapatawan na naman ng panibagong parusa ng MTRCB nang dahil muli sa Unkabogable Star na si Vice Ganda.


Muling tinawag ng ilang mga netizens ang pansin ng MTRCB, dahil sa naging pahayag ni Vice Ganda sa isang segment ng It's Showtime. Sa kamakailang episode ng Expecially For You, ipinahayag ni Vice Ganda ang kanyang pagkainis sa lalaking contestant na umamin na ginamit lamang niya noon ang kanyang girlfriend.


Inamin ng kanilang male contestant na dahil mas mapera kaysa kanya ang dating girlfriend ginamit umano niya ito sa sariling advantage. Ang babae na umano ang gumagastos sa kanilang mga date at maging ng kanyang luho. Bukod pa rito, inuutangan na rin niya ito.


Hindi naman maitago ni Vice Ganda ang kanyang pagkainis rito at maging ng iba pang It's Showtime hosts, nang mapag-alaman nilang hanggang ngayon ay hindi pa rin nito binabayaran ang kanyang utang sa kanyang ex-girlfriend.


Tinanong naman ng mga It's Showtime hosts kung kailan niya babayaran ang kanyang utang sa kanyang ex-girlfriend. Sinagot naman ito ng contestant na kapag nakaluwag-luwag na siya.


Napansin naman ng mga hosts na tila bago ang suot nitong sapatos ngayon at tila mamahalin rin ang suot nitong suit, may mamahalin rin itong mga jewelries sa katawan at naka-contact lenses pa.


Dahil dito, tila hindi na napigilan ni Vice Ganda ang sarili at sinabihan ang kanilang contestant na babae na dukutin ang mata ng lalaki para kahit papaano ay makabawi naman siya sa pagkakautang nito sa kanya.


Kaagad namang tinawag ng ilang mga netizens ang pansin ng MTRCB matapos ang pahayag ni Vice Ganda dahil hindi umano angkop ang pahayag ni Vice Ganda sa national television.


Tila pamamahiya rin umano sa kanilang contestant ang ginawa ni Vice Ganda.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang sumusuporta kay Vice Ganda sa ginawa nito sa contestant kung saan inilahad nilang totoong mali ang ginawa ng lalaki sa kanyang ex-girlfriend.


Nararapat lamang umano ito dahil tila hindi aware ang lalaki na mali ang kanyang ginawa sa dating kasintahan. 


Samantala, nagbigay naman ng pahayag ang chairperson ng MTRCB na si Lala Sotto kung saan sinabi niyang mas naging cooperative na umano ngayon ang It's Showtime matapos ang pagkaka-suspend nito noong nagdaang taon.



@pocojude

Vice Ganda at Tyang Amy, napika sa bisita ng Expecially For You, matapos nitong aminin na ginamit lang niya ang kanyang ex-girlfriend para sa materyal na pangangailangan.

♬ original sound - Jude

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo