Claudine Barretto Nakatikim Ng Matatalim Na Salita Kay Cristy Matapos Bastusin Si Angelu De Leon!

Biyernes, Pebrero 2, 2024

/ by Lovely


 Veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin, naglabis ng kanyang saloobin sa ginawa ng batikang aktres na si Claudine Barretto sa party ni Gladys Reyes.


Hindi napigilan ni Cristy Fermin na ilabas ang kanyang inis kay Claudine Barretto matapos ang pamamahiya umano nito sa isa pang-aktres na si  Angelu De Leon sa party na inorganiza ni Gladys Reyes para sa kanilang 20th wedding anniversary ng kanyang mister at bilang celebration na rin sa kaarawan ng kanilang panganay na anak.


Hindi na itinago ni Cristy Fermin ang kanyang inis kay Claudine Barretto matapos itong mag-viral nang prangkang tinanggihan nito na makasama sa iisang proyekto si Angelu De Leon.


Matatandaan na hayagang tumanggi si Claudine Barretto na makasama sa gagawing reunion project nila ni Judy Ann Santos at Gladys Reyes si Angelu De Leon.


Marami naman ang naghinala na ang naging pahayag ni Claudine Barretto sa nasabing party ay may kaugnayan sa ipinahayag noon ni Claudine Barretto sa isang panayam kung saan inilahad niyang hindi niya nagustuhan ang pakikialam ni Angelu sa kanyang mga isyu.


Ipinahayag rin ni Claudine Barretto na tila walang pagbabago si Angelu De Leon mula pa noong mga kabataan nila hanggang ngayon, nakikialam pa rin umano ito sa kanya.


Samantala, hindi naman ikinatuwa ni Manay Cristy Fermin at sinermunan niya si Claudine Barretto sa pambabastos nito kay Angelu De Leon. Bukod pa rito tila sinira na rin umano ni Claudine Barretto ang party ni Gladys Reyes.


Iginiit pa ni Cristy Fermin na party nina Christopher Roxas at Gladys Reyes ang kanyang pinuntahan, kaya dapat ay hindi na umano ito dapat na nagpabibo at nagpabida.


Dapat umano ay nanahimik na lamang siya nang marinig niya ang pahayag ni Gladys Reyes patungkol pagsasamahan nilang pelikula kahit pa narinig niya ang pangalan ni Angelu De Leon.


Inilahad pa ni Cristy Femin na kaya umano hiniwalayan ni Raymart Santiago si Claudine Barretto dahil sa masamang ugali nito. Kaya naman hindi na umano nakakapagtataka na maraming mga artista ang galit kay Claudine Barretto.


Marami naman sa mga netizens ang sumang-ayon sa pahayag ni Cristy Fermin laban kay Claudine Barretto dahil totoo naman talagang masama umano ang ugali ng aktres.


May nagsasabi pang inggetera rin umano ang aktres at mayabang pa.

 


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo