Kathryn Bernardo Mas Naging Emosyonal Sa Message Ng Papa Teddy Nb Contract Signing Sa Star Magic

Sabado, Pebrero 3, 2024

/ by Sparkle

 


Lalong naging emosyonal si Kathryn Bernardo nang magpadala ng mensahe ang kanyang Papa na si Papa Teddy. Ngayon ang contract signing ni Kathryn Bernardo sa ABS-CBN Star Magic kung saan magre-renew siya ng kontrata sa kanyang management.


Ayon sa kanya, forever Kapamilya na siya for better or for worse. Kahit anong mangyari, mananatili siya sa ABS-CBN. Sa ngayon, naging emosyonal si Kathryn nang mag-message sa kanya ang kanyang ama na si Teddy tungkol sa pag-renew ng kanyang kontrata.


"Bilang bunso kong anak, masunurin at may respeto sa amin bilang magulang, pati na rin sa kanyang mga kapatid.", saad ni Papa Teddy.


"Kindhearted and selfless, yan si Kathryn Bernardo.", saad ng kapatid ni Kathryn.


"Yung baby ko ngayon, dalaga na talaga. Natransform niya yung sarili niya into insecure to independent woman." Dugtong pa ni Mommy Min na proud na proud siya kay Kathryn. 


Proud rin ang ate ni Kathryn sa kanya, nakita niya kasi ang paggrow ni Kathryn. "It's really a proud moment for me as an Ate. She has a heart of gold and smile that lights up the world." Hiling ng ate ni Kathryn na patuloy itong maging inspirasyon ng marami. "Be a blessing to many also. We're here for you. Mahal ka namin"


Nagbigay rin ng mensahe ang pamangkin ni Kathryn. Ayon dito, lagi nitong tatandaan na kahit anong pagsubok ang kinakaharap nito ay pinahahalagahan niya ito ng buong-buo. Mag-ingat ito at maging mabait sa kanyang puso. Nagpasalamat siya sa kanyang Tita Kathryn sa pagtayo nito bilang kanyang second mom at bestfriend.


"Wish ko at ng buong pamilya, for success. Despite of everything, be strong. We're just here for you.", saad ni Papa Teddy.


"Ang message ko kay Kath, no matter what happens in life, be good to the people kasi ito lang ang the only legacy we can leave behind.", saad ni Mommy Min.


Sabay-sabay silang sumigaw ng, "We love you, Kath!".




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo