Min Bernardo Binasag Ang Isyung Buntis Si Kathryn Bernardo

Walang komento

Huwebes, Disyembre 7, 2023


 Kaagad na sinagot ng ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo ang mga balitang kumakalat ngayon sa mundo ng showbiz na umano'y nagbubuntis ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo kaya umalis ito sa bansa.


Kasunod ng balitang nagpunta sa Canada ang aktres na si Kathryn Bernardo, naglabasan naman ang mga bali-balitang nagbubuntis ito kaya naman, pinaalis na muna nila ito sa bansa para magpalipas ng panahon hanggang sa manganak na ito.


Alam din umano ito ni Daniel Padilla kaya naman naghiwalay na muna ang dalawa. May mga haka-haka na kumakalat ngayon sa ilang social media platform na umano'y hindi totoong naghiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Ipinalabas lamang umano nila ito para makaalis si Kath sa bansa at magpanggap na magmomove on kahit ang totoo ay nagbubuntis lamang ito.


May mga naghinala pa na tiyak umanong palihim na susunod ang aktor na si Daniel Padilla sa Canada para alagaan si Kath.


Samantala, kaagad namang pinabulaanan ng mismong ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo ang bali-balitang ito. Ipinagdidiinan din niya na hindi nagpunta sa Canada si Kathryn Bernardo para doon magpalipas ng pagkakataon hanggang sa manganak na.


Ayon kay Mn Bernardo, may project umano itong si Kathryn Bernardo sa Canada. Kinailangan umanong magpunta na  roon ang aktres upang masimulan na ito dahil marami rin siyang gagawing project sa Pilipinas.


Mananatili sa Canada ang aktres hanggang sa matapos ang kanyang proyektong gagawin roon at hindi hanggang sa manganak na ito.


Nakiusap naman ang ina ni Kathryn Bernardo sa mga netizens na huwag kaagad maniwala sa mga nababasa at naririnig na isyu bagkus ay hanapin muna ang katotohanan nito.


Hiniling rin niya sa mga fans na huwag kaagad na maniwala sa mga balitang nagbubuntis ang kanyang anak dahil wala naman umano itong katotohanan.


Sakali din man umano na totoong nagbubuntis ang kanyang anak ay titiyakin din naman umano niya na mananagot ang ama ng kanyang apo.


Sa ngayon ay patuloy namang tikom ang mga bibig nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga naglabasang isyu sa kanilang paghihiwalay.


Ito Na Si Kathryn Bernardo Ngayon Pagkatapos Ng Break up

Walang komento


 Bagong Kathryn Bernardo na umano ang makikita ng mga netizens at mga fans sa susunod na taon matapos pagbabakasyon nito.


Kumakalat din ngayon ang mga bali-balita patungkol sa mga role na gagampanan ni Kathryn Bernardo sa kanyang mga pelikula at mga teleserye sa susunod na taon kung saan malayong-malayo na ito sa kanyang mga ginagampanan ngayon.


May mga gagawing teleserye umano ang aktres sa taong 2024 kung saan hindi na niya makakatambal ang kanyang dating ka-loveteam na si Daniel Padilla.


Ayon sa mga kumakalat na balita sa social media, mas dumadami pa umano ngayon ang mga endorsement at commercials na gagawin ni Kathryn Bernardo sa susunod na taon.


Bagama't tila nabuwag na ang KathNiel loveteam, hindi pa rin tinalikuran si Kathryn Bernardo ng kanilang mga fans, patuloy pa rin nilang sinusuportahan ngayon ang aktres kahit pa wala na itong ka-loveteam.


Matagal na rin namang napatunayan ni Kathryn Bernardo na hindi niya kailangan ng loveteam. Matatandaan na naging box offfice hit ang pelikula noon na pinagbibidahan nilang movie ni Alden Richards.


Maging ang pelikulang kanyang pinagbibidahan kamakailan ay naging top trending na rin at sa katunayan ay ipapalabas na rin sa Netflix.


Kaya naman, kahit pa wala na si Daniel Padilla at tuluyan nang nabuyag ang KathNiel loveteam ay tuloy-tuloy pa rin ang pagsikat ni Kathryn Bernardo.


Samantala, marami naman ang nakapansin na tila lalong gumanda at nag-glow up ngayon ang aktres matapos ang pag-amin niya na naghiwalay na sila ni Daniel Padilla.


Tila nawalan umano ng pasanin at problema ang aktres kaya naman nag glow na ito ngayon.


Samantala, narito naman ang ilang mga reaksyon at komento ng mga netizens hinggil sa nasabing pagbabago ngayon ng image ni Kathryn Bernardo.


May mga nagbigay ng pahayag na dapat nang iwan at kalimutan ni Kathryn Bernardo ang mga negative people na nakakasira sa kanyang inner peace.


"tama kyo guys d kawalan ang Padilla sa Buhay nya  sikat parin  cia  Lalo na tuloy sisikat cia sa ginawa Ng lalaki na yon go lang kath  nandito kmi lge sa likod mo "


Abs Cbn Star Magic May Bagong Branding Kay Kathryn Bernardo

Walang komento


 May panibagong pasilip ang aktres na si Kathryn Bernardo sa kanyang social media account matapos ang pagkumpirma niyang naghiwalay na sila ng kanyang boyfriend sa loob ng mahigit isang dekada na si Daniel Padilla.


Nauna nang ibinahagi ni Kathryn Bernardo sa isang Instagram stories ang kanyang selfie kung saan makikitang nag-aayos sila ng mga damit.


Sa susunod na larawan makikita naman si Kathryn na masayang nakikipagsalo sa mga kasama niya sa naunang larawan.


Matatandaan na noong November 30, 2023, ginulat nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang publikop nang tuluyan na nilang aminin ang kanilang paghihiwalay.


Bagama't hindi naman idinitalye ng KathNiel ang dahilan nito, marami sa mga netizens at mga fans ang naghinala na may kinalaman sa nangyari sa dalawa ang aktres na si Andrea Brillantes.


Bago pa man inamin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang paghihiwalay ay nauna nang pumutol ang balita na pasekretong nagkikita sina Daniel at Andrea Brillantes


Samantala, tila tuloy-tuloy naman ang pagre-rebrand ngayon ng aktres matapos ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


Makikita sa kanyang social media account ang pagbahagi ng aktres sa kanyang panibagong hairstyle. Makikita sa ibinahaging larawan ng aktres ang kanyang orange hair.


Matapos ang matagumpay na pelikula ni Kathryn Bernardo na A Very Good Girl muling bibida ang aktres sa isa pang pelikula na pinamagatang Elena 1944.


Gagampanan ni Kathryn Bernardo sa nasabing pelikula ang papel ng isang comfort woman sa panahon ng Japanese Occupation.


Samantala, inamin naman ni Kathryn Bernardo na medyo challenging ang kanyang gagampanang role na ito dahil hindi pa siya nagkakaroon ng ganitong role noon. Inamin rin ni Kathryn sa naging panayam sa kanya na matagal niyang tinanggap ang nasabing role dahil marami pa umano siyang dapat kausapin.


Maging ang kanyang sarili ay kinukumbinsi pa umano niya kung handa na ba siyang gampanan ang ganitong role.




Joey De Leon Sinupalpal Si Paolo Contis Matapos Makisawsaw sa Isyu ng Eat Bulaga

Walang komento


 Kaagad na bumwelta ang tinaguriang Henyo Master na si Joey De Leon sa pambabastos at hindi pagsunod ng TAPE Incorporated sa desisyong inilabas ng Intellectual Property Office of the Philippines.


Hindi nagustushan ni Joey De Leon ang ginawang hakbang ng TAPE Inc. matapos lumabas ang desisyon ng IPO kung saan pumabor ito sa kanila at nakasaad pang maari na nilang gamitin ang titulong Eat Bulaga.


Gayunpaman, nanindigan ang TAPE Inc. na hindi pa tapos ang laban at hindi pa rin umano final ang desisyon ng Intellectual Property Office dahil maghahain pa sila ng appeal upang bawiin ng Office ang inilabas nilang desisyon.


Maging ang host ng Eat Bulaga na si Paolo Contis ay nagpahayag rin na hindi pa tapos ang laban dahil hindi sila susuko sa titulong Eat Bulaga. Makikita rin sa reaction nito ang kanyang pangigigil dahil sa desisyon ng korte.


Laban na laban si Paolo Contis at ipinapakita niya ang kanyang buong pagsuporta sa TAPE Inc.


Samantala, hindi naman nagustuhan ng ilang mga netizens ang tila pananawsaw ni Paolo Contis sa isyu ng TVJ at ng TAPE Inc. Kung umasta kasi itong si Paolo ay parang may ambag siya pagbuo at naging tagumpay ng Eat Bulaga.


Kung susumahin pa ay wala naman talagang ambag si Paolo Contis sa 44 years ng Eat Bulaga dahil hindi pa man siya ipinanganak ay nagsisimula na ito.


Sa kabilang banda, hindi naman pinalampas ni Joey De Leon ang tila pambabatos at kawalan ng respeto ng TAPE Inc. at ni Paolo Contis sa kanila at sa ibinigay na desisyon ng IPO.


Sa kanyang Instagram account, binanatan ni Joey De Leon ang TAPE Incorporated pati na rin  si Paolo Contis. Ipinahayag ni Joey De Leon na hindi na umano siya umaasa na rerespetuhin sila ng mga pekeng Eat Bulaga hosts at ng TAPE Inc.


Maging si Vic Sotto ay nagbigay na rin ng pahayag patungkol sa kawalan ng respeto ng TAPE Inc. Ayon kay Vic Sotto, sanay na sanay na ang TAPE sa paggawa ng mga illegal na bagay kaya naman nagagawa nitong baliwalaen ang inilabas na desisyon ng IPO.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng sagot si Paolo Contis sa mga ipinahayag ni Joey De Leon kung saan tinatawag muli silang Fake Bulaga.


Samantala, narito naman ang ilang komento ng mga netizens hinggil sa pangingialam ni Paolo Contis sa isyu.


"Hindi dapat i-patronize, palakpakan, o maging fan kung Paolo Contis.  Wala siyang respeto sa babae at 'di pa niya sinusuportahan ang anak niya.  No bashing po pero gawin ang tama."


"KUNG IYONG TATAY NGA CONVICTED CRIMINAL SA KAHAYUPAN.  NAKITA NG MGA ANAK ANG HINDI MAGANDANG HALIMBAWA SA TATAY NILA KAYA GANYAN ANG IPINAPAKITA NILA."


"Huwag nalang sirain ang oras nyo sa taung ganyan ang pag iisip dahil wala siya sa mundung ito nandyan na ang programa nyo. Sa madaling sabi walang ka alamalam kung papano nag umpisa ang eat bulaga."


"yang si paolo kulang sa turo ng magulang kung pano rumespeto, kya ngs dna rin nererespeto ng mga anak nya, dhil pabaya din cya bilang magulang."



Kathryn Bernardo, Binawian Ng Mga Luxury Bags Ni Daniel Padilla

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang binabawi umano ni Daniel Padilla ang mga luxury bags na ibinigay niya noon kay Kathryn Bernardo.


Kumakalat ngayon ang mga haka-haka sa social media kung saan tila gumaganti umano si Daniel Padilla sa kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo dahil binawi rin umano ng aktres ang mga shares nito sa kanilang pinagsososyuhang negosyo matapos ang kanilang hiwalayan.


Ayon pa sa mga kumakalat na balita, mas pinili ni Daniel Padilla na bawiin na lamang mula kay Kathryn Bernardo ang mga iniregalo niyang luxury bag dahil mas mapapakinabangan niya ito kaysa sa aktres na tiyak umano na hindi na gagamit sa anumang mga bagay na ibinigay niya.


Kaagad naman umanong isinauli ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla ang mga iniregalong bag nito sa kanya noon.


Ayon pa sa mga kumakalat na tsika, tila natatawa pa umano si Kathryn sa ginawang ito ni Daniel Padilla dahil para naman umano itong bata kung umasta at very unprofessional. 


May mga naglabasan ring chika na kaya binabawi ngayon ni Daniel Padilla ang mga bags mula kay Kathryn dahil ibibinta umano niya ito upang ma-convert into cash. May mga naghinala rin naman na ibibigay ito ng aktor sa kanyang panibagong jowa.


Gayunpaman, alinman sa dalawa ay wala na umanong pakialam pa si Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, hindi pa naman kumpirmado ang balitang ito, tanging mga haka-haka lamang ito ng mga fans na patuloy na sinusubaybayan ang kwento ng buhay nilang dalawa.


Sa ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng anumang pahayag sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla hinggil sa naglabasang isyu sa kanilang hiwalayan.



Vice Ganda Pinapaamin Si Kim Chiu Hinggil Sa Pambababae Ni Xian Lim

Walang komento


 Tila ayaw nang patagalin pa ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang pag-amin ni Kim Chiu sa totoong estado ng relasyon nila ni Xian Lim na ilang buwan na ring usap-usapan sa ilang mga social media platforms.


Napansin ng mga netizens at mga madlang pipol na napapadalas ngayon ang pagbibiro ni Vice Ganda kay Kim Chiu na tila may pinapatungkulan.


Matatandaan na sa kamakailang episode ng It's Showtime muntik nang umiyak ni Kim Chiu dahil sa pinagawa ni Vice Ganda buti na lamang at kaagad itong dinaluhan ni Tiyang Amy Perez.


Samantala, sa naging episode ng It's Showtime nitong December 7, kaagad na binigyang kulay ni Vice Ganda ang naging reaksyon ni Kim Chiu nang mabanggit ng kanilang guest na ang paborito niyang kanya ay iyong kantang traitor ni Taylor Swift.


Kaagad namang sinabi ni Kim Chiu na kung mbakit ganun nagreact si men. Binalik naman ni Vice Ganda ang pahayag kay Kim Chiu at tinanong ito kung bakit nagreact din siya at napatanong kung bakit ganon.


Naging extreme naman ang reaksyon ni Kim Chiu kung saan tila naging malakas ang paghampas nito kay Vice Ganda.


Mula pa man noon ay naging palaisipan na para sa mga netizens ang pagbibigay ng hint ni Vice Ganda patungkol sa estado ng relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim.


Halos araw-araw na kung magbiro si Vice Ganda kay Kim Chiu ng mga bagay na may kaugnayan sa hindi pagkakasunduan at paghihiwalay. Ngayon ang ibinigay namang hint ni Vice Ganda ay ang patungkol sa mga traitors.


Matatandaan na ilang buwan na ring laman ng mga usapin sa social media ang hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim. Nauna naman itong pinabulaanan ni Kim sa isang panayam at sinabing maayos naman ang kanilang relasyon.


Gayunpaman, kalaunan ay umiiwas na si Kim sa mga panayam kapag ang mga itinatanong sa kanya ay ang patungkol sa hiwalayan nila ni Xian Lim.


Samantala, tila nagbibigay na ngayon ng hint si Vice Ganda na totoong may pinagdadaanan ngayon ang dalawa na patuloy lamang tinatago ni Kim Chiu.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na madalas ang pagbibiro ni Vice Ganda ay may halong realtalk.


Sa kabilang banda, kumakalat naman ngayon ang mga larawan nina Xian Lim at isang babae na kinilalang si Irish Lee na sweet sa isa't-isa. Hinala ng marami na ito ang dahilan kung bakit tila nanlalamig na ngayon si Zian Lim kay Kim Chiu.


Sa ngayon ay patuloy pa ring nananahimik si Kim Chiu at Xian Lim sa isyung matagal na rin silang naghiwalay. May mga nagsasabi pa na hindi na umano naka-follow kay Kim Chiu ang ina ni Xian Lim.


Marami rin ang nakapansin na hindi na nagrereact si Xian Lim sa mga social media post ni Kim Chiu na dati naman nitong ginagawa noon.


Narito naman ang ilang mga komento ng KimXi fans sa mga ginagawang pagbibiro ni Vice Ganda kay Kim Chiu at sa relasyon nila ni Xian Lim.


"Vice, and all the other Showtime staff . Please stop what you’re doing to Kim and Xian . It’s so inhumane for you to do what you’re doing to Kim. Whatever is going on with their relationship give them space and let them work it out . They are both in pain these days and you guys are rubbing the pain on them. I call for the director and producer of Showtime  to let their staff stop the cruelty they are doing to Kim and Xian."


"Vice ganda and hosts of Showtime. Stop your CRUELTY to kim. TIGILAN NINYO SIYA.  PLEASE lang Vice. Respect for kim. Why do you badger her. Napaka  INSENSITIVE nyo. Christmas na. The best gift for kim--- words of support, understanding and words of wisdom."





Ogie Diaz Nagulat Sa Ginawa Ng Ama Ni Liza Soberano Sa Kanila Ni Cristy Fermin

Walang komento


 Gulat na gulat ang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz ng makarating sa kanyang ang Facebook post ng ama ng dati niyang alaga na si Liza Soberano.


Pinagmumura siya nito at nagbanta pa na maglalabas ito ng isang live video kung saan isisiwalat nito ang kanyang mga nalalamang baho ni Ogie Diaz.


Nitong December 6 ng gabi napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa kanilang showbiz oriented vlog ang dating alaga ni Ogie Diaz na si Liza Soberano.


Kabilang din sa kanilang napag-usapan ay ang pagmumura ni Jhon, ama ni Liza Soberano, sa kanila at kay Cristy Fermin.


Sa isang Facebook post na burado na ngayon, hayagang minura-mura ni John sina Cristy Fermin at Ogie Diaz dahil sa pakikialam umano nila sa buhay ng may buhay. Ipinahayag pa ni John na ginising umano nina Ogie Diaz at Cristy Fermin ang kanynga beast side.


Samantala, ipinahayag naman ni Ogie Diaz ang kanyang pagtataka kung saan nanggagaling ang poot na naramdaman ng ama ni Liza Soberano gayung patuloy pa rin naman niyang sinusuportahan si Liza Soberano kahit hindi na siya ang manager nito.


Sa katunayan ay all out pa umano ang kanilang pagpopromote sa pelikulang kinabibilangan ni Liza Soberano sa Hollywood na Liza Frankenstien. Tila hindi umano ito pinansin ng ama ni Liza Soberano dahil ni minsan ay hindi ito nagpasalamat sa kanila.


Ipinakita rin ni Ogie Diaz ang iba pang mga post ng ama ni Liza Soberano na mahihinuhang lasing o nakainom ito.


Ipinahayag ng ama ni Liza Soberano na dapat ang magtirahan ay sina Ogie Diaz at Cristy Fermin. Isama na rin umano nila ang kanilang mga followers para mas masaya at para magkarooon sila ng pagkain.


Hindi pa rito natatapos ang pagrarant ng ama ni Liza Soberano, ipinahayag din nito na mas mabuti pa umanong bumalik na lamang si Ogie Diaz sa paglalako ng turon at lumpia noon dahil doon naman umano ito nagsimula.


"OGD.. bumalik ka na lang ng pagtinda ng turon para yang bunganga mo hindi putak ng putak about other people's business.. ang isigaw mo na lang is turon lumpia diba jan ka rin nag-umpisa?"


Hindi naman napigilan ni Ogie Diaz na maglabas rin ng hinanakit laban kay John Soberano na hindi naman lingid sa kaalaman niya na walang-wala rin noong araw.


Ipinunto pa ni Ogie Diaz kung paano tinaguyod ni Liza Soberano ang kanilang pamilya noon. Tinanong din ni Ogie si John kung gusto rin ba nitong ikwento niya kung ano ang sinapit noon ni Liza Soberano noong hindi pa sila nakaangat-angat.


Kung ano ang naging paghihirap ni Liza Soberano para maabot nito ang kanyang pangarap at maahon sa kahirapan ang kanilang pamilya.


Isiniwalat pa ni Ogie Diaz ang pagrereklamo noon ni John na kung sinunod nila ay walang mangyayari sa anak nito sa mundo ng showbiz.


Binantaan rin ni Ogie Diaz ang ama ng aktres na kung may alam ito patungkol sa kanya mas marami umano siyang alam rito.


Pinayuhan din ni Ogie Diaz ang ama ni Liza Soberano na hindi maganda ang pagpopost nito sa Facebook. Alam din umano niya na maging si Liza Soberano ay naiirita na rin sa mga pinaggagawa ng kanyang ama.


Kung may sama naman umano ito ng loob sa kanya ay sana harapan siyang pagsabihan nito para makahingi siya ng tawad at makapagpaliwanag.


Sa ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan sa mundo ng showbiz ang hiwalayan nina  Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos ang mahigit dekada nilang relasyon.


Marami naman ang nagtataka kung bakit sumisingit ngayon ang ama ni Liza Soberano sa isyu na tila ba ay nagpapapansin umano ito.



Reaksyon Ni Nadine Lustre Sa Breakup Nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Walang komento

Miyerkules, Disyembre 6, 2023


 Maging ang award winning aktres na si Nadine Lustre ay nahingan rin ng reaksyon patungkol sa kamakailang pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang hiwalayan matapos ang 11 years na relasyon at 12 years na pagsasama bilang loveteam.


Sa isang ekslusibong panayam sa aktres na si Nadine Lustra sa One Balita, nausisa sa aktres kung ano ang kanyang reaksyon sa paghihiwalay nina Kathryn at Daniel matapos ang 11 years.


Agad naman itong sinagot ni Nadine Lustre kung saan ipinahayag niya na wala siyang masyadong masasabi sa hiwalayan ng dalawa dahil hindi naman umano siya gaanong malapit kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


"I can't realy say so much about it because I'm not super close to them."


Gayunpaman, ipinunto ni Nadine Lustre na nakakapanghinayang din dahil 11 years ding nagkaroon ng relasyon ang dalawa.


Bukod pa rito, naitanong rin kay Nadine Lustre ang kanyang pananaw sa loveteam culture ng Pilipinas.


Matatandaan na nasa isang loveteam din noon si Nadine Lustre kasama ang kanyang ex boyfriend na si James Reid.


Naitanong din kay Nadine Lustre kung naranasan ba niya na talagang pinipilit pa rin silang magsama bilang magkarelasyon para sa kanilang loveteam kahit wala na talaga silang nararamdaman sa isa't-isa.


Ayon naman kay Nadine, ay very grateful siya dahil hindi niya naranasan ito. Naging understanding din umano ang kanyang mga fans na dapat maging professional at hindi pinipilit ang loveteam.


Gayunpaman, naiintindihan din umano ni Nadine kung bakit minsan ay ang management na mismo ang nagpipigil sa mga artista na umalis sa loveteam for business reasons.


Ipinahayag din ni Nadine Luste ang kanyang pagkatuwa dahil nag-eevolve na ngayon ang showbiz industry. Nakakatuwa rin umano na mas understanding na ang mga fans sa mga iniidolo nilang artista.


Ibinahagi rin ni Nadine Lustre kung gaano siya ka-swerte dahil hindi siya nahirapan sa pagpapaintindi sa kanilang mga fans noong ng kanyang ex-boyfriend na si James Reid na wala na talaga silang magagawa sa kanilang loveteam.


Malaki rin umano ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga fans dahil kahit wala na siya sa loveteam ay patuloy pa rin siyang sinusuportahan ng mga ito.


Maging noong magdesisyon siyang makipagdate muli ay nakasuporta pa rin umano ang kanyang mga tagahanga.


Sa ngayon ay masaya na si Nadine Lustre sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Christophe Bariou.


Matatandaan na taong 2020 nang ianunsyo nina Nadine Lustre at James Reid na winakasan na nila ang kanilang relasyon.


"I love her. She is so smart in answering questions. Hindi siya nag sasabi ng negative about love teams, unlike nung isang babae."


"she's always two steps ahead pagdating sa mga career-related decisions and choices."





Paolo Contis Umiwas Sa Presscon Ng Movie Nila Ni Rhian Ramos Dahil Sa Eat Bulaga Issue

Walang komento


 Hindi nakadalo ang aktor na si Paolo Contis sa premier night ng pelikulang Ikaw at Ako na ginanap sa SM Mega Mall nitong December 5, 2023, martes.


Si Paolo Contis ang leading man sa nasabing pelikula kung saan leading lady niya ang aktres na si Rhian Ramos.


Nakadalo naman sa premier night si Rhian Ramos kung saan kasama niya si Boots-Anson Roa na kasama rin nila sa pelikula.


Matatandaan na noong martes rin, inilabas ang balitang binawi ng Intellectual PRoperty Office of the Philippines ang desisyon na ibigay sa TAPE Inc. ang trademark ng Eat Bulaga at EB.


Pinaburan ng nasabing desisyon ang mga petitioner na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon, dahil nakapagbigay sila ng delatyadong pahayag patungkol sa pinagmulan ng pamagat ng nasabing show.


Samantala, naniniwala ang ilang mga netizens at maging ang mga press people na kaya hindi dumalo si Paolo Contis sa nasabing premier night ay dahil umiiwas ito sa mga katanungan ng mga netizens.


Tila natitiyak na ni Paolo Contis na uusisahin siya ng mga netizens sa pagbibigay ng sagot patungkol sa pagbawi ng IPO sa trademark na pinangungunahan niyang show ng TAPE Inc.


Myerkules, hayagang naitanong kay Paolo Contis kung totoong umiiwas ba siya sa muling nabuhay na isyu sa pagitan ng TVJ at TAPE Inc, dahil sa pag-aagawan nila sa titulo at trademark ng Eat Bulaga at EB.


Hayagan rin namang inamin ni Paolo Contis na umiiwas nga siya na mapag-usapan ito. Alam umano ni Paolo Contis na kapag nagpunta siya sa premier night na iyon ay sa isyu na ng Eat Bulaga iikot ang storya at hindi na maitatanong ang patungkol sa kanilang pelikula.


Samantala, full support naman kay Rhian Ramos ang kanyang mga bestfriend na sina Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee at actress na si Max Collins.


Ipinahayag pa ni Michelle Dee kung gaano siya kasaya na naroon din si Rhian sa El Salvador habang nakikipag-compete siya sa korona ng Miss Universe 2023.



Kinunsinte! Ina Ni Andrea Brillantes Nagsalita Na Sa Relasyon Ni Andrea at Daniel Padilla

Walang komento


 Umaani ngayon ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang reaksyon ng ina ni Andrea Brillantes na si Belle Brillantes sa mga natatanggap na pambabatikos ng kanyang anak mula sa mga fans ng KathNiel.


Tila hindi na nakapagpigil si Belle Brillantes sa mga netizens na patuloy na binabatikos ang kanyang anak dahil sa pagkakadawit nito sa hiwalayan ng KathNiel.


Matatandaan si Andrea Brillantes ang itinuturong dahilan ng hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil palihim siyang nakikipagkita sa aktor kahit pareho silang may karelasyon.


Matapos aminin ng KathNiel sa publiko ang tuluyan nilang paghihiwalay, kaagad na bumuhos ang mga pambabatikos at mga paninisi kay Andrea Brillantes.


Bukod pa rito, nakatanggap na rin ng mga threat si Andrea Brillantes, kung saan may mga nagbabanta na ilalabas nila ang mga dating scandal ng aktres sakaling mapatunayan na ito ang kabit ni Daniel Padilla.


Samantala, hindi na natiis ni Belle Brillantes ang mga pambabatikos na ito para sa kanyang anak na aniya pa ay nakakaramdam na ng depression.



Sinagot ni Belle ang isang komento ng netizens sa kung paano niya pinalaki si Andrea Brillantes. Tahasan namang ipinahayag ni Belle kung gaano siya ka-proud kay Andrea Brillantes dahil sa pagtulong nito sa kanya.


Napaaral umano nito ang kanyang mga kapatid at napagawan sila ng bahay. Ipinahayag din ni Belle na walang ambag ang bashers sa buhay ni Andrea Brillantes kaya walang karapatan ang mga ito na husgahan ang kanyang anak.


Ipinunto rin ni Belle Brillantes na wala namang ebedensya na makakapagturo sa ginawa ng kanyang anak, kaya naman bakit ito ang sinisisi ngayon?




Ogie Diaz May Ibinunyag Sa Estado Ng KimXi

Walang komento


 Kabilang sa mga hinihintay ng mga netizens na aamin na sa totoong estado ng kanilang relasyon ay sina Kim Chiu at Xian Lim.


Naglalabasan ngayon ang mga larawan kung saan makikitang may ibang babae na kasama si Xian Lim sa katauhan ni Iris Lee.


Kaagad na tumaas ang kilay ng mga KimXi fans dahil napansin nila na napakasweet ng dalawa at tila nakasandal pa sa balikat ni Xian Lim si Iris.


Samantala, napag-usapan naman ang isyung ito sa showbiz oriented vlog nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs. Kabilang sa kanilang mga napag-usapan ay kung may mga celebrities na aamin ng kanilang hiwalayan na susunod naman sa nangyaring pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Hindi pa naman umano kumpirmado na naghiwalay na sila kaya naman hintayin na lamang umano ang pag-amin ng dalawa.


Bukod sa paglilinaw sa relasyon nila ni Kim Chiu, ipinahayag din ni Ogie Diaz na dapat ring sagutin at linawin nito kung sino nga ba si Irish Lee.


Napatanong naman ang mga kasamahan ni Ogie Diaz kung sino nga ba ang babaeng ito at bakit ito nalilink sa nobyo ni Kim Chiu.


Ayon kay Ogie Diaz si Irish Lee ay isang non-showbiz girl. Isa umano itong staff ng Viva, parang writer.


May mga ipinakita ring larawan nina Irish Lee at Xian Lim sina Ogie Diaz. Mahihihuna sa mga nasabing larawan na tila nagkukulitan ang dalawa at kung titingnan ay may namumuo nang relasyon.


Samantala, may mga usap-usapan rin sa social media na umano'y matagal nang naghiwalay sina Xian Lim at Kim Chiu. Tila totoo rin umano na nagkakamabutihan na ang aktres at si Paulo Avelino.


Sa kabilang banda, may mga naglabasan ring isyu kung saan inunfollow na umano ng ina ni Xian Lim si Kim Chiu. Mula rin umano nang hindi na nagre-react si Xian Lim sa mga post ni Kim Chiu sa Instagram at iba pang social media platforms ay may hindi na magandang nangyayari sa kanilang relasyon.





Kim Chiu May Mensahe Sa Babae Ni Xian Lim, Si Iris Lee?

Walang komento


 Nagbigay ng isang emosyunal na pahayag ang Kapamilya actress na Kim Chiu sa kamakailang episode ng noontime show na It's Showtime.


Ipinahayag ni Kim Chiu ang kanyang pagkatalo dahil sa sinabi niyang 'Ikaw na ang nanalo.'


Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng direktang pahayag ang actress na si Kim Chiu patungkol sa napapabalitang hiwalayan nila ng kanyang longtime boyfriend na si Xian Lim.


May mga naglabasan kasing mga balita na umanoy nambabae si Xian Lim. Ayon naman sa aming nakalap na impormasyon, itinuturong sangkot sa kanilang paghihiwalay ay si Eris Lee.


Samantala, marami na rin ang nakapansin sa mga pagbibiro ni Vice Ganda kay Kim Chiu na hinala ng mga fans ay may kaugnayan sa totoong estado ng relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na kadalasan sa mga pagbibiro ni Vice Ganda ay may mga double meaning kaya naman hinala ng mga netizens na nagtapos na rin ang matagal na relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim.


Subalit, tila hindi pa handang umamin ni Kim Chiu sa publiko kaya naman nirerespeto ito nina Vice Ganda. Gayunpaman, hindi pa rin maalis kay Vice Ganda ang pagbibiro.


Kamakailan lamang ay ipina-recite ni Vice Ganda kung paano niya sasabihin ang pagpapaubaya kahit siya naman ang nanalo.


Naging emosyunal naman si Kim Chiu sa pagpapahayag. 


"Ikaw na ang nanalo, sige ikaw na!"


Kaagad naman itong dinaluhan ni Tiyang Amy at niyakap. Tila alam na alam ng It's Showtime family ang pinagdadaanan ngayon ni Kim Chiu.


Sa ngayon ay nanatiling tahimik sina Kim Chiu at Xian Lim sa mga isyung ibinabato sa kanilang relasyon, hindi rin naman nila nililinaw kung hanggang ngayon ay sila pa ring dalawa.


Sa kabila nito, may mga naglabasan namang mga komento na hindi hamak na mas maganda naman si Kim Chiu kaysa kay Eris Lee napapabalitang karelasyon ni Xian Lim.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens sa mga pinagdadaanan ngayon nina Xian Lim at Kim Chiu.


"Mas maganda ka Kimmy kasya sa Irish na yan. Mas maganda ka, mas mabait, mas mayaman at may mabuting kalooban. Si xian ang talo dahil pinagpalit ka sa pangit na babae. Pangit pala ang type niya hayaan mo na marami ang may gusto sayo naghihintay lang sila"


"Xian makakarma ka....rin  at   magkakasakit    sa    babae    katatapos     lang  ng  problema   mo     my   babae    kana   naman   na   tinatago    pangit   naman   yong    babae      siguro   xian    my   sakit    kano    dahil   papalitpalit   ka  ng    babae     karma  ka  xian"


"Kim, I know  you are not that of girl who rush into another relation after your break up. It will take 2 or 3 yrs  for you to move on. Next time choose a non-showbiz guy, like you BFF angge & Bela. Always pray to God"





Paolo Contis at Vic Sotto Nagkasagutan, Parinigan Sa Ownership Ng Eat Bulaga

Walang komento


 Nagbigay na ng pahayag ang TAPE Inc. sa napapabalitang pagbibigay ng Intellectual Property Office ng karapatan sa TVJ na gamitin ang titulong Eat Bulaga.


Ipinahayag na ng abogado ng TAPE Inc. na hindi umano maaring gamitin ng TVJ ang titulong Eat Bulaga, dahil may inihain silang appeal para bawiin ng Intellectual Property Office of the Philippines ang naging desisyon nito na kanselahin ang kanilang trademark registration.


Ipinagdidiinan ng abogado ng TAPE Inc. na hindi pa final ang desisyon ng IPO hinggil sa pagkakansela nito sa kanilang pinanghahawakan na trademark registration.


Naglabas rin ng official statement ang TAPE Inc. sa kanilang Facebook account kung saan ipinahayag nila na patuloy pa rin nilang gagamitin ang titulong Eat Bulaga at tuloy-tuloy pa rin umano ang pagbibigay nila ng tuwa.


Gagawin din umano ng TAPE Inc. ang lahat para mabaliktad at bawiin ng IPO ang desisyon nito ngayon.


Sa kabilang banda, ibinahagi naman ng TVJ ang panibago nilang video kung saan kinanta nila ang kanilang theme song. Sa pagkakataong ito ay buong EAT Bulaga na ang ginamit nila sa lyrics.


Ibinahagi rin ni Atty. Buko Dela Cruz sa kanyang Facebook account ang desisyon ng IPO na kanselahin ang trademark registration ng TAPE Inc. para sa Eat Bulaga at EB dahil hindi nila napatunayan sa korte na sila ang may gawa ng nasabing pamagat.


Samantala, malinaw naman umanong naipahayag at naipaliwanag nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang pinagmulan ng pagkakabuo nila sa pamagat na Eat Bulaga kaya naman pumabor sa kanila ang desisyon ng IPO.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens.


"Ang may karapatan lng gumamit Ng eat Bulaga ay cla Tito vick and Joey KC cla nman talaga Ang original kahit baliktad baliktarin mo cla talaga KC alam nla kng saan nagsimula o nag umpisa Ang eat Bulaga."


"Bahala sila if ano anh ipalit nila..wala akong pkialam..mmakakapal ang mukha nila..kaya sila lahat kapit tuko kasi mawawalan sila lahat nh work lalo n si paolo contis kasi palpak un last movie nya..kaya yan n lang amg kinukuhanan n nya ng income. Wala n syang kredibilidad kaya kapit tuko n talaga.sya..pader n sementado n ang mukha nya.  Move on n kasi sila...wala n silang magagawa kasi lugi n rin sila."




Yassi Pressman Pinagtanggol Si Andrea Brillantes Sa Hiwalayan Ni Kathryn at Daniel

Walang komento


 Walang kaabog-abog na nakisama ang aktres na si Yassi Pressman sa controversial Kapamilya actress na si Andrea Brillantes at sa kaibigan nito na si Bea Borres.


Viral at usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang ibinahaging TikTok video nina Andrea Brillantes at Yassi Pressman. Kaagad din itong humakot ng mga komento at views mula sa mga netizens lalo na mula sa mga fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Tila naiintindihan ni Yassi Pressman ang pinagdadaanan ni Andrea Brillantes ngayong nadadawit at binabatikos pa rin ito ng mga netizens na sinisisi ang aktres sa hiwalayan ng KathNiel.


Nagbigay naman ng motivational message si Yassi Pressman para sa mga taong nahihirapan at down na down ngayon, hinala naman ng mga netizens na para kay Andrea Brillantes talaga ang mensaheng ito ni Yassi Pressman.


Ginamit ni Yassi Pressman ang kanyang nagdaang palabas na Rewind sa pagbibigay ng mensahe para sa mga taong nada-down at nahihirapan na umano ngayon.


Ayon kay Yassi Pressman, dapat nating i-Rewind ang mga bagay na nagiging dahilan para abutin natin ang ating mga pangarap.


Dapat din umanong alalahanin kung ano ang naging inspirasyon natin mula sa umpisa ang naging dahilan para ipursue ang mga pangarap.


Pinaalalahanan din ni Yassi Pressman ang mga tao na huwag susuko sa anumang pagsubok at mga hamon ng buhay na kinakaharap.


Kaagad naman itong umani ng mga reaksyon mula sa mga netizens na nag-nenega sa mga naging pahayag ni Yassi Pressman.


Matatandaan na dumaan rin sa matitinding pambabatikos noon si Yassi Pressman nang madawit siya sa cheating issue nina James Reid at Issa Pressman sa dating nobya ng aktor na si Nadine Lustre.


Marami ang nagsasabi na matagal na umanong alam ni Yassi na may lihim na relasyon sina James Reid at Issa Pressman subalit palagi nitong pinagtatakpan ang dalawa at kinukunsinti ang panloloko ng mga ito kay Nadine Lustre.


Narito naman ang komento ng mga netizens sa motivational message ni Yassi Pressman para sa mga taong nahihirapan ngayon.


"thank you for the motivational message today, keep going and pushing as we get our success"


"yes we must keep going and be patient. Those things you dream will come in the right time. stay motivated"


"We need more content like this in tiktok. Promote positiveness and inspiration! "


"Saktong sakto naman ngaung nanghihina nako"


 

@pressmanyassi para sa mga nawawalan ng inspirasyon ngayon 🫶🏻 #videocity #videocitymovie ♬ original sound - Yassi Pressman
Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo