Paolo Contis Umiwas Sa Presscon Ng Movie Nila Ni Rhian Ramos Dahil Sa Eat Bulaga Issue

Miyerkules, Disyembre 6, 2023

/ by Lovely


 Hindi nakadalo ang aktor na si Paolo Contis sa premier night ng pelikulang Ikaw at Ako na ginanap sa SM Mega Mall nitong December 5, 2023, martes.


Si Paolo Contis ang leading man sa nasabing pelikula kung saan leading lady niya ang aktres na si Rhian Ramos.


Nakadalo naman sa premier night si Rhian Ramos kung saan kasama niya si Boots-Anson Roa na kasama rin nila sa pelikula.


Matatandaan na noong martes rin, inilabas ang balitang binawi ng Intellectual PRoperty Office of the Philippines ang desisyon na ibigay sa TAPE Inc. ang trademark ng Eat Bulaga at EB.


Pinaburan ng nasabing desisyon ang mga petitioner na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon, dahil nakapagbigay sila ng delatyadong pahayag patungkol sa pinagmulan ng pamagat ng nasabing show.


Samantala, naniniwala ang ilang mga netizens at maging ang mga press people na kaya hindi dumalo si Paolo Contis sa nasabing premier night ay dahil umiiwas ito sa mga katanungan ng mga netizens.


Tila natitiyak na ni Paolo Contis na uusisahin siya ng mga netizens sa pagbibigay ng sagot patungkol sa pagbawi ng IPO sa trademark na pinangungunahan niyang show ng TAPE Inc.


Myerkules, hayagang naitanong kay Paolo Contis kung totoong umiiwas ba siya sa muling nabuhay na isyu sa pagitan ng TVJ at TAPE Inc, dahil sa pag-aagawan nila sa titulo at trademark ng Eat Bulaga at EB.


Hayagan rin namang inamin ni Paolo Contis na umiiwas nga siya na mapag-usapan ito. Alam umano ni Paolo Contis na kapag nagpunta siya sa premier night na iyon ay sa isyu na ng Eat Bulaga iikot ang storya at hindi na maitatanong ang patungkol sa kanilang pelikula.


Samantala, full support naman kay Rhian Ramos ang kanyang mga bestfriend na sina Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee at actress na si Max Collins.


Ipinahayag pa ni Michelle Dee kung gaano siya kasaya na naroon din si Rhian sa El Salvador habang nakikipag-compete siya sa korona ng Miss Universe 2023.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo