Ogie Diaz Nagulat Sa Ginawa Ng Ama Ni Liza Soberano Sa Kanila Ni Cristy Fermin

Huwebes, Disyembre 7, 2023

/ by Lovely


 Gulat na gulat ang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz ng makarating sa kanyang ang Facebook post ng ama ng dati niyang alaga na si Liza Soberano.


Pinagmumura siya nito at nagbanta pa na maglalabas ito ng isang live video kung saan isisiwalat nito ang kanyang mga nalalamang baho ni Ogie Diaz.


Nitong December 6 ng gabi napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs sa kanilang showbiz oriented vlog ang dating alaga ni Ogie Diaz na si Liza Soberano.


Kabilang din sa kanilang napag-usapan ay ang pagmumura ni Jhon, ama ni Liza Soberano, sa kanila at kay Cristy Fermin.


Sa isang Facebook post na burado na ngayon, hayagang minura-mura ni John sina Cristy Fermin at Ogie Diaz dahil sa pakikialam umano nila sa buhay ng may buhay. Ipinahayag pa ni John na ginising umano nina Ogie Diaz at Cristy Fermin ang kanynga beast side.


Samantala, ipinahayag naman ni Ogie Diaz ang kanyang pagtataka kung saan nanggagaling ang poot na naramdaman ng ama ni Liza Soberano gayung patuloy pa rin naman niyang sinusuportahan si Liza Soberano kahit hindi na siya ang manager nito.


Sa katunayan ay all out pa umano ang kanilang pagpopromote sa pelikulang kinabibilangan ni Liza Soberano sa Hollywood na Liza Frankenstien. Tila hindi umano ito pinansin ng ama ni Liza Soberano dahil ni minsan ay hindi ito nagpasalamat sa kanila.


Ipinakita rin ni Ogie Diaz ang iba pang mga post ng ama ni Liza Soberano na mahihinuhang lasing o nakainom ito.


Ipinahayag ng ama ni Liza Soberano na dapat ang magtirahan ay sina Ogie Diaz at Cristy Fermin. Isama na rin umano nila ang kanilang mga followers para mas masaya at para magkarooon sila ng pagkain.


Hindi pa rito natatapos ang pagrarant ng ama ni Liza Soberano, ipinahayag din nito na mas mabuti pa umanong bumalik na lamang si Ogie Diaz sa paglalako ng turon at lumpia noon dahil doon naman umano ito nagsimula.


"OGD.. bumalik ka na lang ng pagtinda ng turon para yang bunganga mo hindi putak ng putak about other people's business.. ang isigaw mo na lang is turon lumpia diba jan ka rin nag-umpisa?"


Hindi naman napigilan ni Ogie Diaz na maglabas rin ng hinanakit laban kay John Soberano na hindi naman lingid sa kaalaman niya na walang-wala rin noong araw.


Ipinunto pa ni Ogie Diaz kung paano tinaguyod ni Liza Soberano ang kanilang pamilya noon. Tinanong din ni Ogie si John kung gusto rin ba nitong ikwento niya kung ano ang sinapit noon ni Liza Soberano noong hindi pa sila nakaangat-angat.


Kung ano ang naging paghihirap ni Liza Soberano para maabot nito ang kanyang pangarap at maahon sa kahirapan ang kanilang pamilya.


Isiniwalat pa ni Ogie Diaz ang pagrereklamo noon ni John na kung sinunod nila ay walang mangyayari sa anak nito sa mundo ng showbiz.


Binantaan rin ni Ogie Diaz ang ama ng aktres na kung may alam ito patungkol sa kanya mas marami umano siyang alam rito.


Pinayuhan din ni Ogie Diaz ang ama ni Liza Soberano na hindi maganda ang pagpopost nito sa Facebook. Alam din umano niya na maging si Liza Soberano ay naiirita na rin sa mga pinaggagawa ng kanyang ama.


Kung may sama naman umano ito ng loob sa kanya ay sana harapan siyang pagsabihan nito para makahingi siya ng tawad at makapagpaliwanag.


Sa ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan sa mundo ng showbiz ang hiwalayan nina  Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos ang mahigit dekada nilang relasyon.


Marami naman ang nagtataka kung bakit sumisingit ngayon ang ama ni Liza Soberano sa isyu na tila ba ay nagpapapansin umano ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo