Kathryn Bernardo, Binawian Ng Mga Luxury Bags Ni Daniel Padilla

Huwebes, Disyembre 7, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang balitang binabawi umano ni Daniel Padilla ang mga luxury bags na ibinigay niya noon kay Kathryn Bernardo.


Kumakalat ngayon ang mga haka-haka sa social media kung saan tila gumaganti umano si Daniel Padilla sa kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo dahil binawi rin umano ng aktres ang mga shares nito sa kanilang pinagsososyuhang negosyo matapos ang kanilang hiwalayan.


Ayon pa sa mga kumakalat na balita, mas pinili ni Daniel Padilla na bawiin na lamang mula kay Kathryn Bernardo ang mga iniregalo niyang luxury bag dahil mas mapapakinabangan niya ito kaysa sa aktres na tiyak umano na hindi na gagamit sa anumang mga bagay na ibinigay niya.


Kaagad naman umanong isinauli ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla ang mga iniregalong bag nito sa kanya noon.


Ayon pa sa mga kumakalat na tsika, tila natatawa pa umano si Kathryn sa ginawang ito ni Daniel Padilla dahil para naman umano itong bata kung umasta at very unprofessional. 


May mga naglabasan ring chika na kaya binabawi ngayon ni Daniel Padilla ang mga bags mula kay Kathryn dahil ibibinta umano niya ito upang ma-convert into cash. May mga naghinala rin naman na ibibigay ito ng aktor sa kanyang panibagong jowa.


Gayunpaman, alinman sa dalawa ay wala na umanong pakialam pa si Kathryn Bernardo.


Sa kabilang banda, hindi pa naman kumpirmado ang balitang ito, tanging mga haka-haka lamang ito ng mga fans na patuloy na sinusubaybayan ang kwento ng buhay nilang dalawa.


Sa ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng anumang pahayag sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla hinggil sa naglabasang isyu sa kanilang hiwalayan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo