Joey De Leon Sinupalpal Si Paolo Contis Matapos Makisawsaw sa Isyu ng Eat Bulaga

Huwebes, Disyembre 7, 2023

/ by Lovely


 Kaagad na bumwelta ang tinaguriang Henyo Master na si Joey De Leon sa pambabastos at hindi pagsunod ng TAPE Incorporated sa desisyong inilabas ng Intellectual Property Office of the Philippines.


Hindi nagustushan ni Joey De Leon ang ginawang hakbang ng TAPE Inc. matapos lumabas ang desisyon ng IPO kung saan pumabor ito sa kanila at nakasaad pang maari na nilang gamitin ang titulong Eat Bulaga.


Gayunpaman, nanindigan ang TAPE Inc. na hindi pa tapos ang laban at hindi pa rin umano final ang desisyon ng Intellectual Property Office dahil maghahain pa sila ng appeal upang bawiin ng Office ang inilabas nilang desisyon.


Maging ang host ng Eat Bulaga na si Paolo Contis ay nagpahayag rin na hindi pa tapos ang laban dahil hindi sila susuko sa titulong Eat Bulaga. Makikita rin sa reaction nito ang kanyang pangigigil dahil sa desisyon ng korte.


Laban na laban si Paolo Contis at ipinapakita niya ang kanyang buong pagsuporta sa TAPE Inc.


Samantala, hindi naman nagustuhan ng ilang mga netizens ang tila pananawsaw ni Paolo Contis sa isyu ng TVJ at ng TAPE Inc. Kung umasta kasi itong si Paolo ay parang may ambag siya pagbuo at naging tagumpay ng Eat Bulaga.


Kung susumahin pa ay wala naman talagang ambag si Paolo Contis sa 44 years ng Eat Bulaga dahil hindi pa man siya ipinanganak ay nagsisimula na ito.


Sa kabilang banda, hindi naman pinalampas ni Joey De Leon ang tila pambabatos at kawalan ng respeto ng TAPE Inc. at ni Paolo Contis sa kanila at sa ibinigay na desisyon ng IPO.


Sa kanyang Instagram account, binanatan ni Joey De Leon ang TAPE Incorporated pati na rin  si Paolo Contis. Ipinahayag ni Joey De Leon na hindi na umano siya umaasa na rerespetuhin sila ng mga pekeng Eat Bulaga hosts at ng TAPE Inc.


Maging si Vic Sotto ay nagbigay na rin ng pahayag patungkol sa kawalan ng respeto ng TAPE Inc. Ayon kay Vic Sotto, sanay na sanay na ang TAPE sa paggawa ng mga illegal na bagay kaya naman nagagawa nitong baliwalaen ang inilabas na desisyon ng IPO.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng sagot si Paolo Contis sa mga ipinahayag ni Joey De Leon kung saan tinatawag muli silang Fake Bulaga.


Samantala, narito naman ang ilang komento ng mga netizens hinggil sa pangingialam ni Paolo Contis sa isyu.


"Hindi dapat i-patronize, palakpakan, o maging fan kung Paolo Contis.  Wala siyang respeto sa babae at 'di pa niya sinusuportahan ang anak niya.  No bashing po pero gawin ang tama."


"KUNG IYONG TATAY NGA CONVICTED CRIMINAL SA KAHAYUPAN.  NAKITA NG MGA ANAK ANG HINDI MAGANDANG HALIMBAWA SA TATAY NILA KAYA GANYAN ANG IPINAPAKITA NILA."


"Huwag nalang sirain ang oras nyo sa taung ganyan ang pag iisip dahil wala siya sa mundung ito nandyan na ang programa nyo. Sa madaling sabi walang ka alamalam kung papano nag umpisa ang eat bulaga."


"yang si paolo kulang sa turo ng magulang kung pano rumespeto, kya ngs dna rin nererespeto ng mga anak nya, dhil pabaya din cya bilang magulang."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo