Abs Cbn Star Magic May Bagong Branding Kay Kathryn Bernardo

Huwebes, Disyembre 7, 2023

/ by Lovely


 May panibagong pasilip ang aktres na si Kathryn Bernardo sa kanyang social media account matapos ang pagkumpirma niyang naghiwalay na sila ng kanyang boyfriend sa loob ng mahigit isang dekada na si Daniel Padilla.


Nauna nang ibinahagi ni Kathryn Bernardo sa isang Instagram stories ang kanyang selfie kung saan makikitang nag-aayos sila ng mga damit.


Sa susunod na larawan makikita naman si Kathryn na masayang nakikipagsalo sa mga kasama niya sa naunang larawan.


Matatandaan na noong November 30, 2023, ginulat nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang publikop nang tuluyan na nilang aminin ang kanilang paghihiwalay.


Bagama't hindi naman idinitalye ng KathNiel ang dahilan nito, marami sa mga netizens at mga fans ang naghinala na may kinalaman sa nangyari sa dalawa ang aktres na si Andrea Brillantes.


Bago pa man inamin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang paghihiwalay ay nauna nang pumutol ang balita na pasekretong nagkikita sina Daniel at Andrea Brillantes


Samantala, tila tuloy-tuloy naman ang pagre-rebrand ngayon ng aktres matapos ang hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


Makikita sa kanyang social media account ang pagbahagi ng aktres sa kanyang panibagong hairstyle. Makikita sa ibinahaging larawan ng aktres ang kanyang orange hair.


Matapos ang matagumpay na pelikula ni Kathryn Bernardo na A Very Good Girl muling bibida ang aktres sa isa pang pelikula na pinamagatang Elena 1944.


Gagampanan ni Kathryn Bernardo sa nasabing pelikula ang papel ng isang comfort woman sa panahon ng Japanese Occupation.


Samantala, inamin naman ni Kathryn Bernardo na medyo challenging ang kanyang gagampanang role na ito dahil hindi pa siya nagkakaroon ng ganitong role noon. Inamin rin ni Kathryn sa naging panayam sa kanya na matagal niyang tinanggap ang nasabing role dahil marami pa umano siyang dapat kausapin.


Maging ang kanyang sarili ay kinukumbinsi pa umano niya kung handa na ba siyang gampanan ang ganitong role.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo