Reaksyon Ni Nadine Lustre Sa Breakup Nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo

Miyerkules, Disyembre 6, 2023

/ by Lovely


 Maging ang award winning aktres na si Nadine Lustre ay nahingan rin ng reaksyon patungkol sa kamakailang pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kanilang hiwalayan matapos ang 11 years na relasyon at 12 years na pagsasama bilang loveteam.


Sa isang ekslusibong panayam sa aktres na si Nadine Lustra sa One Balita, nausisa sa aktres kung ano ang kanyang reaksyon sa paghihiwalay nina Kathryn at Daniel matapos ang 11 years.


Agad naman itong sinagot ni Nadine Lustre kung saan ipinahayag niya na wala siyang masyadong masasabi sa hiwalayan ng dalawa dahil hindi naman umano siya gaanong malapit kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


"I can't realy say so much about it because I'm not super close to them."


Gayunpaman, ipinunto ni Nadine Lustre na nakakapanghinayang din dahil 11 years ding nagkaroon ng relasyon ang dalawa.


Bukod pa rito, naitanong rin kay Nadine Lustre ang kanyang pananaw sa loveteam culture ng Pilipinas.


Matatandaan na nasa isang loveteam din noon si Nadine Lustre kasama ang kanyang ex boyfriend na si James Reid.


Naitanong din kay Nadine Lustre kung naranasan ba niya na talagang pinipilit pa rin silang magsama bilang magkarelasyon para sa kanilang loveteam kahit wala na talaga silang nararamdaman sa isa't-isa.


Ayon naman kay Nadine, ay very grateful siya dahil hindi niya naranasan ito. Naging understanding din umano ang kanyang mga fans na dapat maging professional at hindi pinipilit ang loveteam.


Gayunpaman, naiintindihan din umano ni Nadine kung bakit minsan ay ang management na mismo ang nagpipigil sa mga artista na umalis sa loveteam for business reasons.


Ipinahayag din ni Nadine Luste ang kanyang pagkatuwa dahil nag-eevolve na ngayon ang showbiz industry. Nakakatuwa rin umano na mas understanding na ang mga fans sa mga iniidolo nilang artista.


Ibinahagi rin ni Nadine Lustre kung gaano siya ka-swerte dahil hindi siya nahirapan sa pagpapaintindi sa kanilang mga fans noong ng kanyang ex-boyfriend na si James Reid na wala na talaga silang magagawa sa kanilang loveteam.


Malaki rin umano ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga fans dahil kahit wala na siya sa loveteam ay patuloy pa rin siyang sinusuportahan ng mga ito.


Maging noong magdesisyon siyang makipagdate muli ay nakasuporta pa rin umano ang kanyang mga tagahanga.


Sa ngayon ay masaya na si Nadine Lustre sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Christophe Bariou.


Matatandaan na taong 2020 nang ianunsyo nina Nadine Lustre at James Reid na winakasan na nila ang kanilang relasyon.


"I love her. She is so smart in answering questions. Hindi siya nag sasabi ng negative about love teams, unlike nung isang babae."


"she's always two steps ahead pagdating sa mga career-related decisions and choices."





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo