Paolo Contis at Vic Sotto Nagkasagutan, Parinigan Sa Ownership Ng Eat Bulaga

Miyerkules, Disyembre 6, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang TAPE Inc. sa napapabalitang pagbibigay ng Intellectual Property Office ng karapatan sa TVJ na gamitin ang titulong Eat Bulaga.


Ipinahayag na ng abogado ng TAPE Inc. na hindi umano maaring gamitin ng TVJ ang titulong Eat Bulaga, dahil may inihain silang appeal para bawiin ng Intellectual Property Office of the Philippines ang naging desisyon nito na kanselahin ang kanilang trademark registration.


Ipinagdidiinan ng abogado ng TAPE Inc. na hindi pa final ang desisyon ng IPO hinggil sa pagkakansela nito sa kanilang pinanghahawakan na trademark registration.


Naglabas rin ng official statement ang TAPE Inc. sa kanilang Facebook account kung saan ipinahayag nila na patuloy pa rin nilang gagamitin ang titulong Eat Bulaga at tuloy-tuloy pa rin umano ang pagbibigay nila ng tuwa.


Gagawin din umano ng TAPE Inc. ang lahat para mabaliktad at bawiin ng IPO ang desisyon nito ngayon.


Sa kabilang banda, ibinahagi naman ng TVJ ang panibago nilang video kung saan kinanta nila ang kanilang theme song. Sa pagkakataong ito ay buong EAT Bulaga na ang ginamit nila sa lyrics.


Ibinahagi rin ni Atty. Buko Dela Cruz sa kanyang Facebook account ang desisyon ng IPO na kanselahin ang trademark registration ng TAPE Inc. para sa Eat Bulaga at EB dahil hindi nila napatunayan sa korte na sila ang may gawa ng nasabing pamagat.


Samantala, malinaw naman umanong naipahayag at naipaliwanag nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon ang pinagmulan ng pagkakabuo nila sa pamagat na Eat Bulaga kaya naman pumabor sa kanila ang desisyon ng IPO.


Narito naman ang ilang komento ng mga netizens.


"Ang may karapatan lng gumamit Ng eat Bulaga ay cla Tito vick and Joey KC cla nman talaga Ang original kahit baliktad baliktarin mo cla talaga KC alam nla kng saan nagsimula o nag umpisa Ang eat Bulaga."


"Bahala sila if ano anh ipalit nila..wala akong pkialam..mmakakapal ang mukha nila..kaya sila lahat kapit tuko kasi mawawalan sila lahat nh work lalo n si paolo contis kasi palpak un last movie nya..kaya yan n lang amg kinukuhanan n nya ng income. Wala n syang kredibilidad kaya kapit tuko n talaga.sya..pader n sementado n ang mukha nya.  Move on n kasi sila...wala n silang magagawa kasi lugi n rin sila."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo