Yassi Pressman Pinagtanggol Si Andrea Brillantes Sa Hiwalayan Ni Kathryn at Daniel

Miyerkules, Disyembre 6, 2023

/ by Lovely


 Walang kaabog-abog na nakisama ang aktres na si Yassi Pressman sa controversial Kapamilya actress na si Andrea Brillantes at sa kaibigan nito na si Bea Borres.


Viral at usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang ibinahaging TikTok video nina Andrea Brillantes at Yassi Pressman. Kaagad din itong humakot ng mga komento at views mula sa mga netizens lalo na mula sa mga fans nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Tila naiintindihan ni Yassi Pressman ang pinagdadaanan ni Andrea Brillantes ngayong nadadawit at binabatikos pa rin ito ng mga netizens na sinisisi ang aktres sa hiwalayan ng KathNiel.


Nagbigay naman ng motivational message si Yassi Pressman para sa mga taong nahihirapan at down na down ngayon, hinala naman ng mga netizens na para kay Andrea Brillantes talaga ang mensaheng ito ni Yassi Pressman.


Ginamit ni Yassi Pressman ang kanyang nagdaang palabas na Rewind sa pagbibigay ng mensahe para sa mga taong nada-down at nahihirapan na umano ngayon.


Ayon kay Yassi Pressman, dapat nating i-Rewind ang mga bagay na nagiging dahilan para abutin natin ang ating mga pangarap.


Dapat din umanong alalahanin kung ano ang naging inspirasyon natin mula sa umpisa ang naging dahilan para ipursue ang mga pangarap.


Pinaalalahanan din ni Yassi Pressman ang mga tao na huwag susuko sa anumang pagsubok at mga hamon ng buhay na kinakaharap.


Kaagad naman itong umani ng mga reaksyon mula sa mga netizens na nag-nenega sa mga naging pahayag ni Yassi Pressman.


Matatandaan na dumaan rin sa matitinding pambabatikos noon si Yassi Pressman nang madawit siya sa cheating issue nina James Reid at Issa Pressman sa dating nobya ng aktor na si Nadine Lustre.


Marami ang nagsasabi na matagal na umanong alam ni Yassi na may lihim na relasyon sina James Reid at Issa Pressman subalit palagi nitong pinagtatakpan ang dalawa at kinukunsinti ang panloloko ng mga ito kay Nadine Lustre.


Narito naman ang komento ng mga netizens sa motivational message ni Yassi Pressman para sa mga taong nahihirapan ngayon.


"thank you for the motivational message today, keep going and pushing as we get our success"


"yes we must keep going and be patient. Those things you dream will come in the right time. stay motivated"


"We need more content like this in tiktok. Promote positiveness and inspiration! "


"Saktong sakto naman ngaung nanghihina nako"


 

@pressmanyassi para sa mga nawawalan ng inspirasyon ngayon 🫶🏻 #videocity #videocitymovie ♬ original sound - Yassi Pressman

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo