Ito Na Si Kathryn Bernardo Ngayon Pagkatapos Ng Break up

Huwebes, Disyembre 7, 2023

/ by Lovely


 Bagong Kathryn Bernardo na umano ang makikita ng mga netizens at mga fans sa susunod na taon matapos pagbabakasyon nito.


Kumakalat din ngayon ang mga bali-balita patungkol sa mga role na gagampanan ni Kathryn Bernardo sa kanyang mga pelikula at mga teleserye sa susunod na taon kung saan malayong-malayo na ito sa kanyang mga ginagampanan ngayon.


May mga gagawing teleserye umano ang aktres sa taong 2024 kung saan hindi na niya makakatambal ang kanyang dating ka-loveteam na si Daniel Padilla.


Ayon sa mga kumakalat na balita sa social media, mas dumadami pa umano ngayon ang mga endorsement at commercials na gagawin ni Kathryn Bernardo sa susunod na taon.


Bagama't tila nabuwag na ang KathNiel loveteam, hindi pa rin tinalikuran si Kathryn Bernardo ng kanilang mga fans, patuloy pa rin nilang sinusuportahan ngayon ang aktres kahit pa wala na itong ka-loveteam.


Matagal na rin namang napatunayan ni Kathryn Bernardo na hindi niya kailangan ng loveteam. Matatandaan na naging box offfice hit ang pelikula noon na pinagbibidahan nilang movie ni Alden Richards.


Maging ang pelikulang kanyang pinagbibidahan kamakailan ay naging top trending na rin at sa katunayan ay ipapalabas na rin sa Netflix.


Kaya naman, kahit pa wala na si Daniel Padilla at tuluyan nang nabuyag ang KathNiel loveteam ay tuloy-tuloy pa rin ang pagsikat ni Kathryn Bernardo.


Samantala, marami naman ang nakapansin na tila lalong gumanda at nag-glow up ngayon ang aktres matapos ang pag-amin niya na naghiwalay na sila ni Daniel Padilla.


Tila nawalan umano ng pasanin at problema ang aktres kaya naman nag glow na ito ngayon.


Samantala, narito naman ang ilang mga reaksyon at komento ng mga netizens hinggil sa nasabing pagbabago ngayon ng image ni Kathryn Bernardo.


May mga nagbigay ng pahayag na dapat nang iwan at kalimutan ni Kathryn Bernardo ang mga negative people na nakakasira sa kanyang inner peace.


"tama kyo guys d kawalan ang Padilla sa Buhay nya  sikat parin  cia  Lalo na tuloy sisikat cia sa ginawa Ng lalaki na yon go lang kath  nandito kmi lge sa likod mo "


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo