Vice Ganda Pinapaamin Si Kim Chiu Hinggil Sa Pambababae Ni Xian Lim

Huwebes, Disyembre 7, 2023

/ by Lovely


 Tila ayaw nang patagalin pa ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang pag-amin ni Kim Chiu sa totoong estado ng relasyon nila ni Xian Lim na ilang buwan na ring usap-usapan sa ilang mga social media platforms.


Napansin ng mga netizens at mga madlang pipol na napapadalas ngayon ang pagbibiro ni Vice Ganda kay Kim Chiu na tila may pinapatungkulan.


Matatandaan na sa kamakailang episode ng It's Showtime muntik nang umiyak ni Kim Chiu dahil sa pinagawa ni Vice Ganda buti na lamang at kaagad itong dinaluhan ni Tiyang Amy Perez.


Samantala, sa naging episode ng It's Showtime nitong December 7, kaagad na binigyang kulay ni Vice Ganda ang naging reaksyon ni Kim Chiu nang mabanggit ng kanilang guest na ang paborito niyang kanya ay iyong kantang traitor ni Taylor Swift.


Kaagad namang sinabi ni Kim Chiu na kung mbakit ganun nagreact si men. Binalik naman ni Vice Ganda ang pahayag kay Kim Chiu at tinanong ito kung bakit nagreact din siya at napatanong kung bakit ganon.


Naging extreme naman ang reaksyon ni Kim Chiu kung saan tila naging malakas ang paghampas nito kay Vice Ganda.


Mula pa man noon ay naging palaisipan na para sa mga netizens ang pagbibigay ng hint ni Vice Ganda patungkol sa estado ng relasyon nina Kim Chiu at Xian Lim.


Halos araw-araw na kung magbiro si Vice Ganda kay Kim Chiu ng mga bagay na may kaugnayan sa hindi pagkakasunduan at paghihiwalay. Ngayon ang ibinigay namang hint ni Vice Ganda ay ang patungkol sa mga traitors.


Matatandaan na ilang buwan na ring laman ng mga usapin sa social media ang hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim. Nauna naman itong pinabulaanan ni Kim sa isang panayam at sinabing maayos naman ang kanilang relasyon.


Gayunpaman, kalaunan ay umiiwas na si Kim sa mga panayam kapag ang mga itinatanong sa kanya ay ang patungkol sa hiwalayan nila ni Xian Lim.


Samantala, tila nagbibigay na ngayon ng hint si Vice Ganda na totoong may pinagdadaanan ngayon ang dalawa na patuloy lamang tinatago ni Kim Chiu.


Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na madalas ang pagbibiro ni Vice Ganda ay may halong realtalk.


Sa kabilang banda, kumakalat naman ngayon ang mga larawan nina Xian Lim at isang babae na kinilalang si Irish Lee na sweet sa isa't-isa. Hinala ng marami na ito ang dahilan kung bakit tila nanlalamig na ngayon si Zian Lim kay Kim Chiu.


Sa ngayon ay patuloy pa ring nananahimik si Kim Chiu at Xian Lim sa isyung matagal na rin silang naghiwalay. May mga nagsasabi pa na hindi na umano naka-follow kay Kim Chiu ang ina ni Xian Lim.


Marami rin ang nakapansin na hindi na nagrereact si Xian Lim sa mga social media post ni Kim Chiu na dati naman nitong ginagawa noon.


Narito naman ang ilang mga komento ng KimXi fans sa mga ginagawang pagbibiro ni Vice Ganda kay Kim Chiu at sa relasyon nila ni Xian Lim.


"Vice, and all the other Showtime staff . Please stop what you’re doing to Kim and Xian . It’s so inhumane for you to do what you’re doing to Kim. Whatever is going on with their relationship give them space and let them work it out . They are both in pain these days and you guys are rubbing the pain on them. I call for the director and producer of Showtime  to let their staff stop the cruelty they are doing to Kim and Xian."


"Vice ganda and hosts of Showtime. Stop your CRUELTY to kim. TIGILAN NINYO SIYA.  PLEASE lang Vice. Respect for kim. Why do you badger her. Napaka  INSENSITIVE nyo. Christmas na. The best gift for kim--- words of support, understanding and words of wisdom."





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo