Ogie Diaz May Ibinunyag Sa Estado Ng KimXi

Miyerkules, Disyembre 6, 2023

/ by Lovely


 Kabilang sa mga hinihintay ng mga netizens na aamin na sa totoong estado ng kanilang relasyon ay sina Kim Chiu at Xian Lim.


Naglalabasan ngayon ang mga larawan kung saan makikitang may ibang babae na kasama si Xian Lim sa katauhan ni Iris Lee.


Kaagad na tumaas ang kilay ng mga KimXi fans dahil napansin nila na napakasweet ng dalawa at tila nakasandal pa sa balikat ni Xian Lim si Iris.


Samantala, napag-usapan naman ang isyung ito sa showbiz oriented vlog nina Ogie Diaz, Mama Loi at Tita Jegs. Kabilang sa kanilang mga napag-usapan ay kung may mga celebrities na aamin ng kanilang hiwalayan na susunod naman sa nangyaring pag-amin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Hindi pa naman umano kumpirmado na naghiwalay na sila kaya naman hintayin na lamang umano ang pag-amin ng dalawa.


Bukod sa paglilinaw sa relasyon nila ni Kim Chiu, ipinahayag din ni Ogie Diaz na dapat ring sagutin at linawin nito kung sino nga ba si Irish Lee.


Napatanong naman ang mga kasamahan ni Ogie Diaz kung sino nga ba ang babaeng ito at bakit ito nalilink sa nobyo ni Kim Chiu.


Ayon kay Ogie Diaz si Irish Lee ay isang non-showbiz girl. Isa umano itong staff ng Viva, parang writer.


May mga ipinakita ring larawan nina Irish Lee at Xian Lim sina Ogie Diaz. Mahihihuna sa mga nasabing larawan na tila nagkukulitan ang dalawa at kung titingnan ay may namumuo nang relasyon.


Samantala, may mga usap-usapan rin sa social media na umano'y matagal nang naghiwalay sina Xian Lim at Kim Chiu. Tila totoo rin umano na nagkakamabutihan na ang aktres at si Paulo Avelino.


Sa kabilang banda, may mga naglabasan ring isyu kung saan inunfollow na umano ng ina ni Xian Lim si Kim Chiu. Mula rin umano nang hindi na nagre-react si Xian Lim sa mga post ni Kim Chiu sa Instagram at iba pang social media platforms ay may hindi na magandang nangyayari sa kanilang relasyon.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo