Kaye Abad Pinalagan Ang Viral Na Videos Tungkol Sa Bodyguards Paul Jake Nagsalita Na Rin!

Walang komento

Biyernes, Setyembre 15, 2023


Naging laman sa mga usap-usapan online ang kumakalat na larawan ni Kaye Abad na pinalilibutan ng mga bodyguards habang namimili sa isang grocery store sa Cebu.


Kasalukuyang nakabase sa Cebu sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo matapos nilang magpakasal.


Unang kumalat ang mga videos ng pamimili ni Kaye sa TikTok matapos itong iupload ng isang netizens. Marami ang napataas ang kilay dahil sa umano'y pagkakaroon ni Kaye Abad ng maraming bodyguards na animo'y isa umano itong presidente ng United States.


Kaya naman, pinili ni Kaye na magbigay na ng pahayag upang maitigil na ang isyu. Ipinunto ni Kaye sa isang post na hindi niya binabayaran ang mga bodyguards na iyon dahil sana'y naman na umano siya sa buhay sa Cebu.


Ang nasabing bodyguards ay mula umano sa nasabing establishment dahil may trabaho siya roon.


"I'm always alone when I do my groceries. Or sometimes kasama ko ang kids. Pero walang 'bodyguards'," paglilinaw ni Kaye Abad.


Samantala, sa isa pang post tila biniro ni Paul Jake ang kanyang asawang si Kaye patungkol sa mga bodyguards nito.


Sa nasabing post makikita  si Kaye na kumukuha ng pagkain mula sa isang handaan. Pabirong pagtatanong ni Jake,  "Mga bodyguards mo?"


Agad naman itong sinagot ni Kaye na naging waiter na.


Nauna na rito, nilinaw ni Kaye sa isang panayam na nakipagcollab siya sa isang store sa Cebu. Ang store umano mismo ang nagprovide ng mga bodyguards para sa kanya.


Una din umano siyang tumanggi rito subalit ipinunto ng mga lalaki na sumusunod lamang sila ng utos.




Ilang Netizen, Dismayado Sa Umano’Y Palpak Na Tips Ni Neri?!

Walang komento


 Nakakatanggap ngayon ng pambabatikos si Neri Naig-Miranda mula sa mga netizens matapos niyang mag-post ng weekly meal plan na gagastos lamang ng P1000.


Ang nasabing meal plan post ni Neri na burado na ngayon sa kanyang page ay nagpakita na kayang bumili ng mga itlog, karneng baboy, bangus, corned beef, giniling na baboy, tuna, manok, isda, gulay, at bigas sa halagang P1000 lamang kada linggo na sasapat na sa buong pamilya.


Gayunpaman, napansin ng ilang netizens na dapat lamang kumain ng ‘tirang pagkain’ ang pamilya tuwing hapunan kung nais nilang masunod ang nasabing meal plan mula kay Neri.


Kaya naman tinatawag nila itong hindi wais at hindi rin umano kapani-paniwala dahil hindi naman inilagay ni Neri kung magkano ang kanyang pagkabili sa mga nasabing pagkain.


“1k budget sa loob ng 1 linggo ni Neri Miranda [laughing emoji] prang hindi ito mkatotoohanan lalo na kung higit sa 3 kayo nkatira sa bahay. 143 pesos papatak per day. Teka teka [laughing emoji] may magic toh hahahah!!”


“Kanina ko pa iniisip paano mapapagkasya ang 1K sa isang linggo, 1K ÷ 7 days, tas ÷ 3 meals per day = ₱47.6 per meal for 1 family. If you’re a family of 5 pax, that’s ₱9.5 budget per meal per person. Kasya naman for 1 boiled egg. Pag prinito mo pa, baka wala ng budget para sa mantika.”


Sa kabilang banda, may mga nagtatanggol naman kay Neri kung saan ipinunto ng mga ito na maari masunod ang meal plan na ginawa nito kung katulad ni Neri na may sariling tanim na gulay.


Ipinunto rin ng iba na hindi may mga pamilya naman talaga na kunti lamang kung kumain.




Sharon Cuneta, Kinampihan Si Frankie Pangilinan Matapos Ipahiya Ni Kc Concepcion!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon ng ilang mga netizens ang tila pagkampi umano ni Sharo Cuneta kay Frankie Pangilinan base na rin sa kanyang mga inilabas na social media posts.


Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin natatapos ang isyu sa pagitan ng mag half sisters na sina Frankie Pangilinan at KC Concepcion.


Matatandaan na sa kamakailang mga panayam ni KC Concepcion inamin niya may hindi pagkakasunduan sila ng kanyang kapatid na si Frankie na naging dahilan kung bakit inunfollow niya ito sa kanyang social media account.


Ayon sa mga naglabasang haka-haka ngayon, may malaking pagkakautang umano itong si Frankie kay KC na matagal nang hindi binabayaran.


Subalit, tila mas pinanigan pa umano ni Sharon Cuneta si Frankie at hiniling kay KC na kalimutan na lamang nito ang pera dahil magkapatid naman umano sila.


Hindi na umano kinaya ni KC at labis na nagtampo kay Sharon.


Maging ang step father nitong si Kiko Pangilinan ay kabilang din sa inunfollow ni KC.


Ayon naman sa ibinigay niyang dahilan kay Boy Abunda, sinabi ni KC na nais lamang niyang magkaroon ng peace of mind kaya pinili niya i-unfollow ang mga ito.


Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin siya kay Kiko Pangilinan dahil minsan ay naranasan din umano niya ang pagmamahal ng isang ama dahil rito.




Dalawang Magaling Na Kapamilya Stars Tinaggal Na!

Walang komento


 Tila hindi na kailangan ang karakter ni Dimples Romana sa teleseryeng The Iron Heart. Kaya naman sa isang Instagram post namaalam na siya sa kanyang mga tagahanga.


"Last day of shoot for me as Selene for our show #TheIronHeart 🎬❤️‍🔥🦾 @starcreativestv


"In the coming days I will be sharing more of our fun photos and video of our whole fam, Pero sa araw na ito, I just want to honor this amazing actor / kuya of mine, who not only has been a great loveteam here for me but also a great friend. 


"Love you kuya @thextianvazquez 🥹 NAPAKAHUSAY mo as Orcus kaya naman baby love, baby cakes and candy crush ang Tawag sakin sa labas ng mga tao eh. You have shown a different side of you here that is gangsta with a heart and a completely rockstar of an actor you truly are! 


"Salute my kuya baby love, hanggang sa muli! My Selene heart will love you and your kind, fun loving, humble heart FOREVER!!!


"Walang Selene kung Walang Orcus. Sa timpla mong Ikaw lang ang nakakagawa, aliw na aliw ang mga manunuod natin, dahil sayo! ❤️‍🔥🦾 Labyu kuya!!! Mabuhay ka! Waiting na si Ate Ara and totoong baby love Brie sayo"


Agad namang nagreact si Christian Vasquez sa nasabing post ni Dimples Romana, kung saan ipinahayag din niya ang kanyang paghanga at pasasalamat sa aktres.


Sa kabilang banda, nagtapos na rin ang karakter ni Ian Veneracion na si Menandro sa The Iron Heart. Upang matiyak na wala na ang karakter ni  Ian sinadya pa ng isang tauhan na tapunan ng bomba ang kanyang katawan.



Angelica Panganiban Umiyak Labis Na Nasaktan Ng Kanyang Mga Kaibigan

Walang komento


 Angelica Panganiban, may inamin kay Camille Pratts patungkol sa kanyang mga kaibigan.


Sumang-ayon si Camille Pratts sa naging pahayag ni Angelica Panganiban na minsan ay naisasantabi ang pangangailan ng isang ina kapag may bago itong silang na sanggol.


Kaugnay ito sa isang social media post ni Angelica kung saan naglabas siya ng kanyang hinanakit sa pambabalewala umano sa kanya ng kanyang mga kaibigan dahil sa Amila na lamang umano ang palaging kinukumusta ng mga ito.


Isiniwalat naman ni Camille sa isang panayam na minsan ay napag-uusapan nila ni Angelica ang mga struggle nila bilang mga ina.


"Sometimes, we will always think about the baby, pero kumusta rin kaya si Mommy."


Dahil pareho na silang may pamilya sa ngayon, ibinahagi ni Camille na mas lumawak ang range ng topic na napag-uusapan nila ngayon ni Angelica.


Nagsimula ang friendship nina Camille at Angelica Panganiban noong mga bata pa sila dahil pareho silang pumasok sa shwbiz sa murang edad.


Ang nakakatandang kapatid din ni Camille na si John Pratts ang tinuturing male bestfriend ni Angelica.




Ang Katotohanan Sa Hiwalayang Angel Locsin at Neil Arce Nilinaw Ng Isang Reliable Source! Alamin!

Walang komento


 Hanggang ngayon ay naging malaking katanungan pa rin sa ilang mga netizens kung bakit bigla na lamang nanahimik sa social media ang actress na si Angel Locsin.


Tila bigla na lamang umano itong nagtatago sa mata ng publiko sa hindi malinaw na dahilan.


Hinahanap-hanap pa rin hanggang ngayon ng ilang mga netizens ang tinaguriang real life Darna gayung mahigit isang taon na nang huli ito magbigay ng update sa kanyang social media.


 Hanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay ang isyu at hinala ng ilang mga fans na umano'y tahimik na naghiwalay na ang dalawa.


Marami rin kasi ang nakapansin na hindi man lang binati ni Niel Arce ang kanyang asawa noong anniversary nila noong nakaraang July 2023 gayung binati pa niya ito noong naunang taon.


 Kaya naman sa kamakailang showbiz vlog ng talent manager at veteran showbiz reporter na si Ogie Diaz, nilinaw niya na walang katotohanan ang mga haka-haka.


Sa ngayon ay ini-enjoy umano nina Angel Locsin at Niel Arce ang kanilang buhay malayo sa social media at sa showbiz.


Nasa bahay lamang din umano si Angel Locsin at maayos ang kalagayan. Ini-enjoy din umano ni Angel ang kanyang pagiging wife kay Niel.


Nilinaw din ni Niel Arce na hindi totoong buntis si Angel Locsin.


Sa ngayon ay patuloy pa ring namimiss ng kanyang mga tagahanga si Angel Locsin lalo na ang pagiging matulungin nito sa oras ng sakuna at kalamidad.




Gaano Kayaman Sina Paul Jake Castillo at Kaye Abad

Walang komento


 Kamakailan lamang ay kumalat sa iba't-ibang social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga larawan at videos ni Kaye Abad habang nago-grocery sa isang mall na napapalibutan ng maraming bodyguards.


Dahil dito, marami ang napapatanong kung gaano nga ba kayaman ang mag-asawang Paul Jake Castillo at Kaye Abad.


Noon paman ay hindi na naging lingid sa kaalaman ng lahat na mula sa mayamang angkan si Paul Jake Castillo dahil hindi naman niya ito itinago sa publiko.


 Kilala ang pamilya ni Paul Jake Castillo na nagmamay-ari sa pharmaceutical company na IPI na may 14 branches nationwide.


Sa kabila nito, hindi naman umasa sa yaman ng kanyang pamilya sina Paul Jake at Kaye Abad, nagtatag ng sariling negosyo si Paul at pinasok ang food industry.


Si Paul ang nagmamay-ari ng sikat na lechonan sa Cebua ang Yubub Lechon De Cebu na nagsimula noon pang 2012.


Bukod pa rito, sila rin ang nagmamay-ari ng Grillers steak house.


Hindi man involve si Kaye sa pagmamanage ng Grillers steak house, sinisiguro naman niya na may maitutulong siya kahit papaano.


Nagmamay-ari rin silang mag-asawa ng isang rest house sa isang beach sa  Cebu.


Samantala, nilinaw naman na ni Kaye Abad ang totoong dahilan kung bakit napapalibutan siya ng maraming bodyguards sa loob ng isang grocery store.




Kc Concepcion Suportado Parin Ni Sharon Cuneta Kahit May Tampuhan

Walang komento


 Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakakarami na may isyu sa pagitan nina KC Concepcion at sa pamilya ni Sharon Cuneta.


Nagsimula ang lahat nang biglang in-unfollow ni KC sa social media sina Frankie at Kiko Pangilinan para umano sa kanyang peace of mind.


Sa kabila ng isyung bumabalot ngayon sa mag-iinang KC Concepcion at Sharon Cuneta, talagang hindi natitiis ng ina ang isang anak.


Sa isang Instagram post, ipinakita ni Sharon Cuneta na kahit papaano ay sinusuportahan pa rin niya si KC. Ni-repost ni Sharon ang post ng kanyang anak kung saan iniimbitahan nito ang kanyang mga followers na manood sa pelikulang Asian Persuasion na pinagbibidahan ni KC Concepcion.


"America! My first-born is starring in her first Hollywood movie and I hope you can watch it! 🙏🏻💖 @kristinaconcepcion God be with you anak. Please take care of yourself," caption ni Sharon sa kanyang post.


Agad namang nagkomento rito si KC Concepcion kung saan sinabi niyang lahat ng kanyang ginagawa ay para sa kanyang ina.


"Like I always tell you mama, tho I'm not perfect, everything I do is for you."


Sinagot naman ito ni Sharon kung saan ipinahayag niya ang kanyang pagmamahal sa panganay na anak at kung gaano rin ito kamahal ng mga kapatid at maging ni Kiko Pangilinan.


Hiling din ni Sharon na sana ay magkakaayos na sila at makakapag-usap.



Ogie Diaz, Nakisawsaw Sa Isyu Nang Mag-Inang Andrei at Izzy, Tinawag Na Ipokrita Ang Dating Dancer

Walang komento

Huwebes, Setyembre 14, 2023


 Hindi naitago ng talent manager at veteran showbiz reporter na si Ogie Diaz ang kanyang pagkadismaya sa dating sexbomb dancer na si Izzy Aragon- Trazona.


Sa kanyang Facebook post, nag-react si Ogie sa ginawang post ni Izzy laban sa kanyang anak na si Andrei na kamakailan lang ay nagladlad bilang isang miyembro ng LGBTQIA+ community.


Isiniwalat ni Ogie na nagulat siya sa ibinahaging post ni Izzy dahil buong akala niya ay tanggap nito ang pagkakakilanlan ng kanyang anak dahil pinagmalaki pa umano ito ni Izzy sa kanya noon. 


Kaya naman naniniwala si Ogie Diaz na mas makasalanan si Izzy kaysa sa anak nito dahil sa pagiging ipokrita umano nito.


“Nung una, tanggap mong bakla ang anak mo. Ipinagmamalaki mo ngang dalaga na ang anak mo, eh. Tapos ngayon, me nagpa-realize lang sa ‘yo na parang kasalanan ang maging bakla, wini-wish mo na sana ay magising sa katotohanan ang anak mo?” 


“I think, mas kasalanan sa Diyos ‘yang kaipokritahan mo. Tinanggap mo nung una, tapos ngayon, babawiin mo? Laban-laban, bawi-bawi? Mas hahangaan pa kita kung sa una pa lang, consistent ka nang ayaw mong maging bakla anak mo. Pinanindigan mo,” pahayag ni Ogie.


Hindi rin umano niya masisisi si Andrei sa desisyon nitong umalis sa poder ng kanyang ina dahil sa pagtutol nito sa desisyon ng anak.


Tinawag pa ni Ogie Diaz na hindi na healthy ang relasyon nilang mag-iina.


Nagbigay pa ng payo si Ogie Diaz kay Izzy na tanggapin na lamang ng buo ang anak dahil kahit ano pang mangyayari ay anak pa rin niya ito.



Andrei Trazona Sinagot Ang Kanyang Ina na Si Izzy Trazona Na Tumututol sa Pagiging Drag Queen Niya

Walang komento


 Hindi maitago ng Drag Queen na si Andrei Trazona ang kanyang pagkadismaya at lungkot dahil sa natanggap niya criticism mula mismo sa kanyang ina na si Izzy Trazona.


Si Izzy Trazona ay nakilala dahil dati itong myembro ng Sexbomb.


Sa isang Facebook post, isiniwalat at inamin ni Andrie ang kanyang pagsisinungaling kung saan sinabi niyang sinusuportahan siya ng kanyang ina sa pagiging Drag Queen, upang protektahan ito.


Isiniwalat din ni Andrei na binubuhay na lamang niya ngayon ang kanyang sarili dahil hindi na siya nakakatanggap ng suporta mula sa kanyang ina.


"I LIED IN AN INTERVIEW

that she supports for what I am and for what I do just to protect her from any backlash but there's no point in protecting her because the truth came out straight from her," pagsisiwalat ni Andrei.


"As much as I love you, you know that I don't wanna live in a lie. I'm sustaining myself for years now and I am living responsibly honest. I'm tired of this conversation about me being gay and doing drag. I wanna end this argument by saying that "| wanna live my own truth and someday you will be proud of what I will become."


Dagdag pa niya, "I love you so much mom but this isn't healthy for me anymore. I hope someday you will understand how it feels to be in my shoes. I miss you but you're not bringing me any comfort and compassion I deserve."


Nauna rito, isiniwalat ni Izzy sa isang Facebook post ang pagtutol niya sa decision ng kanyang anak na si Andrei at ang pagnanais nito na muling makilala ng anak si Jesus Christ.



Izzy Trazona, Tutol Sa Pag-Out at Pagiging Drag Queen Ng Anak!

Walang komento




 Usap-usapan ngayon sa social media at ilang mga entertainment sites ang post na ibinahagi ng dating Sexbomb dancer na si Izzy Trazona patungkol sa isa sa kanyang apat na anak.


Ipinahayag ni Izzy Trazona ang kanyang pagtutol sa pagiging Drag Queen ng kanyang anak na si Andrie. Ipinahayag pa ni Izzy na susubukan niyang i-convince ang anak na magbago ang isip lalo pa't sa nakikita niyang mga actions at activities nito sa ngayon.


“Yes, I agree, same with me, hindi mo parin naman nararanasan maging magulang. All I want is for your best. Im holding on with the TRUTH that is written in the bible, the word of God. The One who created us,” saad ni Izzy.


Dagdag pa niya, “So if my children, the 4 of them, will do something that is against the faith that I have in Christ, that will I disagree. I point them to Jesus because with that I will be secured with their future. The best I know I can give to my children, more than richness, fame and all."


Iginiit din niyang walang mga magulang na nagnanais na mapahamak ang kanyang mga anak, lalong lalo na ang mga ina.


“Sino ba naman magulang ang gustong mapahamak ang anak? When all your motive is to save them sa mas masakit na pwede nilang maranasan. Ang buhay na wala si Kristo. Andrei anak, I love you so much to not support you on things that will harm you. I am always here for you…your mama, mahal na mahal kita.”


Agad namang umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens, lalong-lalo na mula sa LGBTQ community ang post ni Lizzy.


"Dear Drei, if you are looking for a new mom, I'm here for you with full support and acceptance. Be kind to yourself and to others. You can be whoever you are meant to be!"


"Tantanan mo ko Izzy!! kaya ako naging ganito dahil sa inyong Sezbomb! nag aral pa ako bumending, split, tumbling para lang manalo sa showdown nung bata ako.."


"let your kid live the life he wants. We are all sinners. We are all not perfect. At the end of the day, we will face God alone may we let his judgment prevails. If your religion teaches you to hate your kid then you need to change your religion."





Sikat Na Kapamilya Aktor Mapapanuod Sa E.A.T

Walang komento


Nagkita sa naganap na FIBA World Cup sina Richard Gutierrez at Jose Manalo kung saan sila nakapag-usap.


Sa ngayon ay maaring maging guest sa noontime show na E.A.T ang ilang mga Kapamilya stars na may show sa TV5 na kasalukuyang tahanan ng TVJ at iba pang legit dabarkads.


Excited naman si Jose Manalo sa ideya at posibilidad na maging guest nila sa kanilang show si Richard Gutierrez.


"Ang saya lang nun, ngayong nasa TV5 na kami nagi-guest na iyong mga taga-ABS-CBN."


May posibilidad na maging guest sa E.A.T si Richard Gutierrez dahil ipapalabas sa TV5 ang teleseryeng pinagbibidahan niya na The Iron Heart sa darating na buwan.


Sa ngayon ay hindi pa rin matanggap ng ilang mga manonood na malapit nang magwakas sa ang teleseryeng The Iron Heart sa ABS-CBN.


Marami ang humihiling na sana ay magkaroon pa ito ng season 3 at muling ma-extend.



Coco Martin at Ivana Alawi Magkakaroon Ng Relasyon Sa Batang Quiapo

Walang komento


 Usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang inilabas na bagong era ng Ang Batang Quiapo.


Una nang nagtrending ang inilabas na panibagong trailer nito. Marami ang nasasabik sa magaganap na maaksyong labanan sa pagitan ni Tanggol at sa mga kalaban nito.


Marami rin ang nag-aabang kung mababawi na ba ni Tanggol sa pagkakataong ito ang marangyang buhay na ipinagdamot sa kanya.


Bukod dito, marami rin ang nag-aabang sa magiging papel ng sexy actress na si Ivana Alawi sa serye. Gagampanan ni Ivana Alawi ang papel ni Bubbles sa serye.


Marami naman ang napapatanong kung magiging kakampi ba ito ni Tanggol o isa sa mga kaaway. May mga naghinala ring ito ang magiging bagong love interest ni Tanggol dahil tila malabo nang magkatuluyan pa sila ni Mokang dahil naging asawa na ito ng kanyang amang si Boss Ramon.


Tila may posibilidad namang si Ivana ang panibagong pag-ibig ni Tanggol dahil makikita sa trailer ang ilan sa kanilang maiinit na tagpo.


Tanong ngayon ng mga netizens, tuluyan na bang mapapalitan bilang leading lady ang anak ni Fernando Poe Jr. na si Lovi Poe sa serye o isang babae panlipas oras lamang ang papel ni Ivana sa nasabing serye at si Lovi pa rin ang endgame.




Barbie Forteza Hinahanda Na Ang Sarili!

Walang komento


 Aminado ang Kapuso actress na si Barbie Forteza na kailanman ay hindi umano niya mapapantayan ang angking galing ng Megastar Sharon Cuneta sa pag-arte.


Inaasahan din ni Barbie Forteza na marami ang magkukumpara sa kanila ni Sharon Cuneta sa larangan ng pag-arte kapag ipapalabas na ang TV adaptation ng hit movie na Maging Sino Ka Man.


Ang pelikulang Maging Sino Ka Man ay pinagbibidahan noon nina Sharon Cuneta at Robin Padilla na ipinalabas noong 1991. Ngayon, ang TV adaptation nito ay pagbibidahan naman nina Barbie Forteza at David Licauco.


Sa isang panayam kay Barbie Forteza, isiniwalat niya ang ilang mga techniques na ginawa niya upang magampanan ng maayos ang papel ni Monic.


Isiniwalat pa ni Barbie na ibang Monic ang mapapanood ng publiko sa TV adaptation kay sa Monic na napanood noong si Sharon ang gumanap.


Inamin rin ni Barbie na nakaramdam siya ng pressure na hindi makita ng publiko si Klay sa panibagong karakter na gagampanan niya ngayon.


Sa kabila nito, iginiit ni Barbie na talagang pinaghandaan niya ang kanyang role bilang si Monic sa Maging Sino Ka Man. Naglaan din umano siya ng panahon para panoorin ng pauli-ulit ang pelikula nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.


Hindi dahil sa pressured siya kundi dahil sa hindi niya type noon ang mga ganitong uri ng pelikula at kailangan niya makakuha ng anumang insights sa plots.




Ito Pala Ang Dahilan Bakit Nangungulila Si KC Concepcion Sa Kanyang Mom Na Si Sharon Cuneta

Walang komento


 Kung may hihilingin ngayon ang aktres na si KC Concepcion para sa kanyang personal life ito ay ang maging super close muli sila ng kanyang ina na si Sharon Cuneta.


Sa ilang mga panayam kay KC Concepcion, ramdam na ramdam ng kanyang mga tagahanga ang matinding pangungulila niya sa kanyang ina.


Dahil dito, karamihan ng mga fans ni KC sa social media ay nanawagan at humihiling na sana ay maging maayos na ang isyu na bumabalot sa pamilya ni KC.


Maging ang veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ay naantig rin sa mga naging pahayag ni KC Concepcion sa ilang mga panayam.


Sa kamakailang episode ng programa ni Manay Cristy Fermin inilahad niya ang kanyang saloobin tungkol sa pinagdadaanan ngayon ni KC Concepcion bilang isang anak.


"Ang wish niya talaga, sana bumalik na yung pagiging mag-best friend nila ni Sharon Cuneta, ang kanyang dakilang ina, di ba?


"Ako, Romel, ang pakiramdam ko rito mga kapatid, pag-ibig po ito ng isang anak na nami-miss po, talagang sabik na sabik na maulit yung dati nilang samahan ng kanyang inang samahan ng kanyang inang si Sharon."


Ipinahayag din ni Cristy Fermin na natural lamang itong maramdaman ni KC Concepcion dahil napakatagal na nang huling naging close sila ni Sharon.


Pinuri din ni Cristy Fermin si KC Concepcion dahil sa pagiging honest nito sa kanyang nararamdaman hinggil sa pinagdadaanan ng kanilang pamilya.


Naging matatag din at naging matapang si KC sa pagsisiwalat sa kanyang wish na maging close muli sila ng kanyang ina na si Sharon Cuneta.




KC Concepcion Ibinunyag Di Masikmurang Ugali Ni Sharon Cuneta Sa Mga Nakakarelasyon Niya!

Walang komento


 Usap-usapan ngayon ng ilang mga social media sites ang pambubuking umano ng actress na si KC Concepcion kung paano tratuhin ni Sharon Cuneta ang kanyang mga nakakarelasyon.


Ito umano ang nagiging dahilan kung bakit hindi nagtatagal ang mga past relationship ni KC Conception.


Matatandaan na ilang beses na ring nagkaroon ng relasyon ang aktres na si KC Concepcion. Karamihan pa sa mga naging ex ni KC ay mula rin sa mundo ng showbiz.


Subalit, hindi naman nagtatagal ang mga relasyon nila.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, nagbigay na ng clue si KC Concepcion sa hinggil sa totoong dahilan kung bakit hindi nauuwi sa happy ending ang kanyang mga past relationship.


Sa isang pahayag, sinabi ni KC Concepcion na panahon na para ang kanyang kagustuhan naman ang masusunod dahil may kapasidad na siya at kaya na niya ang kanyang sarili.


Tila pahiwatig ito na ngayon pa lamang ginagawa ni KC ang kanyang gusto.


Kaya naman marami ang naghinalang baka noon ay naging sunod-sunuran lamang si KC Concepcion sa kanyang ina na si Sharon Cuneta.


Ito rin umano ang totoong dahilan kung bakit hindi nagtatagal ang mga past relationship ni KC Concepcion sa kanyang mga nakakarelasyon noon.


Hindi umano tanggap ni Sharon ang kanyang mga dating boyfriends dahil hindi umano nila ka-level ang mga ito.




Ito Pala Ang Gagawin Ni Vice Ganda Sa Mga Staff Ng Its Showtime Sa 12days Suspension Ng MTRCB

Walang komento


 Isiniwalat ni Manay Cristy Fermin ang kanyang narinig na usap-usapan na umano'y magbibigay ng ayuda si Vice Ganda sa mga staffs ng It's Showtime na mawawalan ng trabaho sakaling matuloy ang 12 days suspension na ipinataw sa kanila ng MTRCB.


"Ako po ay nagkaroon ng pagkakataon makausap ang isang importante na napakalapit po sa aking puso dahil nakatrabaho ko nang matagal sa ABS-CBN. 


"Ang sabi niya dahil staff siya ngayon ng It's Showtime, sa isang pag-uusap ay binigyan daw po sila ng assurance, ng pangako ni Vice Ganda na kung sakali raw po na magkakatuloy-tuloy itong suspencion ng labindalawang-araw ng MTRCB, tutulungan niya ang staffs."


Sa kabilang banda, hindi naman nagbigay ng pahayag si Cristy Fermin kung maging ang kanilang co-hosts ay mabibigyan rin ng ayuda ni Vice Ganda.


"Sa kaloob-looban po ng puso ni Vice Ganda, alam po niya na sila ni Ion ang dahilan kung bakit nagkaroon po ng suspension ang kailang noontime show. 


"Alam niya 'yun hindi lang niya maamin publicly... Kaya 'yung production staff tutulungan niya kasi malaking kawalan 'yun, 'yung dalawang linggo na walang trabaho. 'Yung mga kapwa host naman niya, alam niya na mayroon namang mga naiipon."




Vice Ganda May Buwelta Kay Lala! May Pahayag Ang Hiling Ng MTRCB Na Mag-public Apology!

Walang komento


 Naninindigan pa rin ang pamunuan ng It's Showtime at maging ang  ABS-CBN na walang nilabag na anumang batas ang show sa MTRCB.


Sa ngayon ay gumugulong na ang 15 days na binigay sa kanila ng MTRCB para sa paghahain ng motion for reconsideration.


Kamakailan lamang inilahad ni Lala Sotto na makakatulong kahit paano sa It's Showtime kung maglalabas ng public apology sina Vice Ganda at Ion Perez kung saan aaminin nito ang kanilang pagkakamali.


Sa kabilang banda, hindi pa naglalabas ng anumang pahayag sina Vice Ganda at Ion Perez hinggil sa payo ni Lala Sotto sa kanila.


Maging ang pamunuan ng It's Showtime at ABS-CBN ay nanahimik rin hinggil sa nasabing pagpapayo ni Lala Sotto kina Vice Ganda at Ion Perez.


Sa kabilang banda, tila naging marami na ang nadamay sa suspension isyu ng It's Showtime. Kamakailan lamang ay nagsampa ng kaso laban kina Vice Ganda at Ion Perez ang Kapisanan ng mga Social Media Broadcaster ng Pilipinas dahil naniniwala silang kailangan parusahan ang dalawang It's Showtime hosts.




Sikat Na Host Sa E.a.T Nakapabunt-Is Ng Kapwa Host

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa social media ang inilabas na isang blind item patungkol sa isang host ng isang noontime show na umano'y nakabuntis sa kanyang kabit.


Ayon sa kumakalat na haka-haka, ngayon lamang umano ito nabunyag subalit matagal nang may ibang babae ang isang lalaking host.


Sa katunayan ay may anak na diumano ito sa kanyang kabit. 


Samantala, hindi naman makapaniwala ang asawa ng host na magagawa ng kanyang mister ang pagtatraydor sa kanya dahil buong akala umano niya ay mabait nito.


Sa kabilang banda, agad na umano ng samu't-saring spekulasyon mula sa mga netizens kung sino ang tinutukoy sa pa-blind item na ito.


Marami ang naghinala na baka ito ay si Vic Sotto. Subalit may mga nagtuturo naman kay Paolo Contis.




Kaye Abad Nagsalita Na Kung Bakit Pinalibutan Sya Ng Napakaraming Bodyguards Sa Loob Ng Mall!

Walang komento

Miyerkules, Setyembre 13, 2023


 Ipinaliwanag ni Kaye Abad kung bakit siya namataan na binabantayan ng ilang lalaki habang namimili ng groceries sa isang mall sa Cebu City.


Matatandaang nag-viral sa social media si Kaye matapos kumalat ang mga larawan at video clips niya habang naglilibot sa mall. Kung saan sinusundan at binabantayan siya ng ilang lalaking nakasuot ng puting uniporme.


Ayon sa kanya, ang mga bodyguard ay ibinigay sakanya ng mall mismo dahil nakikipag-collab siya sa establishments.


Pinapaalis naman umano niya ang mga ito dahil hindi niya kailangan ng bodyguards subalit tumanggi ang mga lalaki at ipinuntong sumusunod lamang sila sa orders ng nakakataas.


“I explained it on my social media na I did a collaboration with this supermarket. And then, so nagpadala silang bodyguard, the bodyguards work for the supermarket, and then I told them na hindi ko na kailangan ng bodyguards kasi ’yung mga Cebuano sanay naman na sakin na nag-iikot-ikot lang ako sa mall mag-isa.”


“But then sabi nila, ‘sige lang ma’am’ kasi inutos daw sa kanila so sabi ko, ‘ah okay,’ so yung nag-viral, hindi po sa akin yung bodyguards na ’yun, sa supermarket po.”


Samantala, hindi pa naglalabas ng statement ang nasabing mall hinggil sa isyung ito.




Kc Concepcion, May Rebelasyon Ukol Sa Malaking Utang Sa Kaniya Ni Franki Pangilinan?

2 komento


 KC Concepcion may nakakagulat na rebelasyon tungkol sa kanyang half sister na si Frankie Pangilinan, inubos umano ang kanyang pera?


Kamakailan lamang ay naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang pag-unfollow nina KC Concepcion at Frankie Pangilinan sa isa't-isa.


Ayon sa aming mga nakalap na impormasyon, may naganap na pagtatampuhan sa pagitan ng dalawa.


Makikita pa sa ilang mga social media posts ni KC Concepcion na may mga pasimpleng pasaring siya sa mga taong nagdadala umano sa kanya ng negativity na hinala ng nakakarami na si Frankie Pangilinan ang tinutukoy.


"I REALIZE, po na life is short, sayang po kung aaksayahin natin ang time with negativity."


Nilinaw din ni KC na bagama't inunfollow niya ito sa social media, hindi ito ibig sabihin na hindi na niya ito mahal.


Ayon sa ilang mga marites, may nangyaring pag-aaway umano sa pagitan nina Frankie at KC kung saan nadamay na rin ang kanilang ina na si Sharon at Kiko Pangilinan.


Nakalkal pa ng ilang mga netizens ang matagal anang isyu, kung saan winaldas at inubos umano ni Frankie at pera ni KC Concepcion na dahilan upang magkaroon ng lamat ang kanilang pagiging magkapatid.


Sa kabila naman nito, ipinahayag ni KC, na mahal niya at nagpapasalamat siya sa kanyang stepdad na si Kiko Pangilinan dahil naranasan umano niya ang pagmamahal ng isang ama. Subalit, alam na umano niya ang kanyang place at doon na lamang siya mananatili.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo