Ito Pala Ang Dahilan Bakit Nangungulila Si KC Concepcion Sa Kanyang Mom Na Si Sharon Cuneta

Huwebes, Setyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Kung may hihilingin ngayon ang aktres na si KC Concepcion para sa kanyang personal life ito ay ang maging super close muli sila ng kanyang ina na si Sharon Cuneta.


Sa ilang mga panayam kay KC Concepcion, ramdam na ramdam ng kanyang mga tagahanga ang matinding pangungulila niya sa kanyang ina.


Dahil dito, karamihan ng mga fans ni KC sa social media ay nanawagan at humihiling na sana ay maging maayos na ang isyu na bumabalot sa pamilya ni KC.


Maging ang veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin ay naantig rin sa mga naging pahayag ni KC Concepcion sa ilang mga panayam.


Sa kamakailang episode ng programa ni Manay Cristy Fermin inilahad niya ang kanyang saloobin tungkol sa pinagdadaanan ngayon ni KC Concepcion bilang isang anak.


"Ang wish niya talaga, sana bumalik na yung pagiging mag-best friend nila ni Sharon Cuneta, ang kanyang dakilang ina, di ba?


"Ako, Romel, ang pakiramdam ko rito mga kapatid, pag-ibig po ito ng isang anak na nami-miss po, talagang sabik na sabik na maulit yung dati nilang samahan ng kanyang inang samahan ng kanyang inang si Sharon."


Ipinahayag din ni Cristy Fermin na natural lamang itong maramdaman ni KC Concepcion dahil napakatagal na nang huling naging close sila ni Sharon.


Pinuri din ni Cristy Fermin si KC Concepcion dahil sa pagiging honest nito sa kanyang nararamdaman hinggil sa pinagdadaanan ng kanilang pamilya.


Naging matatag din at naging matapang si KC sa pagsisiwalat sa kanyang wish na maging close muli sila ng kanyang ina na si Sharon Cuneta.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo