Sharon Cuneta, Kinampihan Si Frankie Pangilinan Matapos Ipahiya Ni Kc Concepcion!

Biyernes, Setyembre 15, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon ng ilang mga netizens ang tila pagkampi umano ni Sharo Cuneta kay Frankie Pangilinan base na rin sa kanyang mga inilabas na social media posts.


Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin natatapos ang isyu sa pagitan ng mag half sisters na sina Frankie Pangilinan at KC Concepcion.


Matatandaan na sa kamakailang mga panayam ni KC Concepcion inamin niya may hindi pagkakasunduan sila ng kanyang kapatid na si Frankie na naging dahilan kung bakit inunfollow niya ito sa kanyang social media account.


Ayon sa mga naglabasang haka-haka ngayon, may malaking pagkakautang umano itong si Frankie kay KC na matagal nang hindi binabayaran.


Subalit, tila mas pinanigan pa umano ni Sharon Cuneta si Frankie at hiniling kay KC na kalimutan na lamang nito ang pera dahil magkapatid naman umano sila.


Hindi na umano kinaya ni KC at labis na nagtampo kay Sharon.


Maging ang step father nitong si Kiko Pangilinan ay kabilang din sa inunfollow ni KC.


Ayon naman sa ibinigay niyang dahilan kay Boy Abunda, sinabi ni KC na nais lamang niyang magkaroon ng peace of mind kaya pinili niya i-unfollow ang mga ito.


Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin siya kay Kiko Pangilinan dahil minsan ay naranasan din umano niya ang pagmamahal ng isang ama dahil rito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo