Kc Concepcion Suportado Parin Ni Sharon Cuneta Kahit May Tampuhan

Biyernes, Setyembre 15, 2023

/ by Lovely


 Hindi naman lingid sa kaalaman ng nakakarami na may isyu sa pagitan nina KC Concepcion at sa pamilya ni Sharon Cuneta.


Nagsimula ang lahat nang biglang in-unfollow ni KC sa social media sina Frankie at Kiko Pangilinan para umano sa kanyang peace of mind.


Sa kabila ng isyung bumabalot ngayon sa mag-iinang KC Concepcion at Sharon Cuneta, talagang hindi natitiis ng ina ang isang anak.


Sa isang Instagram post, ipinakita ni Sharon Cuneta na kahit papaano ay sinusuportahan pa rin niya si KC. Ni-repost ni Sharon ang post ng kanyang anak kung saan iniimbitahan nito ang kanyang mga followers na manood sa pelikulang Asian Persuasion na pinagbibidahan ni KC Concepcion.


"America! My first-born is starring in her first Hollywood movie and I hope you can watch it! 🙏🏻💖 @kristinaconcepcion God be with you anak. Please take care of yourself," caption ni Sharon sa kanyang post.


Agad namang nagkomento rito si KC Concepcion kung saan sinabi niyang lahat ng kanyang ginagawa ay para sa kanyang ina.


"Like I always tell you mama, tho I'm not perfect, everything I do is for you."


Sinagot naman ito ni Sharon kung saan ipinahayag niya ang kanyang pagmamahal sa panganay na anak at kung gaano rin ito kamahal ng mga kapatid at maging ni Kiko Pangilinan.


Hiling din ni Sharon na sana ay magkakaayos na sila at makakapag-usap.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo