Ilang Netizen, Dismayado Sa Umano’Y Palpak Na Tips Ni Neri?!

Biyernes, Setyembre 15, 2023

/ by Lovely


 Nakakatanggap ngayon ng pambabatikos si Neri Naig-Miranda mula sa mga netizens matapos niyang mag-post ng weekly meal plan na gagastos lamang ng P1000.


Ang nasabing meal plan post ni Neri na burado na ngayon sa kanyang page ay nagpakita na kayang bumili ng mga itlog, karneng baboy, bangus, corned beef, giniling na baboy, tuna, manok, isda, gulay, at bigas sa halagang P1000 lamang kada linggo na sasapat na sa buong pamilya.


Gayunpaman, napansin ng ilang netizens na dapat lamang kumain ng ‘tirang pagkain’ ang pamilya tuwing hapunan kung nais nilang masunod ang nasabing meal plan mula kay Neri.


Kaya naman tinatawag nila itong hindi wais at hindi rin umano kapani-paniwala dahil hindi naman inilagay ni Neri kung magkano ang kanyang pagkabili sa mga nasabing pagkain.


“1k budget sa loob ng 1 linggo ni Neri Miranda [laughing emoji] prang hindi ito mkatotoohanan lalo na kung higit sa 3 kayo nkatira sa bahay. 143 pesos papatak per day. Teka teka [laughing emoji] may magic toh hahahah!!”


“Kanina ko pa iniisip paano mapapagkasya ang 1K sa isang linggo, 1K ÷ 7 days, tas ÷ 3 meals per day = ₱47.6 per meal for 1 family. If you’re a family of 5 pax, that’s ₱9.5 budget per meal per person. Kasya naman for 1 boiled egg. Pag prinito mo pa, baka wala ng budget para sa mantika.”


Sa kabilang banda, may mga nagtatanggol naman kay Neri kung saan ipinunto ng mga ito na maari masunod ang meal plan na ginawa nito kung katulad ni Neri na may sariling tanim na gulay.


Ipinunto rin ng iba na hindi may mga pamilya naman talaga na kunti lamang kung kumain.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo