Coco Martin at Ivana Alawi Magkakaroon Ng Relasyon Sa Batang Quiapo

Huwebes, Setyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang inilabas na bagong era ng Ang Batang Quiapo.


Una nang nagtrending ang inilabas na panibagong trailer nito. Marami ang nasasabik sa magaganap na maaksyong labanan sa pagitan ni Tanggol at sa mga kalaban nito.


Marami rin ang nag-aabang kung mababawi na ba ni Tanggol sa pagkakataong ito ang marangyang buhay na ipinagdamot sa kanya.


Bukod dito, marami rin ang nag-aabang sa magiging papel ng sexy actress na si Ivana Alawi sa serye. Gagampanan ni Ivana Alawi ang papel ni Bubbles sa serye.


Marami naman ang napapatanong kung magiging kakampi ba ito ni Tanggol o isa sa mga kaaway. May mga naghinala ring ito ang magiging bagong love interest ni Tanggol dahil tila malabo nang magkatuluyan pa sila ni Mokang dahil naging asawa na ito ng kanyang amang si Boss Ramon.


Tila may posibilidad namang si Ivana ang panibagong pag-ibig ni Tanggol dahil makikita sa trailer ang ilan sa kanilang maiinit na tagpo.


Tanong ngayon ng mga netizens, tuluyan na bang mapapalitan bilang leading lady ang anak ni Fernando Poe Jr. na si Lovi Poe sa serye o isang babae panlipas oras lamang ang papel ni Ivana sa nasabing serye at si Lovi pa rin ang endgame.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo