Angelica Panganiban Umiyak Labis Na Nasaktan Ng Kanyang Mga Kaibigan

Biyernes, Setyembre 15, 2023

/ by Lovely


 Angelica Panganiban, may inamin kay Camille Pratts patungkol sa kanyang mga kaibigan.


Sumang-ayon si Camille Pratts sa naging pahayag ni Angelica Panganiban na minsan ay naisasantabi ang pangangailan ng isang ina kapag may bago itong silang na sanggol.


Kaugnay ito sa isang social media post ni Angelica kung saan naglabas siya ng kanyang hinanakit sa pambabalewala umano sa kanya ng kanyang mga kaibigan dahil sa Amila na lamang umano ang palaging kinukumusta ng mga ito.


Isiniwalat naman ni Camille sa isang panayam na minsan ay napag-uusapan nila ni Angelica ang mga struggle nila bilang mga ina.


"Sometimes, we will always think about the baby, pero kumusta rin kaya si Mommy."


Dahil pareho na silang may pamilya sa ngayon, ibinahagi ni Camille na mas lumawak ang range ng topic na napag-uusapan nila ngayon ni Angelica.


Nagsimula ang friendship nina Camille at Angelica Panganiban noong mga bata pa sila dahil pareho silang pumasok sa shwbiz sa murang edad.


Ang nakakatandang kapatid din ni Camille na si John Pratts ang tinuturing male bestfriend ni Angelica.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo