Ogie Diaz, Nakisawsaw Sa Isyu Nang Mag-Inang Andrei at Izzy, Tinawag Na Ipokrita Ang Dating Dancer

Huwebes, Setyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Hindi naitago ng talent manager at veteran showbiz reporter na si Ogie Diaz ang kanyang pagkadismaya sa dating sexbomb dancer na si Izzy Aragon- Trazona.


Sa kanyang Facebook post, nag-react si Ogie sa ginawang post ni Izzy laban sa kanyang anak na si Andrei na kamakailan lang ay nagladlad bilang isang miyembro ng LGBTQIA+ community.


Isiniwalat ni Ogie na nagulat siya sa ibinahaging post ni Izzy dahil buong akala niya ay tanggap nito ang pagkakakilanlan ng kanyang anak dahil pinagmalaki pa umano ito ni Izzy sa kanya noon. 


Kaya naman naniniwala si Ogie Diaz na mas makasalanan si Izzy kaysa sa anak nito dahil sa pagiging ipokrita umano nito.


“Nung una, tanggap mong bakla ang anak mo. Ipinagmamalaki mo ngang dalaga na ang anak mo, eh. Tapos ngayon, me nagpa-realize lang sa ‘yo na parang kasalanan ang maging bakla, wini-wish mo na sana ay magising sa katotohanan ang anak mo?” 


“I think, mas kasalanan sa Diyos ‘yang kaipokritahan mo. Tinanggap mo nung una, tapos ngayon, babawiin mo? Laban-laban, bawi-bawi? Mas hahangaan pa kita kung sa una pa lang, consistent ka nang ayaw mong maging bakla anak mo. Pinanindigan mo,” pahayag ni Ogie.


Hindi rin umano niya masisisi si Andrei sa desisyon nitong umalis sa poder ng kanyang ina dahil sa pagtutol nito sa desisyon ng anak.


Tinawag pa ni Ogie Diaz na hindi na healthy ang relasyon nilang mag-iina.


Nagbigay pa ng payo si Ogie Diaz kay Izzy na tanggapin na lamang ng buo ang anak dahil kahit ano pang mangyayari ay anak pa rin niya ito.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo