Gaano Kayaman Sina Paul Jake Castillo at Kaye Abad

Biyernes, Setyembre 15, 2023

/ by Lovely


 Kamakailan lamang ay kumalat sa iba't-ibang social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang mga larawan at videos ni Kaye Abad habang nago-grocery sa isang mall na napapalibutan ng maraming bodyguards.


Dahil dito, marami ang napapatanong kung gaano nga ba kayaman ang mag-asawang Paul Jake Castillo at Kaye Abad.


Noon paman ay hindi na naging lingid sa kaalaman ng lahat na mula sa mayamang angkan si Paul Jake Castillo dahil hindi naman niya ito itinago sa publiko.


 Kilala ang pamilya ni Paul Jake Castillo na nagmamay-ari sa pharmaceutical company na IPI na may 14 branches nationwide.


Sa kabila nito, hindi naman umasa sa yaman ng kanyang pamilya sina Paul Jake at Kaye Abad, nagtatag ng sariling negosyo si Paul at pinasok ang food industry.


Si Paul ang nagmamay-ari ng sikat na lechonan sa Cebua ang Yubub Lechon De Cebu na nagsimula noon pang 2012.


Bukod pa rito, sila rin ang nagmamay-ari ng Grillers steak house.


Hindi man involve si Kaye sa pagmamanage ng Grillers steak house, sinisiguro naman niya na may maitutulong siya kahit papaano.


Nagmamay-ari rin silang mag-asawa ng isang rest house sa isang beach sa  Cebu.


Samantala, nilinaw naman na ni Kaye Abad ang totoong dahilan kung bakit napapalibutan siya ng maraming bodyguards sa loob ng isang grocery store.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo