Sikat Na Kapamilya Aktor Mapapanuod Sa E.A.T

Huwebes, Setyembre 14, 2023

/ by Lovely


Nagkita sa naganap na FIBA World Cup sina Richard Gutierrez at Jose Manalo kung saan sila nakapag-usap.


Sa ngayon ay maaring maging guest sa noontime show na E.A.T ang ilang mga Kapamilya stars na may show sa TV5 na kasalukuyang tahanan ng TVJ at iba pang legit dabarkads.


Excited naman si Jose Manalo sa ideya at posibilidad na maging guest nila sa kanilang show si Richard Gutierrez.


"Ang saya lang nun, ngayong nasa TV5 na kami nagi-guest na iyong mga taga-ABS-CBN."


May posibilidad na maging guest sa E.A.T si Richard Gutierrez dahil ipapalabas sa TV5 ang teleseryeng pinagbibidahan niya na The Iron Heart sa darating na buwan.


Sa ngayon ay hindi pa rin matanggap ng ilang mga manonood na malapit nang magwakas sa ang teleseryeng The Iron Heart sa ABS-CBN.


Marami ang humihiling na sana ay magkaroon pa ito ng season 3 at muling ma-extend.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo