Barbie Forteza Hinahanda Na Ang Sarili!

Huwebes, Setyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Aminado ang Kapuso actress na si Barbie Forteza na kailanman ay hindi umano niya mapapantayan ang angking galing ng Megastar Sharon Cuneta sa pag-arte.


Inaasahan din ni Barbie Forteza na marami ang magkukumpara sa kanila ni Sharon Cuneta sa larangan ng pag-arte kapag ipapalabas na ang TV adaptation ng hit movie na Maging Sino Ka Man.


Ang pelikulang Maging Sino Ka Man ay pinagbibidahan noon nina Sharon Cuneta at Robin Padilla na ipinalabas noong 1991. Ngayon, ang TV adaptation nito ay pagbibidahan naman nina Barbie Forteza at David Licauco.


Sa isang panayam kay Barbie Forteza, isiniwalat niya ang ilang mga techniques na ginawa niya upang magampanan ng maayos ang papel ni Monic.


Isiniwalat pa ni Barbie na ibang Monic ang mapapanood ng publiko sa TV adaptation kay sa Monic na napanood noong si Sharon ang gumanap.


Inamin rin ni Barbie na nakaramdam siya ng pressure na hindi makita ng publiko si Klay sa panibagong karakter na gagampanan niya ngayon.


Sa kabila nito, iginiit ni Barbie na talagang pinaghandaan niya ang kanyang role bilang si Monic sa Maging Sino Ka Man. Naglaan din umano siya ng panahon para panoorin ng pauli-ulit ang pelikula nina Sharon Cuneta at Robin Padilla.


Hindi dahil sa pressured siya kundi dahil sa hindi niya type noon ang mga ganitong uri ng pelikula at kailangan niya makakuha ng anumang insights sa plots.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo