Ito Pala Ang Gagawin Ni Vice Ganda Sa Mga Staff Ng Its Showtime Sa 12days Suspension Ng MTRCB

Huwebes, Setyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Isiniwalat ni Manay Cristy Fermin ang kanyang narinig na usap-usapan na umano'y magbibigay ng ayuda si Vice Ganda sa mga staffs ng It's Showtime na mawawalan ng trabaho sakaling matuloy ang 12 days suspension na ipinataw sa kanila ng MTRCB.


"Ako po ay nagkaroon ng pagkakataon makausap ang isang importante na napakalapit po sa aking puso dahil nakatrabaho ko nang matagal sa ABS-CBN. 


"Ang sabi niya dahil staff siya ngayon ng It's Showtime, sa isang pag-uusap ay binigyan daw po sila ng assurance, ng pangako ni Vice Ganda na kung sakali raw po na magkakatuloy-tuloy itong suspencion ng labindalawang-araw ng MTRCB, tutulungan niya ang staffs."


Sa kabilang banda, hindi naman nagbigay ng pahayag si Cristy Fermin kung maging ang kanilang co-hosts ay mabibigyan rin ng ayuda ni Vice Ganda.


"Sa kaloob-looban po ng puso ni Vice Ganda, alam po niya na sila ni Ion ang dahilan kung bakit nagkaroon po ng suspension ang kailang noontime show. 


"Alam niya 'yun hindi lang niya maamin publicly... Kaya 'yung production staff tutulungan niya kasi malaking kawalan 'yun, 'yung dalawang linggo na walang trabaho. 'Yung mga kapwa host naman niya, alam niya na mayroon namang mga naiipon."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo