Pia Magalona Nanindigan Na Kasal Sila Ni Francis Magalona

Walang komento

Lunes, Oktubre 23, 2023


 Dahil sa naging rebelasyon ng dating producer ni Francis Magalona at social media personality na si Robby Taroza, kumakalat ngayon sa social media ang isang larawan mula sa post ng dating publicist ng Master Rapper na si Pilar Mateo.


Matatandaan na sa isang social media post, kinuwestiyon ni Robby Taroza kung totoong ikinasal nga ba noon sina Pia at Francis Magalona.


Ipinahayag pa nito na kasal sa ibang lalaki na may apilyedong Lim.


“WALA KASI TAYONG DIVORCE SA PILIPINAS!!!! But even with kasal, ang tanong, WAS KIKO MARRIED TO PIA???! No, she was married to another guy with last name Lim and they had a son, Niccolo and daughter Unna, Who Many of us knew this! Pia huwag ka magpabiktima! grabe ka! No one broke up your marriage dear! You were never married in the Philippines!” 


Taliwas naman ito sa kumakalat na larawan nina Pia at Francis kung saan nagpapahiwatig na nagpakasal ang dalawa.


Ang nasabing larawan ay ibinahagi ni Pilar Mateo noon pang 2015 kung saan nakasaad sa caption na kuha ang larawan mula sa kasal ni Pia at Francis sa Hongkong.


Si Pilar Mateo ang umano'y publicist noon ni Francis M na matagal nitong nakasama.


Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay patuloy pa rin nanahimik ang pamilya ni Francis Magalona hinggil sa isyu.






Reaksyon ni Francine Diaz Ng Makita Si Seth Fedelin Sa It's Your Lucky Day!

Walang komento


 Tila naging emosyunal ang aktres na si Francine Diaz, habang pinapanood ang latest episode ng It's Your Lucky Day.


Matatandaan na nagpaalam na sa naturang show si Francine Diaz dahil may mahalaga siyang commitment na gagawin sa Vietnam. Kaya naman si Seth Fedelin na lamang ang naroron sa show.


Ilang araw ding nagkasama sina Francine Diaz at Seth Fedelin sa It's Your Lucky Day kung saan tila kinasanayan na ng dalawa ang presensya ng isa't-isa sa stage.


Samantala, ibinahagi naman ng personal assistant ni Francine Diaz ang video kung saan makikita ang naging reaksyon ng aktres sa latest episode ng show na hindi na siya kasama.


Bakas sa mukha ni Francine ang kanyang panghihinayang at kalungkutan dahil hindi na siya kasama ng mga ito.


Sa kabila nito, naniniwala pa rin ang mga FranSeth Fans na muling magkakasama ang dalawa sa naturang show. Nauna na kasi rito ang panawagan ng mga netizens na gawing regular show ang It's Your Lucky Day dahil marami rin naman ang mga tumatangkilik rito.


Kung sakaling maextend ang show hindi naman malabo na muling makabalik si Francine Diaz kapag natapos na ang kanyang gagawin sa Vietnam.


Sa ngayon ay hindi pa tukoy kung kailan ang balik ni Francine sa bansa.




Francesca M. May Mensahe Sa Kanyang Mga Half-Siblings

Walang komento


 May taos-pusong mensahe si Gaile Francesca Rait sa kanyang mga half-siblings sa ama na si Francis Magalona.


Sa panayam kay Julius Babao, sinabi ni Gaile Francesca na handa siyang makilala ang iba pang mga anak ng kanyang ama na si Francis Magalona, ​​at umaasang itatrato siya ng mga ito bilang isang miyembro ng pamilya.


Nilinaw din niya na wala siyang balak at hindi siya gagawa ng bagay na makakasira sa orihinal na pamilya ng Master Rapper.


“I want to tell them that I hope that you accept me. I don’t have any bad intentions po, I just…”


Sa kabilang banda, aminado naman si Gaile Francesca na gusto niyang sundan ang yapak ng ama at maging ng mga kapatid sa showbiz industry.


Gayunpaman, tila hindi natutuwa ang ilan sa mga miyembro ng pamilya Magalona sa existence ni Francesca.


Matatandaang ni-like ni Frank Magalona ang isang tweet na bumabatikos sa ina ni Francesca na si Abegail Rait kung saan tinawag itong 'homewrecker.'


Pinagsabihan din ni Francesca ang kanyang ina na huwag pansinin ang mga komento laban sa kanila, sinabi niya na ang mahalaga ay alam nila ang buong kuwento.




Robby Tarroza Isiniwalat Ang Pagsisisi Noon Ni Francis Magalona Sa Pagsasama Nila Ni Pia

Walang komento


Usap-usapan ngayon sa social media ang dating showbiz personality na si Robby Taroza matapos niyang isiwalat ang ilang kuwentong ibinahagi umano sa kanya ni Francis Magalona bago ito pumanaw.


Sa kanyang Facebook post, binatikos ni Robby ang asawa ni Francis M na si Pia Magalona, ​​na sinabing dapat itigil na ng misis ng Master Rapper ang pagiging biktima matapos ang pagbubunyag ni Abegail Rait.


Sinabi ni Robby na ilang beses niyang nakakausap si Francis M. Ilang bese na rin umano siyang nag-produce ng concert kung saan nag-perform din ang huli.


Ayon kay Robby, noong 2007 ibinahagi sa kanya ni Francis ang isang personal na kuwento kung saan ibinunyag nito ang mga problema sa relasyon nila ni Pia.


Isiniwalat ni Robby na nanghinayang umano si Francis sa pagsasama nila ni Pia dahil sa toxic nilang relasyon.


Makalipas ang ilang buwan, isiniwalat ni Francis na may kasama na siyang ibang babae.


“Francis then told me he was done with Pia and left her. he told me he couldn’t take it anymore. All the fights and bugbugan nila. Yung ugali daw ni pia nakakasira ng utak. He said he now has peace.”


“He mentioned he was with another woman who is totally the opposite sa ugali ni pia. he stressed “ang sarap pala ng ganitong ‘real love’ Robski” yeah he called me Robski lol pang ganster ko yun," pagbabahagi ni Robby.


Ayon pa kay Robby, naniniwala siyang gusto talaga ni Francis na ibunyag ang relasyon nila ni Abegail Rait noon.


Sinabi rin ng dating producer na personal niyang nasaksihan kung paano hindi maayos na niresolba nina Francis at Pia ang kanilang hindi pagkakaunawaan.


Inilarawan niya na ‘destructive’ at ‘dysfunctional’ ang relasyon ng dalawa, na masaya raw si Francis na tuluyan na niyang iniwan si Pia.



Ricci Rivero Tinawag Na Kabit Ang BFF Ni Andrea Brillantes Na Si Bea Borres!

Walang komento


 Kaagad na nagtrending sa ilang mga social media platform ang basketball player na si Ricci Rivero, matapos nitong aminin ang totoong relasyon nila ng dating beauty queen at politician na si Leren Mae Bautista.


Hindi naman ito ikinagulat ng maraming netizens dahil ilang beses na rin silang namataan na magkasama. Subalit ang ikinainis lamang ng ilang mga netizens ay ang ilang beses na pagtanggi ng mga ito sa kanilang relasyon.


Isa pa sa naging dahilan kung bakit naging laman ng usap-usapan ngayon si Ricci Rivero ay dahil sa pagsagot niya sa mga komento ng bestfriend ni Andrea Brillantes na si Bea Borres.


Naging sunod-sunod kasi ang naging tweet ni Bea Borres, matapos ang pag-amin ni Ricci Rivero sa totoong relasyon nila ni Leren Mae Bautista.


Bagama't hindi naman nito pinapangalanan kung sino ang kanyang tinutukoy sa kanyang tweet halata namang para ito sa dating karelasyon ni Andrea Brillantes.


Narito ang ilang tweet ni Bea:


"kahit gigil na gigil ako ang sinabi ko lang non the acidity"


"lol hanggang hard launch nagmamalinis lmfao no"


"TIME IS THE ULTIMATE TRUTH TELLER"


Dahil sa sunod-sunod na tweet ni Bea, tila hindi na nakapagtimpi si Ricci Rivero at pinatulan na ito.


"puro tweet bea gusto mo maglabasan tayo ng labada? tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi ka lifeline para may bala ka bago ka magreply publicly for your publicity. Sayang pakikialam mo kung di ka kasama sa headline"


Hanggang ngayon ay hindi pa sinasagot ni Bea Borres ang naging bwelta ni Ricci Rivero laban sa kanya. Maging ang aktres na si Andrea Brillantes ay patuloy pa ring nanahimik sa mga pagsisiwalat ni Ricci Rivero.





Dr. Richard Mata Pinayuhan Ang Bunsong Anak Ni Francis M na Huwag Munang Mag-showbiz

Walang komento

Biyernes, Oktubre 20, 2023

Pinayuhan ng pediatrician at content creator na si Dr. Richard Mata ang sinasabing bunsong anak ni Francis Magalona na ​​si Gaile Francesca, na huwag munang magmadali na pumasok sa show business.


Matatandaang nag-viral sa social media si Francesca matapos isiniwalat ng kanyang ina na si Abegail Rait na siya ang bunsong anak ni Francis sa dating flight attendant.


Ibinunyag din ni Abegail ang kanyang mga plano para sa kanyang anak kabilang na ang pagsunod nito sa yapak ng kanyang ama, na isang multi-talented na artista.


Gayunpaman, habang nakakatanggap si Francesca ng atensyon ng mga netizen, sinabi ni Dr. Richard na mas mabuting hindi muna papasok sa showbiz ni Francesca.


Ayon sa kanya, mas mabuting maging artista si Francesca, hindi dahil sa mga koneksyon niya kay Francis, kundi dahil karapat-dapat talaga siya at dahil sa taglay niyang talento.


“Wag muna. Just increase your tiktok, your FB and YT followers. Show your talents in socmed muna. If hinog an talaga, your talent will bring you to showbiz if its still needed,” said Dr. Richard. “Coming in now, will be hard, being controversial. There’s always that other group who will be against you. But in socmed, you can easily bloom,”


“Don’t enter showbiz because you are a daughter of FM, enter it because you have proven yourself in socmed. Karamihan ng di nagclick sa showbiz ay di rin pumipickup sa socmed. Pero young nagciclick sa socmed muna ay nagiging artista na mas stable.”


Marami naman ang sumang-ayon sa naging pahayag na ito ni Dr. Mata.



Jersey Ni Francis Magalona Binibili Ng 8M Tinanggihan Ni Boss Toyo

Walang komento


 Pinag-uusapan ngayon ng mga netizens, ang jersey ni Francis M na ibinenta ni Abegail Rait kay Boss Toyo sa Pinoy Pawnstar.


Si Abegaile Rait ang nagpakilalang dating karelasyon ni Francis Magalona kung saan nagkaroon pa sila ng anak na maituturing na bunsong anak ni Franics M na si Gaile Francesca. 


Matapos magviral ang kwento, lubhang lumaki ang halaga ng nasabing jersey. May isang collector ang nagkainteres na bilhin ito mula kay Boss Toyo sa halagang 8 million pesos kasama na ang polo na naunang naibenta sa kanila noon. 


Mula sa 500K na pagkabili ni Boss Toyo nito, higit sa 10x ang inilaki ng presyo. Subalit, tinganggihan ni Boss Toyo ang offer. 


Ayon sa collector na si Marvin, tagahanga daw siya ni Kiko at nais niya umano idisplay ang naturnag memorabilia ni Francis sa kanyang kakabukas lang na negosyo. 


Maging ang asawa ni Boss Toyo ay hindi rin pumayag na ipagbili ang nasabing gamit ni Francis M.


Ayon kay Boss Toyo, matagal pa bago nila ito pakawaln dahil ididisplay muna nila ito. Aminado naman si Boss Toyo na nagulat at natempt umano siya sa inoffer na presyo sa kanila ni Marvin.


Ayon naman sa ilang mga netizens na baka naisip umano ni Boss Toyo na lalo pang tataas  at mas lalaki pa ang value nito habang tumatagal.  Kung sa ngayon ay may nag offer na ng 8M, siguradong hihigit pa sa triple ang magiging value nito sa mga susnod na buwan.




Andrea Brillantes, Iniiwasan Nga Ba Ang FranSeth?

Walang komento


 Marami ang napapatanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ang aktres na si Andrea Brillantes sa noontime show na It's Your Lucky Day.


Naglabasan na tuloy ang mga intriga na baka ay may iniiwasan ang aktres at ito umano ay sina Francine Diaz at Seth Fedelin.


Matatandaan na sa anunsyo noon ng ABS-CBN, ibinahagi nila na kasama sa kanilang show na ipapalit sa It's Showtime si Andrea Brillantes.


Nakapagtataka namang matagal pumasok si Andrea gayung eere lamang ang nasabing show sa loob ng 12 days.


Subalit, anim na araw na mula nang umire ang show, hindi parin nagpapakita si Andrea Brillantes.


Unang lumabas sa nasabing show ang FranSeth loveteam, matapos ang ilang araw sumunod naman si Kyle Echarri.


Labis na inaabangan ngayon ng mga fans ni Andrea ang kanyang pagpasok sa It's Your Lucky Day dahil gusto ng mga ito na muling mabuo ang Gold Squad.




Jobert Sucaldito Binanta an Ni Baron Geisler Nang Malasing

Walang komento


Usap-usapan pa rin hanggang ngayon sa social media ang isyung tatanggalin sa teleseryeng Senior High ang aktor na si Baron Geisler.


Matatandaan na sa isang episode ng showbiz oriented vlog ni Ogie Diaz, isiniwalat niyang tatanggalin na umano sa Senior High si Baron Geisler dahil natatakot na umano ang mga co-stars ng actor sa tuwing nalalasing ito.


Tila hindi lamang pala ang mga co-star ni Baron Geisler sa “Senior High” ang nakaranas ng nakakatakot na pag-uugali ng aktor kapag nalalasing.


Samantala naikinuwento naman ni Cristy Fermin ang nangyari sa isang kasamahan niyang writer at kay Baron nang minsan mag-inuman ang mga ito.


Niyaya umano ni Baron si Jobert Sucaldito na mag-inuman sila, na pinaunlakan naman ng huli.


Subalit, nang tamaan na raw ng espiritu ng alak ang aktor ay nag-iba na ang ugali nito.


“Dinala siya ni Jobert sa isang bar. Inuman, inuman. Kuwentuhan, kuwentuhan. Maayos. Maayos sila. Nung tinatamaan na ng agua de pataranta itong si Baron Geisler, tinitigan niya nang matindi si Jobert. 


"Sabi niya, ‘I think I’m gonna kill someone tonight’. Kasi mayroon silang pinagdiskusyunan na isang isyu,” pagbabahagi ni Cristy Fermin.


Ipinahayag naman ni Cristy Fermin na talagang nanghihinayang siya sakaling tatanggalin sa serye si Baron Geisler dahil talagang magaling ito sa kanyang trabaho at bagay rito ang kanyang role.




Ricci Rivero, napikon sa mga kritiko nila ni Leren Bautista

Walang komento


 Tila hindi nasisiyahan ang basketball player na si Ricci Rivero sa mga pambabatikos na natanggap niya tungkol sa umano'y relasyon nila ni Los Baños councilor Leren Bautista.


Matatandaang ilang beses nang nakitang magkasama sina Ricci at Leren, at kamakailan lamang ay spotted silang nanood sa laban ng University Athletic Association of the Philippines sa pagitan ng University of the Philippines at Dela Salle University noong October 18.


Agad na binatikos ang dalawa dahil sa pagdi-date nila ngayon ilang buwan matapos ang hiwalayan nina Ricci at Andrea Brillantes.


Tila hindi naman na nakapagtimpi si Ricci Rivero at hayagan nang pinatulan ang mga bashers.


Sa naging post nito sa kanyang social media account ipinahayag ni Ricci na dapat sana ay alamin ng mga bashers ang totoong kwento.


“Akala mo kung mag salita ka alam mo yung story ah haha bida bida.”


“Wala pumapansin sayo sa bahay kaya dito ka hahanap ng papansin? Lol as bida bida.”


“Alamin niyo muna ‘yung totoong nangyari hindi ‘yung dami niyo sinasabi dahil toxic lang kayo.”


Noon pa man ay binatikos na si Ricci Rivero at tinatawag na cheater ng mga fans ni Andrea Brillantes lalo pa't nahuli umano ito ng aktres na may kasamang babae sa loob ng condo.




Dahilan Ng Pambababae Ni Francis M Kahit Kasal Pa Sa Misis Nyang Si Pia Magalona Ibinunyag Na

Walang komento


 Isiniwalat ng isang netizen na hindi umano lingid sa kaalaman ng legal na pamilya ni Francis Magalona ang pagkakaroon ng relasyon nina Abegail Rait at ng master rapper.


Sa isang tweet, sinabi ng netizen na si Megs na may lumabas nooong blind item patungkol Francis noong nabubuhay pa ito dahil sa umano'y relasyon nila ni Abegail.


“Alam ng family ni Francis M. They were separated na when it happened. Pia had a rumored bf na that time. Manager lng ni Francis M si Pia kaya may prinoprotek kuno na image at marami ads kaya ingat sila. magsitigil kayo nasa music video pa ni gloc9 yung babae,” pagsisiwalat nito.


May mga netizens naman na nagsasabing lumabas nga noon ang mga usap-usapan na umano'y plano maghiwalay noon nina Pia at Francis M. Subalit hindi umano ito natuloy dahil sa pagkaka-diagnose kay Francis na mayroong Leukemia.


Muling naungkat ang mga isyung ito nang isiwalat ni Abegail Rait ang naging relasyon nila noon ni Francis Magalona kung saan nabiyayaan sila ng isang anak.


Si Francis Magalona pa umano mismo ang nagbigay ng pangalan rito na mula sa kanilang mga pangalan, Gaile Francesca.


Naisiwalat pa ni Abegail na may mga plano silang hindi natupad dahil sa pagkakasakit nito at maagang pagpanaw.




Liza Soberano Kumalas Na Sa Management Ni James Reid

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment news sites ang umano'y pagkalas ng aktres na si Liza Soberano sa management agency ni James Reid.


Kasunod ito sa balitang ipapalabas na sa susunod na taon ang kinabibilangang Hollywood movie ni Liza Soberano ang Lisa Frankenstein.


Sa isang episode ng Marites University, nabanggit ni DJ Jaihoo ang naibahagi sa kanya ng isang source na umanoy ang tiyahin na ni Liza ngayon ang nagmamanage sa showbiz career ng aktres.


"Ayon sa aking very relialable source, ang chika nga raw po ay wala na nga raw po itong si Liza Soberano under the management of Careless."


Ipinahayag din umano ni Liza Soberano na hindi na muna siya gagawa ng mga local projects.


Samantala, wala pa namang kumpirmasyon mula sa kampo ni Liza Soberano hinggil sa balitang ito.


Sa katunayan, namataan pa ang dalawa na dumalo sa isang event noong lunes. Sa isang maiksing panayam kay James Reid ng piling mga press people nagpahayag pa siya ng pagsuporta kay Liza Soberano sa nalalapit na pagpapalabas ng pelikula nito sa Hollywood.


Nauna rito, mapapanood ang aktres na si Liza Soberano sa isang travel vlog na pimagatang Liza in Korea na inupload sa YT channel ng aktres.


Nilinaw naman ni Liza Soberano na pansamantalang nahinto ang Hollywood career ni Liza Soberano dahil sa nangyayaring artist strike doon.




Kim Chiu Kaagad Na Bumyahe Pa-Hongkong Mula L.A

Walang komento


  Kaagad na sumunod sa Hongkong ang actress-host na si Kim Chiu upang makisaya sa It's Showtime family na nauna na roon.


Marami sa mga madlang pipol ang naunang nagtaka kung bakit hindi nakasama si Kim Chiu sa bakasyon ng mga host sa Hongkong.


Subalit ngayong araw makikitang bumyahe si Kim Chiu mula sa LA, tila susunod ang Chinita Princess sa kanyang mga kasamahang host sa Hongkong.


Kaagad namang natuwa ang mga madlang pipol lalong lalo na ang mga fans ni Kim Chiu sa kanyang pagsunod sa Hongkong at talagang hindi umano nito ipinagpapaliban ang bonding nila habang suspended pa ang kanilang show.


Samantala, sa ibinahaging picture ni Vhong Navarro makikitang kasama na nila si Kim Chiu sa kanilang pagmamasyal doon.


Inaasahan ngayon ng mga madlang pipol na lalo pang sasaya ang bakasyon ng It's Showtime family sa pagdating doon ni Kim Chiu.


Sa ngayon ay hindi pa tukoy kung hanggang kailan mananatili sa Hongkong ang mga ito.


Nagkaroon ng mahaba-habang bakasyon ang It's Showtime family dahil sa pagkakasuspende sa kanila ng MTRCB sa loob ng 12-airing days.




Boss Toyo Binunyag Kung Saan Gagamitin Ni Abegail Rait Ang Pinagbentahan Ng Jersey Ni Francis M

Walang komento


 Hindi mapigilan ng ilang mga netizens na mapatanong kung bakit kinailangang ibenta nina Abegail Rait ang iniwang jersey sa kanila ni Francis M.


May mga naghinalang ang pagpasok ni Gaile Francesca ang totoong pakay nina Abegail kaya nagawa nitong aminin sa lahat ang dating affair nila ng Master Rapper.


Sa kabilang banda, inamin ng social media personality na si Boss Toyo na nakipag-ugnayan muna siya sa asawa ni Francis M na si Pia Magalona bago tuluyang inupload ang interview niya kay Abegail Rait.


Kung saan inamin ni Abegail ang naging affair nila ni Francis M bago ito pumanaw.


Sa kamakailang panayam kay Boss Toyo isiniwalat niya ang kwento sa likod ng paglapit ng mag-ina na sina Abegail Rait at Gaile  Francesca sa kanyang online vlog na Pinoy Pawnstar.


"Nagpa-schedule 'yung isang cousin.. na they will bring up something na magugustuhan ko. So sabi ko, 'sige. Go schedule natin. Binigyan namin ng schedule. Nung pumunta na sila ng friday, I was expecting na Francis Magalona item lang. I wasn't aware na mayroon story na ganoon," pahayag ni Boss Toyo.


Totoo umanong nagulat si Boss Toyo na may ganoong uri ng kwento pala sa likod ng mga gamit ni Francis M na ibebenta sa kanya.


Sa katunayan kinilabutan siya sa naririnig niyang kwento. Matapos umano ang pag-uusap nila ni Abegail kaagad siyang nagresearch online kung may naging isyu na ba noon ang naturang rapper.


"Right after the video tsaka lang ako nag-research sa Google. Tiningnan ko sa YT kung may tsismis, wala e."


Nagsalawang isip umano si Boss Toyo kung sa pag-uupload ng video subalit, hindi niya alam kung pano mababawi ang pera kung walang video na magpapatunay na kay Francis M ang jersey.


Naibahagi rin niya na kaya lumapit sa kanila si Abegail upang ibenta ang memorabilia ni Francis M ay para sa pangangailangan ng anak nila ng yumao.


Hindi na umano gaanong inalam ni Boss Toyo ang kwento nina Abegail at Francis M noon, para respetuhin ang totoong pamilya ni Francis at nagpokus na lamang kay Francesca.


Aniya, hindi umano maipagkakailang anak ito ni Francis M dahil kahawig ito ng yumaong rapper.


Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na talagang fan ni Francis Magalona si Boss Toyo, noon pa man ay bumibili na siya ng mga memorabilia nito.




Vice Ganda Nireveal Ang Girlfriend Ni Ryan Bang Sa Kanilang Bakasyon Sa Hongkong!

Walang komento


 Isinama ni Ryan Bang ang kanyang nobya sa pagbabakasyon ng It's Showtime family sa bansang Japan.


Makikita sa mga ibinahaging videos ng mga It's Showtime host na masaya sila na kasama nila ang nobya ni Ryan Bang kahit hindi naman ito host ng It's Showtime.


Masaya ang mga It's Showtime host na sa wakas ay nakilala na nila sa personal ang nobya ni Ryan na nauna nang isiniwalat ni Ryan Bang live sa kanilang show.


Gayunpaman, hindi nila pinangalanan kung sino ang nobya ni Ryan Bang para na rin siguro sa privacy nito lalo pa't hindi naman ito nagtatrabaho sa showbiz.


Sa  ngayon ay masayang nagbabakasyon ang mga It's Showtime host dahil na rin sa pagkakasuspinde sa kanila ng MTRCB sa loob ng 12 days.


Matatandaan na noon pa man ay nagpahiwatig na si Vice Ganda kung ano ang kanilang gagawin sakaling matuloy ang ipinataw na parusa ng MTRCB sa kanilang show.


Sa kabila ng kanilang pagkakasuspinde naniniwala ang It's Showtime at ang ABC-CBN na walang mali sa ginawang pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez ng cake icing.




Boss Toyo, Pinaalam si Pia Magalona sa Pagpunta ni Abegail Sa Kanyang Vlog

Walang komento

Miyerkules, Oktubre 18, 2023


 Sa isang panayam nina Julius Babao at Tintin kay Boss Toy, nilinaw ng vlogger na para sa kanya wala namang mali sa pag-uupload niya ng video hinggil sa pag-amin ni Abegail sa naging relasyon nila ni Francis M.


Kamakailan lamang ay ginulat ni Boss Toyo ang mga netizens ng ilabas niya ang episode ng Pinoy Pawnstar kung saan tampok si Abegail Rait na umaming karelasyon noon ni Francis Magalona.


Kasama pa  nito ang ipinakilala niyang anak nila ni Francis na si Gaile Francesca Magalona.


Agad itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens. Magkahalong negatibo at positibo. Hindi naman naiwasang may mga netizens na kumukwestiyon kay Boss Toyo at kung bakit niya inupload ang ganitong uri ng content.


Kaya naman sa isang panayam, nilinaw ni Boss Toyo na una palang ay alam na ni Abegail na iuupload niya ang kanilang pagpunta.


Kaya naman para kay Boss Toyo ay walang problema para kay Abegail ang pagkalat ng video at pagti-trending nito sa social media.


Sa kabilang banda, isiniwalat din ni Boss Toyo na bago niya inupload ang video ng pagsisiwalat ni Abegail ay nagpadala siya ng mensahe sa asawa ni Francis M na si Pia, hinggil sa pagkikita at napag-usapan nila ni Abegail.


Makalipas ang ilang araw ay hindi naman umano siya nakatanggap ng sagot mula kay Pia Magalona kaya tuluyan na niyang inupload ang video.


Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalabas ng opisyal na pahayag ang pamilya ni Francis M tila ba hindi sila nagpapaapekto sa isiniwalat ni Abegail Rait.




Gaile Francesca M. Kinanta Ang Kaleidoscope World Bilang Tribute Francis M

Walang komento


 Nag-viral sa social media ang performance ni Gail Francheska matapos niyang iperform ang kantang ‘Kaleidoscope World’ ng kanyang ama na si Francis Magalona bilang tribute niya sa 14th death anniversary nito.


Bago ang kanyang pagperform kasama ng kanyang banda, ipinakilala muna niya ang kanyang sarili bilang youngest daughter ni Francis Magalona.


“Hi, everyone; I’m Francesca M. I am the youngest daughter of Francis Magalona; I am 14 years old, and that means it is also the 14th death anniversary of my father. So, for a special tribute, I will be singing one of his popular songs, Kaleidoscope World.”


Ang performance na ito ni Francesca ay kuha ilang buwan bago ang paglalantad nilang mag-ina sa kanilang kwento sa vlog ni Boss Toyo.


Sa kabilang banda naging hati ngayon ang opinyon ng mga netizens sa paglalantad ni Abegail dahil sa pag-amin niyang nais pumasok sa showbiz si Francesca.


Marami sa mga netizens ang naghinalang ginagamit lamang umano ng mga ito ang pangalan ni Francis Magalona para mapag-usapan at makilala kaagad si Francesca.


Sa kabila nito, may mga nagsasabi naman na tama lang ang kanilang ginawa dahil karapatan din naman ng bata na makilala bilang anak ni Francis Magalona.



Frank Magalona Binweltahan Ang Babae, Anak Sa Labas Ng Kanyang Tatay Na Si Francis Magalona!

Walang komento


 Tila hindi na napigilan ng isa sa mga anak nina Kiko at Pia na si Frank Magalona na magreact sa kamakailang rebelasyon nina Abegail Rait at nagpakilalang bunsong anak ni Francis Magalona na si Gaile Francesca sa kamakailang episode ng Pinoy Pawnstar.


Matapos ang mahabang panahon nang pananahimik ibinunyag ni Abegail ang naging relasyon nila noon ni Francis Magalona at ang bunga ng kanilang pagmamahalan ay si Gaile Francesca.


Isiniwalat pa ni Abegail na mismong si Francis ang nagpangalan sa kanilang anak na kinuha mula sa pareho nilang pangalan.


Sa kabilang banda, napansin naman ng mga netizens ang paglike ni Frank Magalona sa isang Twitter post patungkol sa pagiging home wrecker ni Abegail.


Tila pinapalambas umano nito, na kasalanan at utang na loob pa ng totoong pamilya ni Francis Magalona ang pananahimik nito sa loob ng fifteen years. Gayung isa lamang itong kabit ni Francis Magalona.


"I find it weird watching the video og Pinoy Pawnstar where a homewrecker revealed his affair with Francis M, saying '15 years akong nanahimik' Of course you will. You're a mistress. Duh"


Bagama't hindi pa opisyal na naglalabas ng mga opisyal na pahayag ang Magalona Family, may mga ibinabahagi naman silang mga cryotic post sa social media.


Sa ngayon tanging si Frank pa lamang ang hayagang naglike sa isang post patungkol sa pagsisiwalat ni Abegail Rait.






Tunay Na Pagkatao Ni Gaile Francesca Rait Nagpakilalang Anak Ni Francis Magalona

Walang komento


 Ipinakilala na nitong nakaraang araw ang sinasabing bunsong anak ng Master Rapper na si Francis Magalona sa isang dating flight attendant na nagpakilala namang si Abegail Rait.


Matapos ang isa at kalahating dekada, lumantad si Abegail dala ang pasabog na nagkarelasyon sila noon ni Francis M at nabiyayaan ng isang supling.


Alam naman umano ni Abegail na mababash siya dahil sa kanyang paglalantad subalit, ginagawa umano niya ito para sa kanyang anak.


Isiniwalat pa ni Abegail na marami silang plano noon ni Francis subalit gumuho ang lahat ng madiagnose ang huli na may sakit na kanser.


Samantala, marami naman ang nagsasabi na parang may katuturan naman ang isiniwalat ng mag-ina dahil kumalat na noon ang mga larawan nila ni Francis M.


Bukod dito makikita rin umano ang hawig ni Gaile sa iba pang mga anak ni Francis Magalona. Nagtataglay din ito ng talent na tila minana naman nito sa kinikilalang ama.


Sa ngayon ay kumakalat na rin sa social media ang mga gig performances ni Gaile Francesca kung saan kinakanta niya ang mga hit songs ni Francis M.


Samantala, makikita sa isang certificate na mula sa paaralan ni Francesca, makikitang hindi naman niya ginagamit ang apilyidong Magalona. Rait, na apilyido ng ina ang kanyang ginagamit.


Makikita naman sa kanyang social media na wala naman siyang inupload na larawan ni Francis Magalona. Sa kanyang mga gig performances, gamit niya ang pangalang Francesca M.


Nakasama si Francesca sa isang gig ng Tsokolateyy Production noong March 18, para sa kanilang 4th Anniversary.




Dahilan Ng Paglantad Ni Abegail Rait kay Gail Francesca Na Anak Ni Francis M

Walang komento


 Marami sa mga fans ng Master Rapper ang napapatanong kung bakit ngayon lamang isiniwalat ni Abegail Rait ang pagkakaroon nila ng anak ni Francis Magalona matapos ang 15 years.


May mga naghinala na binabalak umano ng mag-ina na pasukin ni Gaile Franceska ang mundo ng showbiz.


Hindi umano maipagkakailang pagpasok sa entertainment industry ng nagpakilalang anak ni Francis M ang pangunahing dahilan kung bakit lumantad sila makalipas ng 15 years.


Si Francis Magalona ay kilala sa entertainment industry dahil sa kanyang galing sa pagpeperform. Tinagurian din ito bilang Master Rapper ng Pilipinas dahil sa kanyang galing sa pagra-rap.


Naging Dabarkads din noon si Francis Magalona bago bawian ng buhay dahil sa sakit na kanser noong March 6, 2009.


Naging usap-usapan na noon ang naging relasyon nina Francis Magalona at Abegail Rait ilang buwan matapos ang pagpanaw ng Master Rapper dahil sa pagkalat ng kanilang mga sweet photos sa social media.


Kusa namang natahimik ang isyung ito matapos maglabas ng pakiusap ang mga celebrities na nagmamalasakit sa naiwang pamilya ni Francis Magalona.


Makalipas ang mahigit isang dekada, muling lumantad si Abegail kasama si Gaile na ipinakilala niyang anak nila ni Francis Magalona.


Kasunod ng paglalantad nila, kumakalat naman ngayon ang mga videos ni Gaile habang kinakanta ang mga hit songs ni Francis Magalona.


Patunay na talagang nananalaytay kay Gaile ang dugo ng Master Rapper ng Pilipinas na si Francis Magalona.


Talagang pinaghahandaan na ni Gaile ang pagpasok niya sa showbiz dahil dumadalo na siya sa mga workshops. Sa katunayan, nakahanap na umano sina Abegail ng hahawak na manager sa showbiz career ni Gaile.


Tila naging daan ang pagkakadawit sa pangalan ni Francis Magalona upang mas mapag-usapan ngayon si Gaile Francesca.


Gayunpaman, marami pa ring pagdadaanan si Gaile bago maging matagumpay sa larangan ng showbiz katulad ng tinuturong ama niya.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo