Francesca M. May Mensahe Sa Kanyang Mga Half-Siblings

Lunes, Oktubre 23, 2023

/ by Lovely


 May taos-pusong mensahe si Gaile Francesca Rait sa kanyang mga half-siblings sa ama na si Francis Magalona.


Sa panayam kay Julius Babao, sinabi ni Gaile Francesca na handa siyang makilala ang iba pang mga anak ng kanyang ama na si Francis Magalona, ​​at umaasang itatrato siya ng mga ito bilang isang miyembro ng pamilya.


Nilinaw din niya na wala siyang balak at hindi siya gagawa ng bagay na makakasira sa orihinal na pamilya ng Master Rapper.


“I want to tell them that I hope that you accept me. I don’t have any bad intentions po, I just…”


Sa kabilang banda, aminado naman si Gaile Francesca na gusto niyang sundan ang yapak ng ama at maging ng mga kapatid sa showbiz industry.


Gayunpaman, tila hindi natutuwa ang ilan sa mga miyembro ng pamilya Magalona sa existence ni Francesca.


Matatandaang ni-like ni Frank Magalona ang isang tweet na bumabatikos sa ina ni Francesca na si Abegail Rait kung saan tinawag itong 'homewrecker.'


Pinagsabihan din ni Francesca ang kanyang ina na huwag pansinin ang mga komento laban sa kanila, sinabi niya na ang mahalaga ay alam nila ang buong kuwento.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo