Pia Magalona Nanindigan Na Kasal Sila Ni Francis Magalona

Lunes, Oktubre 23, 2023

/ by Lovely


 Dahil sa naging rebelasyon ng dating producer ni Francis Magalona at social media personality na si Robby Taroza, kumakalat ngayon sa social media ang isang larawan mula sa post ng dating publicist ng Master Rapper na si Pilar Mateo.


Matatandaan na sa isang social media post, kinuwestiyon ni Robby Taroza kung totoong ikinasal nga ba noon sina Pia at Francis Magalona.


Ipinahayag pa nito na kasal sa ibang lalaki na may apilyedong Lim.


“WALA KASI TAYONG DIVORCE SA PILIPINAS!!!! But even with kasal, ang tanong, WAS KIKO MARRIED TO PIA???! No, she was married to another guy with last name Lim and they had a son, Niccolo and daughter Unna, Who Many of us knew this! Pia huwag ka magpabiktima! grabe ka! No one broke up your marriage dear! You were never married in the Philippines!” 


Taliwas naman ito sa kumakalat na larawan nina Pia at Francis kung saan nagpapahiwatig na nagpakasal ang dalawa.


Ang nasabing larawan ay ibinahagi ni Pilar Mateo noon pang 2015 kung saan nakasaad sa caption na kuha ang larawan mula sa kasal ni Pia at Francis sa Hongkong.


Si Pilar Mateo ang umano'y publicist noon ni Francis M na matagal nitong nakasama.


Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay patuloy pa rin nanahimik ang pamilya ni Francis Magalona hinggil sa isyu.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo