Ricci Rivero Tinawag Na Kabit Ang BFF Ni Andrea Brillantes Na Si Bea Borres!

Lunes, Oktubre 23, 2023

/ by Lovely


 Kaagad na nagtrending sa ilang mga social media platform ang basketball player na si Ricci Rivero, matapos nitong aminin ang totoong relasyon nila ng dating beauty queen at politician na si Leren Mae Bautista.


Hindi naman ito ikinagulat ng maraming netizens dahil ilang beses na rin silang namataan na magkasama. Subalit ang ikinainis lamang ng ilang mga netizens ay ang ilang beses na pagtanggi ng mga ito sa kanilang relasyon.


Isa pa sa naging dahilan kung bakit naging laman ng usap-usapan ngayon si Ricci Rivero ay dahil sa pagsagot niya sa mga komento ng bestfriend ni Andrea Brillantes na si Bea Borres.


Naging sunod-sunod kasi ang naging tweet ni Bea Borres, matapos ang pag-amin ni Ricci Rivero sa totoong relasyon nila ni Leren Mae Bautista.


Bagama't hindi naman nito pinapangalanan kung sino ang kanyang tinutukoy sa kanyang tweet halata namang para ito sa dating karelasyon ni Andrea Brillantes.


Narito ang ilang tweet ni Bea:


"kahit gigil na gigil ako ang sinabi ko lang non the acidity"


"lol hanggang hard launch nagmamalinis lmfao no"


"TIME IS THE ULTIMATE TRUTH TELLER"


Dahil sa sunod-sunod na tweet ni Bea, tila hindi na nakapagtimpi si Ricci Rivero at pinatulan na ito.


"puro tweet bea gusto mo maglabasan tayo ng labada? tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi ka lifeline para may bala ka bago ka magreply publicly for your publicity. Sayang pakikialam mo kung di ka kasama sa headline"


Hanggang ngayon ay hindi pa sinasagot ni Bea Borres ang naging bwelta ni Ricci Rivero laban sa kanya. Maging ang aktres na si Andrea Brillantes ay patuloy pa ring nanahimik sa mga pagsisiwalat ni Ricci Rivero.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo