Alden Richard Magiging Main Host Na Ng Tahanang Pinakamasaya Ng TAPE Inc. Kakalabanin Na Ang TVJ

Walang komento

Biyernes, Marso 1, 2024


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang isyung magiging isa sa mga hosts ng noontime show na Tahanang Pinakamasaya ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.


Umaani ngayon ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang isyung papasok sa Tahanang Pinakamasaya si Alden Richards matapos mangako noon sa TVJ na kailanman ay hindi niya pagtatraydoran ang mga ito sa pamamagitan ng pagpasok sa katapat nilang programa.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi maayos ang pag-alis ng TVJ sa TAPE Incorporated dahil tila pinilit lamang sila na magresign dahil sa pagbabawal sa kanila na mag-live.


Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng lahat na labis na sumikat si Alden Richards nang maging bahagi siya ng Dabarkads ng Eat Bulaga kung saan nabuo ang phenominal loveteam nila ni Maine Mendoza aka Yaya Dub.


Mainit na pinag-uusapan sa social media ang mga kumakalat na balitang papasok bilang panibagong host ng Tahanang Pinakamasaya ang show ng TAPE Inc. sa GMA7 ang Kapuso actor na si Alden Richards.


Ayon pa sa mga kumakalat na balita, kinakausap na umano ng TAPE Incorporated ang management ng aktor na si Alden Richards upang makuha ang serbisyo nito. Handa rin umano ang TAPE Incorporated na magbigay ng mgalaking offer sa aktor upang masigurong papasok ito sa kanilang show.


Ito umano ang naisip na paraan ng TAPE Incorporated upang tumaas naman ang kanilang nanghihingalong ratings. Tila si Alden Richards ang ipantatapat ng TAPE Inc. sa mga legit Dabards na nasa TV5 ngayon na kasalukuyang may pinakamataas na rating sa tatlong show na magkatapat.


Sa ngayon ay hindi pa naman nagbibigay ng anumang reaksyon si Alden Richards patungkol sa mga kumakalat na isyu, kung papasok nga ba siya bilang panibagong host ng Tahanang Pinakamasaya at kung handa na ba siyang tapatan ang TVJ at ang mga dating kasamahan niyang Dabarkads sa Eat Bulaga.


Samantala, sa kamakailang episode ng showbiz oriented vlog nina Cristy Fermin, pinabulaanan niya ang balitang papasok sa Tahanang Pinakamasaya si Alden Richards dahil nangako umano ito sa TVJ na kailanman ay hindi siya magtatraydor.


Subalit, maiiba na umano ang kwento kung sakaling manghimasok na ang GMA network sa desisyon ni Alden. Bilang isa sa mga contract artists ng GMA hindi umano makakatanggi si Alden kung ang GMA na mismo ang magdidesisyon para sa kanya.


Gayunpaman, naniniwala pa rin si Cristy Fermin na kung bibigyan lamang ng pagkakataon si Alden Richards na magdesisyon ay hinding-hindi nito tatanggapin ang offer ng TAPE Inc. gaano man ito kalaki.


Kung sakali mang papasok si Alden Richards sa Tahanang Pinakamasaya tiyak na makatatanggap siya ng matinding pambabatikos mula sa mga fans ng TVJ at legit Dabarkads.



Maymay Nascam Sa Pag-ibig Hiwalay Na Sa Foreigner Boyfriend

Walang komento


 May panibagong paksa na naman ang mga online marites patungkol sa hiwalayan ng mga celebrites.


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang hiwalayan nina Maymay Entrata at foreigner boyfriend nitong si Aaron Haskell matapos mapansin ng mga netizens na inunfollow na nila ang isa't-isa sa Instagram.


Unang umugong ang balitang ito noon pang buwan ng Enero subalit nanatiling tahimik ang kampo ni Maymay Entrata patungkol sa nasabing isyu.


Lalo pang umingay ang balitang ito matapos maging paksa sa talakayan ng Marites University. Napansin din umano nila na naging malimit na ang pagbabahagi ni Maymay Entrata ng mga larawan kasama ang kanyang boyfriend sa kanyang mga social media accounts.


Ayon naman sa ilang mga netizens na expected naman na hindi magkakatuluyan sina Maymay Entrata at ang kanyang foreigner boyfriend dahil sa language barrier at sa distance na rin nila sa isa't-isa.


May mga nagsasabi pa na baka si Maymay Entrata ang nakipagkalas sa kanyang nobyo upang pagtuunan muna ang kanyang career dahil tila napag-iiwanan na umano ito ng kanyang mga kasabayan dahil sa pagpopkus niya noon sa kanyang kasintahan.


May mga nagsasabi pa na si Maymay Entrata lang naman ang may gusto sa lalaki dahil tila napipilitan lamang umano ito sa pakikipagsama kay Maymay.


Naging palaisipan rin sa mga netizens kung sino ang unang nag-unfollow sa dalawa. May mga nagsasabing baka ang lalaki naman talaga ang unang nag-unfollow kay Maymay.


May mga nakapansin pa sa pagbubura ni Maymay Entrata sa ilang mga posts niya kasama ang kanyang kasintahan. Maging ang jowa reveal photo nito na umabot pa sa mahigit isang milyong likes ay burado na rin.


Matatandaan na noong 2022 isinapubliko ni Maymay Entrata ang kanilang relasyon ni Aaron Haskell sa pamamagitan ng kanyang Instagram post. Kaagad naman itong pinusuan ng maraming mga netizens at nagviral pa sa social media.


Samantala, kung titingnan ngayon ang Instagram account ni Maymay Entrata ang tanging makikita na lamang rito ay ang kanyang mga solo travels at wala ng bakas ng pagkakaroon ng boyfriend.


Marami rin sa mga netizens na tila unti-unti na umanong nagbabalik ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber na kilala sa tawag na MayWard. Marami naman sa kanilang mga tagahanga noon ang nasiyahan at hinihiling na sana ay magkatrabaho muli ang dalawa.


Nauna nang inamin noon ni Maymay Entrata na handa siyang harapin ang hamon ng pagiging long distance relationship dahil nakabase sa Canada ang kanyang boyfriend, ibinabahagi pa noon ni Maymay sa kanyang social media ang pagbisita niya sa kanyang boyfriend.



Ang Tunay Na Dahilan Kung Bakit Hindi Nakikitang Kasama Ni Kris Aquino Ang Kanyang Mga Ate!

Walang komento


 Sa gitna ng pakikipaglaban ni Kris Aquino sa kanyang mga karamdaman, marami ang napapatanong kung bakit hindi nakikita sa mga ibinabahagi nitong mga larawan sa social media ang kanyang mga kapatid. Marami tuloy ang napapatanong kung binibisita pa ba ng mga ito ang kanilang kapatid sa Amerika.


Mahigit dalawang taon na rin ang pananatili ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa Amerika upang magpagamot sa kanyang mga autoimmune diseases at hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong nagpapagamot roon.


Bagama't hindi na ngayon aktibo si Kris Aquino sa mundo ng showbiz marami pa rin ang nag-aabang sa mga ibinabahagi niyang update sa social media patungkol sa kanyang kalagayan ngayon habang kinakaharap niya ang kanyang mga sakit at ang  mga komplikasyon na dala na rin ng mga ito.


Kabilang sa mga ibinabahaging update ni Kris Aquino ay ang mga larawan habang ginagamot siya at ang detalye ng pangagamot sa kanya.


Marami naman sa mga netizens ang nakaramdam ng habag at awa kay Kris Aquino lalo na nang hilingin niya na kahit maabutan man lamang niya ang ika-18 na kaarawan ng kanyang bunsong anak si Bimby na ngayon ay 16 years old pa lamang.


Marami naman sa mga netizens ang napapatanong kung bakit tila hindi umano nakikita ang mga kapatid ni Kris Aquino sa mga ibinabahaging mga larawan nito sa social media. May mga nagpapatanong pa kung bumibisita rin ba ang mga ito kay Kris Aquino habang kinakalaban niya ang kanyang mga karamdaman.


Sa kabilang banda, noon pa man ay hindi na talaga nagpapakita sa social media ang mga kapatid ni Kris Aquino dahil ayaw nilang makompromiso ang kanyang privacy. 


Matatandaan na sa live video ni Kris Aquino na lumabas sa programang Fast Talk With Boy Abunda sa GMA7 inilahad ni Kris Aquino na kung sakali man na may masamang mangyayari sa kanya, handa naman umano ang kanyang mga kapatid puntahan siya at asikasuhin ang pagpapauwi sa kanyang labi dito sa Pilipinas.


Karla Estrada Ibinunyag Na Pumayag Si Kathryn Na Muli Silang Magkaayos Ni Daniel Padilla

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa pagbabalikan ng dating celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Ayon sa mga usap-usapan, mismong si Karla Estrada, ina ni Daniel Padilla ang pagpayag umano ni Kathryn Bernardo na makipag-usap sa kanyang anak upang ayusin ang kanilang relasyon.


May mga kumakalat ngayong mga larawan kung saan kasama ng buong pamilya ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla, dahil dito lalong umingay ang mga haka-haka na tila inaayos na nilang dalawa ang kanilang relasyon.


Ipinunto pa ng ilang mga netizens na kung wala namang balak si Kathryn Bernardo na makipagbalikan at makipag-ayos kay Daniel Padilla ay hindi naman ito papayag na pupunta sa kanilang pagtitipon ang aktor lalo na ngayong naghiwalay na silang dalawa.


Sa kabilang banda, marami naman ang napapataas ang kilay sa ginawang desisyon na ito ni Kathryn Bernardo at sa pakikipag-ugnayan niyang muli sa kanyang dating boyfriend na si Daniel Padilla.


Hindi na umano dapat pang pag-aksayahan ng oras ni Kathryn Bernardo ang mga manloloko na katulad ni Daniel Padilla.


Samantala, marami naman ang hindi naniniwala sa nakasama ng pamilya ngayon ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla dahil nauna nang iginiit noon ni Kathryn Bernardo na wala siyang balak na balikan si Daniel Padilla.


Marami rin ang nakapansin sa kasiyahan ngayon ni Kathryn Bernardo, ngayong wala na umanong kumukontrol sa kanya at nagagawa na niya ang anumang gustuhin. 


Imposible na rin umano ang balikan pa ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla dahil lalabas na pineke nila ang kanilang paghihiwalay upang mapag-usapan ang kanilang mga pangalan sa muling pagpirma sa Star Magic.


Sa ngayon marami sa mga fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang naghihintay sa kanilang opisyal na pahayag kung saan lilinawin na umano ng dalawa ang mga isyu lalo na ang patungkol sa totoong dahilan ng kanilang paghihiwalay.




Nakakagulat Naman to! Jericho Rosales at Kristine Hermosa Magsasama Ulit

Walang komento


 Muling naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang nagbabalik showbiz na si Jericho Rosales matapos isiwalat niya na mayroon siyang gustong makasama muli sa pagbabalik niya sa industriya.


Sa pagbabalik showbiz ng batikang aktor na si Jericho Rosales inamin niya na kasama sa kanyang bucket list ang muling makatrabaho ang dati niyang leading lady na si Kristine Hermosa.


Ayon kay Jericho Rosales nais niyang magkaroon ng movie adaptation ng 2000 hit teleserye nila na Pangako Sayo, para kay Jericho Rosales, isa umanong unfinished business ang version nila sa nasabing pelikula.


Ibinunyag rin ni Jericho Rosales na kinausap niya mismo ang manager nila ng aktres upang malaman kung interesado rin ba si Kristine Hermosa na muling makasama siya sa trabaho.


Kung sakali mang matuloy ang movie nila ni Kristine Hermosa, nais umanong ipakita ni Jericho Rosales ang nangyari sa kanilang karakter makalipas ang mahigit dalawang dekada. Gayunpaman, iginiit ni Jericho Rosales na ayaw niya na gumanap na maging magulang sila sa nasabing palabas.


Matatandaan na kamakailan lamang ay tuluyan nang nakumpirma ang hiwalayan nina Jericho Rosales at Kim Jones makalipas ang ilang taon nilang pagsasama. Kasunod nito inamin naman ni Jericho Rosales na magkakaroon siya ng maraming projects sa mundo ng showbiz, pahiwatig na magiging active na naman siya sa industriya.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang nagsasabi na malabo na itong mangyari dahil kamakailan lamang ay inamin ni Kristine Hermosa ang kanyang pagbubuntis sa ikaanim na anak nila ni Oyo Boy Sotto.


Kung sakaling papayag man umano ang aktres ay maaring maganap ang pelikula matapos ang panganganak ng aktres lalo na't ayaw pa naman ni Jericho na gumanap sila bilang mga magulang.


Taong 2015 nang magkaroon ng remake ang teleseryeng Pangako Sayo na pinagbibidahan naman ng dating celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.




Tom Rodriguez Inamin Na Meron Ng Bagong Pagibig Sam Milby Ang Bagong Karelasyon Ni Tom?

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at entertainment news sites ang patungkol sa pag-amin ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez na mayroon ng nagpapasaya sa kanyang puso matapos ang masalimoot na paghihihiwalay nila ng kanyang estranged wife na si Carla Abellana.


Hindi naman naging lingid sa kaalaman ng lahat na isa  sa mga tinuturong dahilan ng paghihiwalay nina Tom Rodriguez at Carla Abellana ay ang isyu ng kasarian ni Tom Rodriguez. Naglabasan rin kasi ang mga haka-haka na umano'y bakla si Tom Rodriguez.


Dahil dito, marami ang napapatanong kung ang sinasabing nagpapasaya sa puso ngayon ni Tom Rodriguez ay isa bang babae o di kaya ay kapwa niya ito lalaki.


Kasunod ng usaping ito may ilang mga netizens ang nag-uugnay kay Sam Milby sa sinasabi ni Tom Rodriguez na nagpapasaya sa kanyang puso ngayon.


Makalipas ang dalawang taon ng paghihiwalay nina Tom Rodriguez at Carla Abellana hayagang ipinahayag ng aktor na nakapag-move on na siya sa nangyari at sa katunayan ay mayroon na siyang bago na nagpapasaya sa kanyang puso.


Hindi naman pinangalanan ni Tom Rodriguez ang taong ito dahil gusto muna umanong ipagdamot ng aktor ang ilang detalye ng kanilang relasyon at nais niyang maging pribado na muna ang lahat.


Sa isang panayam sa 24 Oras, hayagang inamin ni Tom Rodriguez na his currently dating someone na nagbibigay kulay sa kanyang personal na buhay ngayon. Iginiit din ni Rom Rodriguez na tuluyan nang naghilom ang sugat sa puso niya na naiwan nang maghiwalay sila ng kanyang misis noong 2022.


Handa na rin umano siyang magmahal muli at bigyan ng ikalawang pagkakataon ang love para sa kanyang buhay. Ayon pa kay Tom Rodriguez, na eventually ay malalaman rin naman ng mga tao ang pagkakakilanlan ng panibago niyang karelasyon pero hindi pa siya handang umamin ngayon.


Sa kabilang banda, marami naman ang nagtatag kay Sam Milby, na siyang pinaghihinalaang karelasyon ni Tom Rodriguez. Matatandaan na kamakailan lamang ay tuluyan nang nakumpirma na may pinagdadaanan ang relasyon nina Sam Milby at Catriona Gray.


Marami ang naghinala na mayroong karelasyon si Sam Milby na isang lalaki at ang itinuturo ng marami ay walang iba kundi si Tom Rodriguez.



Kathryn Bernardo Spotted Sa Birthday Party Ni Magui Ford Comeback Na Talaga Ang Kathniel

Walang komento

Huwebes, Pebrero 29, 2024


 Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang patungkol sa mga haka-hakang nakita umano ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo sa simple birthday celebration ng kapatid ni Daniel Padilla na si Magui Padilla.


Muling nagkakagulo ang mga solid KathNiel fans na hanggang ngayon ay umaasa na magkakabalikan sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos ang kanilang hiwalayan.


Naniniwala ang mga KathNiel fans na malapit nang magkabalikan sina Kathryn Bernardo at Padilla, hindi umano ito imposible dahil tila nagkakausap na umano ang dalawa. Hinala ng mga KathNiel fans na inaayos umano nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang kanilang relasyon.


Lalo pang lumakas ang mga hinalang ito nang mamataan si Kathryn Bernardo na kasama sa pagdiriwang ng simple birthday celebration ni Magui Padilla. Sa isang larawan namataan si Kathryn Bernardo na nakangiti habang hawak naman ni Magui ang kanyang birthday cake.


Marami sa mga fans ang natutuwa dahil matutuloy na ang naudlot na lovestory ng dalawa at tila gumagawa umano ng paraan ang mga ito para maayos ang anumang hindi nila pinagkakaunawaan noong nagdaang taon.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga fans ni Kathryn Bernardo ang hindi natutuwa sa ginawa ng aktres dahil muli na naman umano itong nagpapauto kay Daniel Padilla. Iginiit pa ng mga ito na hindi naman kailangan ni Kathryn Bernardo ng lalaki sa katayuan nito sa buhay ngayon.


May mga nagsasabi na hindi umano latest ang nasabing larawan dahil napaka-imposible nang makipag-usap pa ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla dahil makikita naman umano na napakasaya na ngayon ng aktres na nakalaya na siya kay Daniel Padilla matapos ang ilang taon na pagma-manipulate nito sa kanya habang nasa relasyon pa silang dalawa.




Full Story Sa Likod Ng Lumang Video Ni Robin Padilla at Regine Velasquez Nashinare Ni Mariel Padilla

Walang komento


 Mabilis na nagtrending nitong araw ng huwebes February 29, 2024 ang lumang video nina Robin Padilla at Regine Velasquez kung saan makikita silang nagtukaan sila on national TV matapos udyukan ng mga audience.


Dahil sa videong ito, bumalik sa alaala ng mga netizens ang mga kaganapan noong mga panahon na iyon. Ang lalong ikinagulat pa ng mga netizen na ang mismong misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez ang nagbahagi sa nasabing video.


Marami ang napapatanong kung ano nga ba ang totoong nararamdaman ni Mariel Rodriguez sa muling paglutang ng nasabing video.


Hindi inakala ng maraming mga netizens na mismong si Mariel Rodriguez pa ang magbahagi ng pinaglumaang video nina Robin Padilla at Regine Velasquez kung saan may ginawa  sila ka-sweetan sa harap ng audience.


Nirepost rin naman ito ng mismong si Robin Padilla sa kayang Facebook page.


Sa pagbabahagi ni Mariel Padilla sa lumang video nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez, tila ipinapahayag niya na wala siyang pakialam at hindi na isyu sa kanya ang nakaraan ng kanyang mister na Robin Padilla.


Subalit, hindi ito naaiwas sa mga mapanghusgang mata ng ilang mga netizens sa paningin ng iba, tila damage control ang ginagawa ni Mariel Rodriguez sa mga natatanggap niyang pambabatikos dahil sa ginawa niyang pagpapadrip sa loob ng senado.


Hinala ng mga netizens na nais lamang ni Mariel na matabunan sa pagpapa-viral sa videong ito ang isyu ng pagpapadrip niya sa loob ng opisina ni Robin Padilla sa senado.


Iginiit rin ng marami na hindi naman ito patas sa mag-asawang sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid na nanahimik na ngayon na kinaladkad pa nila sa kanilang isyu.


Matatandaan na nagkasama sa dalawang pelikula sina Robin Padilla at Regine Velasquez, ang naging blockbuster na na Ang Kailangan Ko'y Ikaw noong 2000 at Till I Met You noong 2006.


Inamin rin noon ni Regine Velasquez sa isang panayam kay Boy Abunda na sa lahat ng mga naging leading man niya sa mga pelikula ay si Robin Padilla ang pinakapinagseselosan ng kanyang mister na si Ogie Alcasid.


Ayon pa kay Regine noong ginagawa nila ni Robin Padilla ang pelikulang Till I Met You noong 2006 ay landian sila ng landian ni Robin Padilla subalit noong mga panahong iyon ay may relasyon na umano sila ni Ogie Alcasid hindi pa lamang nila ina-out sa publiko.


Sa katunayan ay iniiyakan pa umano ni Ogie ang ginawa nilang paglalandian ni Robin Padilla sa TV habang ginagawa nila ang promotion ng kanilang movie. Katulad na lamang noong kissing video nila na ibinahagi ni Mariel ngayon.


Iginiit naman ni Regine na hindi naman naging makatotohanan ang relasyon nila ni Robin Padilla dahil ang kanilang mga landian noon ay hanggang sa promotion lamang talaga. 



Sikat Na Aktor Isasabak Maging Host Nf Tahanang Pinakamasaya Para Tumaas Ang Ratings!

Walang komento


 Kumakalat ngayon sa social media at ilang mga entertainment news sites ang balitang sasabak bilang panibagong host ng Tahanang Pinakamasaya ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.


Ayon sa mga kumakalat na isyu, nililigawan na umano ng mga TAPE Incorporated executives si Alden Richards na dating Dabarkads na pumasok sa Tahanang Pinakamasaya bilang panibagong host.


Subalit ang balitang ito ay pinabulaanang lahat ni Cristy Fermin sa latest episode ng kanyang showbiz oriented vlog. Iginiit ni Cristy Fermin na fake news ang balitang ito dahil hinding-hindi umano ito gagawin ni Alden Richards dahil sa kanyang pangako.


Subalit, maiiba na umano ang usapan kapag kumilos na ang mga top executive ng GMA Network para papasukin si Alden Richards sa Tahanang Pinakamasaya. Hindi naman umano rito makakahindi si Alden Richards bilang nakakontratang artista ng GMA7.


Pero kung si Alden Richards umano ang tatanungin tinitiyak niyang hindi ito papasok sa Tahanang Pinakamasaya dahil nangako na ito noon sa TVJ na hindi siya tatalikod sa mga ito.


Matatandaan na nauna nang natanong noon si Alden Richards noong kasagsagan ng pag-alis ng TVJ sa TAPE Incorporated kung papasok ba siya bilang host ng show ng TAPE Inc. subalit, iginiit noon ni Alden Richards na kahit ano ang i-ooffer ng TAPE Inc. sa kanya ay hindi niya tatanggapin bilang respeto na rin sa TVJ.


Ayon pa kay Cristy Fermin, kung sakaling uudyukan si Alden Richards ng GMA7 siguradong ito rin umano ang maiipit dahil tiyak na makakatanggap ito ng pambabatikos mula sa mga fans ng TVJ.


Marami naman ang nagsasabing may posibilidad na sasabihan si Alden ng GMA7 na pumasok sa Tahanang Pinakamasaya dahil sa mga isyung humihina ang rating nito ngayon at nababaon na sa utang TAPE Inc.




Daniel Padilla Nagsalita Na Tungkol Sa Kanyang "New Girlfriend"

Walang komento


 Kumakalat ngayon sa ilang mga social media platforms ang mga ibinahaging larawan ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla kung saan makikita siyang kasama mga kababaihan. May mga kasama rin naman siyang kalalakihan sa mga nasabing larawan subalit mas tumatak sa isipan ng ilang mga netizens ang mga kasamang babae ni Daniel Padilla.


Matapos ang pagkalat ng mga nasabing mga larawan, naglabasan naman ang iba't-ibang mga spekulasyon kung saan binibigyan nila ng kulay ang pagpapapicture ni Daniel Padilla kasama ang mga babae.


Marami ang naghinala na isa sa mga babaeng kasama ni Daniel Padilla sa mga kumakalat na mga larawan ngayon ay ang panibago niyang girlfriend na ipinalit kay Kathryn Bernardo.


Subalit kaagad itong pinabulaanan ng aktor kung saan iginiit niyang walang katotohanan ang mga nasabing balita sa katunayan ang tinuturong babae na girlfriend niya ay karelasyon ng kanyang kaibigan na kasama rin nila sa litrato.


Ipinahayag rin Daniel Padilla na nanatili siyang single ngayon at wala pa sa isipan niya ang palitan si Kathryn Bernardo sa kanyang puso. Sa ngayon ay wala rin umano sa mga priorities niya ang pagkakaroon ng panibagong girlfriend dahil nakatuon pa ang buo niyang atensyon sa kanyang showbiz career.


Marami naman sa mga netizens ang nagsasabing tila hindi parin nakakapag-move on ang aktor sa nangyari sa kanilang relasyon ni Kathryn Bernardo. Tila sariwa pa umano ang sugat na iniwan ni Kathryn Bernardo sa kanyang puso.


Sa kabilang banda, naniniwala naman ang mga fans ni Daniel Padilla na isa rin sa pumipigil sa aktor na pumasok sa isang relasyon ay ang natanggap nitong pambabatikos mula sa mga fans ni Kathryn Bernardo.


Alam umano ng aktor na hindi makakabuti sa kanya ang pagkakaroon ng panibagong girlfriend ngayong sirang-sira ang kanyang reputasyon dahil sa hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo at ang isyu ng kanyang pambababae.



Detalye Sa Hiwalayan Ni Dennis Padilla at Linda Gorton, Marjorie Barretto Damay Nga Ba?

Walang komento


 Isa na namang hiwalayan ang pinag-uusapan ngayon sa social media, ito ay ang hiwalayan nina Dennis Padilla at Linda Gorton kung saan dinadamay ang pangalan ng dating asawa ni Dennis Padilla na si Marjorie Barretto.


Kamakailan lamang ay ibinunyag ng comedian-actor na si Dennis Padilla ang hiwalayan nila ng kanyang kinakasama na si Linda Gorton.


Ayon kay Dennis Padilla, sa naging panayam sa kanya sa presscon ng pelikulang Magic Hurts, nauwi sa hiwalayan ang mahigit dalawang dekada na pagsasama nila ni Linda Gorton dahil sa financial problems at misunderstanding. 


Taong 2020 pa umano sila naghiwalay ng kanyang Australian partner at dinala rin umano nito ang kanilang anak sa Sydney.


Ayon pa sa pagsisiwalat ni Dennis Padilla, nagsimula ang relasyon nila ni Linda noong 46 years old siya habang ito nasa 21 years old pa lamang. Kinumbinsi naman umano niya ito na manatili at manirahan na lamang sa Pilipinas kasama siya.


Unang-una ay mayroon naman umano siyang stable na trabaho rito sa Pilipinas at kumikita rin siya ng mas malaki. Paglilinaw pa ni Dennis Padilla na makakakuha naman siya ng trabaho roon subalit hindi umano ito gaano kalaki kung ikukumpara sa kikitain niya rito sa bansa.


Nakapag-decide naman umano si Linda na manatili na lamang sa bansa kasama siya. Sa tinagal ng kanilang pagsasama nabiyayaan sila ng dalawang anak na pinangalanan nilang Kalden at Maddy. 


Subalit, bigla na lamang umano itong umalis sa bansa at hindi na bumalik pa.


Sa kabila naman umano ng kanilang paghihiwalay ay maayos naman ang kanilang co-parenting set-up sa katunyan ay araw-araw naman umano niyang nakaka-usap ang kanyang mga anak sa pamamagitan ng video call.


Inilahad din ni Dennis Padilla na kung sino pa ang naroon sa ibang bansa ay mas madalas pa niyang nakakausap kaysa sa mga anak niya na nandito lamang sa Pilipinas.


Samantala, sa loob ng mahigit tatlong taon ay doon na sa Australia namalagi ang kanyang dating kinakasama kasama ng kanilang anak. Inilalarawan naman ni Dennis Padilla na nagiging mahirap para sa kanya ang pagpapadala ng child support para sa mga ito dahil mas mahal ang dolyar kaysa sa peso.


Gayunpaman, buwan-buwan parin umano niyang nairaraos ito at nakakapagbigay siya para sa mga ito regularly. Kailangan rin umano niya itong gawin dahil nag-aappply na siya ngayon ng Australian Visa para personal na mabisita ang mga anak roon.


Aminado naman si Dennis Padilla na inakala niya na si Linda na ang huling babae na makakasama niya sa kanyang buhay matapos ang failed relationship nila ni Marjorie Barretto.


Sa kabila naman ng pagsisiwalat ni Dennis Padilla ng malungkot na nakaraan nila ng kanyang kinakasama masaya naman niya ikinuwento ang pagbati sa kanya ni Julia Barretto sa kanyang kaarawan. Naluha pa umano siya ng mabasa ang mensahe at masaya siyang nagbukas na rin ang komunikasyon nilang mag-ama.


Sa ngayon ay hiling na lamang ni Dennis na sana ay kausapin na rin siya ng iba pa niyang mga anak sa dating asawa na si Marjorie Barretto.


Aminado naman si Dennis na natuto na siya sa pagkakamali niya sa mga anak niya kay Marjorie Barretto at hindi na umano niya ito gagawin muli sa anak niya kay Linda.




Detalye Sa Pambabastos Ni Cassy Legaspi Sa Katoliko at Bibliya Sa Social Media

Walang komento


 Umaani ngayon ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang ibinahaging video ng Kapuso actress-host na si Cassy Legaspi dahil sa umano'y pambabastos nito sa Simbahang Katoliko at sa Bibliya.


Viral at usap-usapan ngayon ang video na ibinahagi ni Cassy Legaspi kung saan nakatanggap ito ng matinding batikos at pananaway mula sa mga netizens dahil hindi na umano tama ang kanyang content.


Makikita sa latest video ni Cassy Legaspi na ibinahagi nito sa kanyang Facebook account ang pagsayaw ni Cassy Legaspi. Sa umpisa ay tila simple lamang na sumasayaw ang Kapuso actress at Tv-host subalit bago matapos ang kanyang pagsayaw at ang kanyang pag-twerk ay bigla na lamang niya ipinakit ang Bibliya habang sumasayaw.


Mapapakinggan naman ang ginamit na music sa background na may pamagat na 'Don't Do It'. Mapapansin rin na kulay pink ang hawak nitong bibliya.


Ang nasabing video ni Cassy Legaspi ay umaabot na sa mahigit 2 million views at mahigit 20 thousand na mga reactions mula sa mga netizens. Umaani rin ito ng iba't-ibang komento mula sa mga netizens, marami sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang content ni Cassy dahil isinali pa umano nito ang bibliya sa kanyang content.


May mga nagsasabi na pambabastos umano ito sa Simbahang Katoliko at sa Holy Bible kung saan nakasulat ang words of God. May mga nagsasabi pa na wala naman sa context ang paggamit ng ganoon sa Bibliya. 


Kung nais umanong iparating ni Cassy sa kanyang mga followers na nararapat na basahin ang bibliya kaysa sa mag-twerk o kung nais niyang ipabatid na mayroon siyang bibliya maari naman umano nitong sabihin sa maayos na paraan.



"Oy bakit ganon nag sasayaw sa tiktok tapos ipapakita ung bible ..mahiya nmn po pra sabhin LNG n ng bbsa ng bible pra sabhin n mabait🙄sure n b yan pero ung totoo masama ang ugali ginagamit ang Bibliya sa sariling interes wow ha mga kampon ng masasama di natatakot humawak ng bible kung ang nais mo iparating sa lahat na magbago na wag ganyan po"


Ipinunto pa ng ilang mga netizens na hindi maganda na gawing content ang bible dahil hindi ito nakakatuwa lalo na sa paraan na ginamit ni Cassy Legaspi. May mga paraan naman umano na maaring i-content ang Bible na hindi lumalabas na bastos para sa mga believers.


Samantala, dinadamay naman ng ilang mga netizens ang mga magulang ni Cassy Legaspi na sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel. Marami ang kumukwestiyon sa mga ito kung paano nila pinapalaki ang kanilang mga anak.


Panoorin ang buong video: https://www.facebook.com/reel/1054327229194440

Sarah Lahbati Inamin Na Hindi Sila Naguusap Ng Kanyang Ex-Husband Na Si Richard Gutierrez

Walang komento


 Hanggang ngayon ay hindi pa rin diretsahang inaamin ng actress-model na si Sarah Lahbati ang matagal nang balita patungkol sa hiwalayan nila ng kanyang mister na si Richard Gutierrez, subalit sa isang panayam hayagang isiniwalat ni Sarah Lahbati na hindi na sila nag-uusap ngayon ni Richard Gutierrez.


Hindi man inamin ng dating celebrity couple na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa publiko ang kanilang paghihiwalay, masasabing may katotohanan naman talaga ito dahil na rin sa mga naging actions ng magkabilang panig.


Samantala, sa isang panayam kay Sarah Lahbati inamin nito na hindi na sila nag-uusap ngayon ng kanyang estranged husband na si Richard Gutierrez. Hindi na rin umano sila nagsasama sa iisang bahay at maging sa pagpapamalaki sa kanilang dalawang anak na sina Zion at Kai.


Aminado rin si Sarah Lahbati na hindi man magiging madali para sa kanyang dalawang anak ang sitwasyon nila ngayon, iginiit niya na naroon naman siya para sa kanyang mga anak at ginagawa niya ang lahat para maging maayos ang mga ito.


Sa kabila naman umano ng kanilang sitwasyon ngayon, kahit hindi umano ito ang pinapangarap nilang pamilya na ibibigay nila sa kanilang mga anak, sinisiguro naman umano nila ni Richard Gutierrez na magiging mabuti silang magulang para sa kanilang mga anak.


Ipinahayag pa ni Sarah Lahbati na ang kapakanan nina Zion at Kai ang una nilang isinaalang-alang ni Richard Gutierrez sa lahat ng desisyon na gagawin nila.


Ayon pa kay Sarah Lahbati, alam niya hindi ideal para sa kanyang dalawang anak na sina Zion at Kai subalit, ganoon talaga ang buhay at magiging maayos rin umano ang mga ito sa kanilang sitwasyon ngayon.



Paggigiit pa ni Sarah Lahbati, "We're good at parenting and we have, you know, we are there for the kids."


Naitanong rin kay Sarah Lahbati ang patungkol sa mga pambabatikos at mga negatibong komento na natanggap niya mula sa mga netizens kabilang na ang pagiging maluho at waldasera kung saan tinatawag siyang Patron Saint ng mga Waldas.


Ayon kay Sarah hindi na lamang niya pinapansin ang mga ito at dinidedma na lamang ang lahat dahil kung iintindihin niya ang lahat ng mga natatanggap niyang pambabatikos ay puputi lamang ang kanyang buhok at hindi na siya magiging masaya.


"Natutuwa ako sa lahat ng mga tumatawag sa akin ng Patron Saint of Waldas, as in natatawa ako."


Halos araw-araw rin umano niyang nababasa ang mga komento ito ng mga netizens para sa kanya kaya naman sinasakyan na lamang niya ito.




Lalaking Sumira Raw Sa Relasyon Nina Catriona Gray at Sam Milby Kilala Na!

Walang komento


 Kumpirmado nang may pinagdadaanan ngayon ang engaged celebrity couple na sina Catriona Gray at Sam Milby.


Kinumpirma mismo ng kinabibilangang talent management agency nina Catriona Gray at Sam Milby, ang Cornerstone Management na totoong may pinagdadaanang pagsubok ang relasyon ngayon nina Catriona Gray at Sam Milby.


Gayunpaman, iginiit ng Cornerstone Management na kasalukuyang inaayos nina Sam Milby at Catriona Gray ang kanilang problema kung ano man iyon. Hiniling naman ng Cornerstone na bigyan ng privacy ang dalawa habang wino-work out pa nila ang kanilang relasyon.


Unang kumalat ang mga bali-balitang on the rocks na ang relasyon nina Catriona Gray at Sam Milby ng mapansin ng maraming mga netizens na hindi na sinusuot ni Catriona Gray ang kanyang engagement ring.


Natahimik naman ang balitang ito nang kumalat ang larawan nina Catriona Gray at Sam Milby na tila nakikipag double date kasama sina John Pratts at asawa nito.


Subalit, muling nabuksan ang usaping hiwalay na ang dalawa ng matalakay naman ito ni Ogie Diaz sa isang episode ng kanyang showbiz oriented vlog. May mga sources umano siya na nagsasabing matagal ng hiwalay ang dalawa dahil napagtanto umano ng aktor na si Sam Milby na hindi pa siya handa sa responsibilidad na dala ng matagalang commitment ng pagpapakasal.


Sa kabila naman ng pakiusap ng Cornerstone na respetuhin muna ang sitwasyon nina Catriona Gray at Sam Milby sa gitna ng pagsasaayos sa kanilang relasyon, at mabigyan sana ng privacy ang dalawa, may ilan pa rin sa mga netizens ang nagbibigay ng mga spekulasyon patungkol sa hindi pinagkasunduan ng dalawa.


May mga nagbibigay rin ng pangalan ng ilang mga personalidad na maaring sangkot sa posibleng hiwalayan ng dalawa. Kabilang sa mga pinaghihinalaan ay ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards.


May mga naglabasan na mga tsika na umano'y si Alden Richard ang totoong dahilan ng hindi pagkakaunawaan nina Catriona Gray at Sam Milby. Binibigyan kasi ng mga netizens ang pinagsamahang proyekto nina Catriona Gray at Alden Richards kamakailan lamang.


Ayon sa pagsisiwalat ni Cristy Fermin, marami ang nag-lilink kay Catriona Gray subalit iginiit ni Cristy Fermin na walang katotohanan ang balitang ito at ipinagtanggol si Alden Richards sa mga taong gumagawa ng mga intriga.


Ipinunto pa ni Cristy Fermin na hindi naman masasabi na may namamagitan na kaagad sa kanila sa pagsasama nila sa iisang endorsement.



Annabelle Rama Gustong Manakit Sa Isang Tao, Si Sarah Lahbati?

Walang komento


 Muling naging laman sa mga usap-usapan ang kilalang talent manager na si Annabelle Rama sa ilang mga social media platforms at entertainment news sites matapos magbahagi ng isang Facebook post kung saan inilahad niya ang kanyang inis sa isang tao.


Kaagad na pinagpi-pyestahan ng mga online marites ang ibinahaging Facebook post ni Annabelle Rama patungkol sa kanyang inis sa isang tao na nagmamalinis na akala mo'y isang santa maniac. Dahil sa kanyang inis sa  taong ito nais na umano ni Annabelle Rama na manampal at manabunot.


Wala namang ibinigay na anumang clue si Annabelle Rama kung sino ang kanyang tinutukoy sa kanyang post kaya naman, inaabangan ng mga netizens ang pagbabahagi ni Annabelle Rama sa kung sino ang kanyang tinutukoy sa post.


Sa kabila ng hindi pagbibigay ng pangalan ni Annabelle Rama, marami naman ang naghinala na ang kanyang tinutukoy ay walang iba kundi ang kanyang manugang na si Sarah Lahbati na kamakailan lamang ay napapabalitang hiwalay na sa kanyang anak na si Richard Gutierrez.


May ilan naman na naghihintay na lamang sa magiging update ni Annabelle Rama sa kung sino ang kanyang tinutukoy sa kanyang Facebook post may ilan pang nagsasabing na napuyat pa sila sa paghihintay sa kung ano ang pasabog ni Annabelle Rama.


May mga nagsasabi naman na dapat ay tigilan na ni Annabelle Rama si Sarah Lahbati kung ito na naman ang kanyang kinaiinisan dahil siya naman umano ang mas nakakatanda kaya siya na dapat ang magpapasensya at pabayaan na lamang ito sa kanyang gustong gawin sa buhay lalo na ngayong hiwalay na ito sa kanyang anak.


May mga nagpapayo rin kay Annabelle Rama na mag-move on na lamang sa nangyari dahil tila nakapag-move on na rin naman si Sarah Lahbati.


Samantala, sa isang panayam kay Sarah Lahbati, inilahad ng actress-model na hindi na silang nakakapag-usap ni Richard Gutierrez may komunikasyon naman umano sila subalit dumadaan na ito sa kani-kanilang mga abogado.


Sa ngayon ay nasa co-parenting set-up na umano sila sa kanilang dalawang anak at maayos naman ito.



Cornerstone Management Nagsalita Na Kaugnay Ng Breakup Diumano Nina Catriona Gray at Sam Milby

Walang komento


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang patungkol sa isyung matagal nang naghiwalay ang engaged celebrity couple na sina Sam Milby at Catriona Gray.


Ayon sa isiniwalat ng kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz marami sa kanyang mga sources ang nagsasabing matagal na umanong naghiwalay sina Catriona Gray at Sam Milby.


Sa katunayan, noong nakaraang kaarawan ni Catriona Gray ay hiwalay na umano sila. Subalit, sa kabila ng kanilang hiwalayan ay nananatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang nalito nang matapos isiwalat ni Ogie Diaz ang nakarating sa kanyang balita ng paghihiwalay nina Sam Milby at Catriona Gray, namataan naman silang magkasama sa iisang event kasama ang iba pang Cornerstone Management artists.


Sa kabilang banda, naglabas na ng pahayag ang Cornerstone Management na parehong kinabibilangan nina Catriona Gray at Sam Milby, patungkol sa mga kumakalat na isyu patungkol sa hiwalayan ng dalawa.


Sa isang social media post ng Cornerstone Management nitong myerkulers February 28, 2024, inamin nilang kasalukuyang may hinaharap na pagsubok ang relasyon nina Catriona Gray at Sam Milby pero sinusubukan naman umano ng dalawa na ayusin ito.


Inilahad ng Cornerstone na bilang talent management agency na nagre-represent sa mga artista na sina Sam Milby at Catriona Gray, magbibigay na sila ng pahayag para i-address ang mga kumakalat na isyu patungkol sa estado ng relasyon ng kanilang mga talents.


Dito na inamin ng Cornerstone management na totoong may pinagdadaanan sa relasyon sina Catriona Gray at Sam Milby. Subalit, sinusubukan naman umano ng dalawa na maayos ang problema.



Nakikiusap rin ang Cornerstone Management sa mga netizens na bigyan muna ng pribadong panahon ang dalawa habang inaayos nila ang kanilang isyu at kung ano mang pinagdadaanan sa kanilang relasyon.


Nag-ugat ang isyung naghiwalay na sina Catriona Gray at Sam Milby ng mapansin ng mga netizens na minsan na lamang sinusuot ni Catriona Gray ang kanyang engagement ring. Subalit, natahimik naman ang isyu nang mamataan ang dalawa na magkasama sa iisang event.


Muli naman itong napag-usapan online nang matalakay ito sa isang episode ng showbiz oriented vlog ni Ogie Diaz. Ayon sa mga sources ni Ogie Diaz ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ay napagtanto umano ng aktor na si Sam Milby na hindi pa pala siya handang pumasok sa isang lifetime commitment.


Sa kabila ng mga naglabasang mga speculations patungkol sa hiwalayan nina Sam Milby at Catriona Gray patuloy namang nanahimik ang dalawa patungkol sa kinasasangkutang isyu.


Hiling naman ngayon ng kanilang mga tagahanga na sana ay maayos na nila ang anumang pinagdadaanan. May mga humiling pa na sana ay parehong maging matatag ang dalawa.



Kathryn Bernardo, Jericho Rosales Nagkakamabutihan Na? ‘Nagpapapansin’ na sa IG

1 komento

Martes, Pebrero 27, 2024


 Muling naging laman ng mga usap-usapan social medoa ang Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo at actor-producer na si Jericho Rosales matapos kumalat sa social media ang larawan nilang magkatabi kasama ang director-screenwriter Johnny Manahan.


Ang nasabing photo ay ibinahagi ng aktor na si Jake Ejercito sa Facebook account kung saan magkatabi at komportable sa isa't-isa sina Kathryn Bernardo.


Bukod kina Kathryn Bernardo, Jericho Rosales at director-screenwriter Johnny Manahan makikita rin sa nasabing larawan ang iba pang mga malalaking stars sa showbiz industry kagaya nina Piolo Pascual, Bea Alonzo at Jake Ejercito.


Sa caption isiniwalat ni Jake Ejercito na natitipon sila para sa birthday dinner ni Johnny Manahan na tinatawag rin nila bilang si Mr. M's.


Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na nalagay sa spotlight at naging laman ng mga usap-usapan sina Jericho Rosales at Kathryn Bernardo.


Una silang naging laman ng mga usap-usapan ng mamataan silang magkasamang nagjo-jogging. Nasundan naman ito nang mamataan silang magkasama sa bar.


May mga naglabasan pang mga isyu na umano'y nililigawan ni Jericho Rosales si Kathryn Bernardo na noon pa man ay aminado na siyang isa sa kanyang mga celebrity crush.


Wala naman umanong masama rito dahil pareho namang single ang dalawa dahil matagal na palang hiwalay si Jericho Rosales sa kanyang asawa na si Kim Jones.


Sa kabilang banda, may mga nagsasabi naman na baka may nilulutong proyekto ang dalawa kaya naman ngayon pa lamang ay ipinapakita na nilang malapit sila sa isa't-isa.


Lalo pang lumakas ang hinala ng mga netizens nang magbigay ng mensahe si Jericho Rosales noong contract signing ni Kathryn Bernardo kung saan sinabi umano nitong looking forward siya sa magiging collaboration nilang dalawa.


Ngayon nakawala na si Kathryn Bernardo sa loveteam, malaya na ang aktres na i-explore ang kanyang showbiz career kasama ang iba pang male artists.


Kaagad rin namang pinabulaanan ng aktres ang isyung may romantic relationship sila ni Jericho Rosales dahil iginiit ni Kathryn na nagkasama lamang sila dahil sa friend ni Kathryn Bernardo na si Jhon Manalo na pamangkin naman ni Jericho Rosales.


Catriona Gray, Sam Milby Ay Nakitang Magkasama Sa Isang Event, Hindi Naghiwalay

Walang komento


 Matapos maging laman ng mga usap-usapan sa social media ang patungkol sa hiwalayan ng engaged couple na sina Catriona Gray at Sam Milby, namataan ang dalawa na magkasama sa iisang event.


Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang hiwalayan nina Catriona Gray at Sam Milby matapos itong isiwalat ng kilalang showbiz insider na si Ogie Diaz sa isang episode ng kanyang showbiz oriented vlog na Ogie Diaz Showbiz Updates.


Ayon kay Ogie Diaz may mga sources siyang nagsasabing matagal na umanong naghiwalay sina Catriona Gray at Sam Milby subalit hindi na umano nila ito ipinapaalam sa publiko.


Ayon umano sa sources ni Ogie Diaz na noong nagdiwang ang beauty queen ng kanyang ika-30 na kaarawan ay hiwalay na sila ni Sam Milby subalit nanatili naman ang kanilang pagiging malapit na magkaibigan.


Dagdag pa ng mga sources ni Ogie Diaz, napagtanto umano ni Sam Milby na hindi pa siya handang magkasal kay Catriona Gray matapos ang proposal niya noong February nang nakaraang taon.


Iginiit naman ni Ogie Diaz na kahit mapagkakatiwalaan niya ang nasabing mga sources ay hindi pa rin umano niya ito maaring kumpirmahin hangga't hindi ang dalawa mismo ang magsasalita.


Samantala, ikinatuwa naman ng mga fans nina Catriona Gray at Sam Milby nang mamataan ang dalawa na magkasama sa iisang event, sa gitna ng mga haka-hakang naghiwalay na rin silang dalawa kagaya ng iba pang mga showbiz couples.


Ilang oras matapos ang pag-uupload ni Ogie Diaz sa kanyang vlog kung saan natalakay niya ang posibilida ng hiwalayan ng dalawa, nagbahagi naman ng post ang kaibigan nina Catriona Gray at Sam Milby na si Isabel Oli ng larawan nilang magkasama sa iisang event.


Magkasama ang mga ito at masayang nakangiti sa kamera at tila maayos naman ang kanilang relasyon.


Samantala, marami naman ang napakomento na wala umanong katuturan ang mga ibinabalita ni Ogie Diaz, hindi umano porke't naka tsamba siya sa hiwalayan ng KathNiel ay totoo na ring naghiwalay sina Catriona Gray at Sam Milby.


Unang lumabas ang mga haka-hakang naghiwalay na sina Catriona Gray at Sam Milby nang makita ng ilang mga netizens na hindi na sinusuot ni Catriona Gray ang engagement ring niya na ibinigay ni Sam Milby.


Sa kabilang banda, patuloy namang nanahimik sina Catriona Gray at Sam Milby patungkol sa usaping ito. Hindi pa sila nagbibigay ng pahayag kung may katotohanan ba o wala ang nasabing isyu.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo