Maymay Nascam Sa Pag-ibig Hiwalay Na Sa Foreigner Boyfriend

Biyernes, Marso 1, 2024

/ by Lovely


 May panibagong paksa na naman ang mga online marites patungkol sa hiwalayan ng mga celebrites.


Mainit na pinag-uusapan ngayon sa ilang mga social media platforms ang hiwalayan nina Maymay Entrata at foreigner boyfriend nitong si Aaron Haskell matapos mapansin ng mga netizens na inunfollow na nila ang isa't-isa sa Instagram.


Unang umugong ang balitang ito noon pang buwan ng Enero subalit nanatiling tahimik ang kampo ni Maymay Entrata patungkol sa nasabing isyu.


Lalo pang umingay ang balitang ito matapos maging paksa sa talakayan ng Marites University. Napansin din umano nila na naging malimit na ang pagbabahagi ni Maymay Entrata ng mga larawan kasama ang kanyang boyfriend sa kanyang mga social media accounts.


Ayon naman sa ilang mga netizens na expected naman na hindi magkakatuluyan sina Maymay Entrata at ang kanyang foreigner boyfriend dahil sa language barrier at sa distance na rin nila sa isa't-isa.


May mga nagsasabi pa na baka si Maymay Entrata ang nakipagkalas sa kanyang nobyo upang pagtuunan muna ang kanyang career dahil tila napag-iiwanan na umano ito ng kanyang mga kasabayan dahil sa pagpopkus niya noon sa kanyang kasintahan.


May mga nagsasabi pa na si Maymay Entrata lang naman ang may gusto sa lalaki dahil tila napipilitan lamang umano ito sa pakikipagsama kay Maymay.


Naging palaisipan rin sa mga netizens kung sino ang unang nag-unfollow sa dalawa. May mga nagsasabing baka ang lalaki naman talaga ang unang nag-unfollow kay Maymay.


May mga nakapansin pa sa pagbubura ni Maymay Entrata sa ilang mga posts niya kasama ang kanyang kasintahan. Maging ang jowa reveal photo nito na umabot pa sa mahigit isang milyong likes ay burado na rin.


Matatandaan na noong 2022 isinapubliko ni Maymay Entrata ang kanilang relasyon ni Aaron Haskell sa pamamagitan ng kanyang Instagram post. Kaagad naman itong pinusuan ng maraming mga netizens at nagviral pa sa social media.


Samantala, kung titingnan ngayon ang Instagram account ni Maymay Entrata ang tanging makikita na lamang rito ay ang kanyang mga solo travels at wala ng bakas ng pagkakaroon ng boyfriend.


Marami rin sa mga netizens na tila unti-unti na umanong nagbabalik ang tambalan nina Maymay Entrata at Edward Barber na kilala sa tawag na MayWard. Marami naman sa kanilang mga tagahanga noon ang nasiyahan at hinihiling na sana ay magkatrabaho muli ang dalawa.


Nauna nang inamin noon ni Maymay Entrata na handa siyang harapin ang hamon ng pagiging long distance relationship dahil nakabase sa Canada ang kanyang boyfriend, ibinabahagi pa noon ni Maymay sa kanyang social media ang pagbisita niya sa kanyang boyfriend.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo