Ang Tunay Na Dahilan Kung Bakit Hindi Nakikitang Kasama Ni Kris Aquino Ang Kanyang Mga Ate!

Biyernes, Marso 1, 2024

/ by Lovely


 Sa gitna ng pakikipaglaban ni Kris Aquino sa kanyang mga karamdaman, marami ang napapatanong kung bakit hindi nakikita sa mga ibinabahagi nitong mga larawan sa social media ang kanyang mga kapatid. Marami tuloy ang napapatanong kung binibisita pa ba ng mga ito ang kanilang kapatid sa Amerika.


Mahigit dalawang taon na rin ang pananatili ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa Amerika upang magpagamot sa kanyang mga autoimmune diseases at hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong nagpapagamot roon.


Bagama't hindi na ngayon aktibo si Kris Aquino sa mundo ng showbiz marami pa rin ang nag-aabang sa mga ibinabahagi niyang update sa social media patungkol sa kanyang kalagayan ngayon habang kinakaharap niya ang kanyang mga sakit at ang  mga komplikasyon na dala na rin ng mga ito.


Kabilang sa mga ibinabahaging update ni Kris Aquino ay ang mga larawan habang ginagamot siya at ang detalye ng pangagamot sa kanya.


Marami naman sa mga netizens ang nakaramdam ng habag at awa kay Kris Aquino lalo na nang hilingin niya na kahit maabutan man lamang niya ang ika-18 na kaarawan ng kanyang bunsong anak si Bimby na ngayon ay 16 years old pa lamang.


Marami naman sa mga netizens ang napapatanong kung bakit tila hindi umano nakikita ang mga kapatid ni Kris Aquino sa mga ibinabahaging mga larawan nito sa social media. May mga nagpapatanong pa kung bumibisita rin ba ang mga ito kay Kris Aquino habang kinakalaban niya ang kanyang mga karamdaman.


Sa kabilang banda, noon pa man ay hindi na talaga nagpapakita sa social media ang mga kapatid ni Kris Aquino dahil ayaw nilang makompromiso ang kanyang privacy. 


Matatandaan na sa live video ni Kris Aquino na lumabas sa programang Fast Talk With Boy Abunda sa GMA7 inilahad ni Kris Aquino na kung sakali man na may masamang mangyayari sa kanya, handa naman umano ang kanyang mga kapatid puntahan siya at asikasuhin ang pagpapauwi sa kanyang labi dito sa Pilipinas.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo