Cornerstone Management Nagsalita Na Kaugnay Ng Breakup Diumano Nina Catriona Gray at Sam Milby

Huwebes, Pebrero 29, 2024

/ by Lovely


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang patungkol sa isyung matagal nang naghiwalay ang engaged celebrity couple na sina Sam Milby at Catriona Gray.


Ayon sa isiniwalat ng kilalang showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz marami sa kanyang mga sources ang nagsasabing matagal na umanong naghiwalay sina Catriona Gray at Sam Milby.


Sa katunayan, noong nakaraang kaarawan ni Catriona Gray ay hiwalay na umano sila. Subalit, sa kabila ng kanilang hiwalayan ay nananatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang nalito nang matapos isiwalat ni Ogie Diaz ang nakarating sa kanyang balita ng paghihiwalay nina Sam Milby at Catriona Gray, namataan naman silang magkasama sa iisang event kasama ang iba pang Cornerstone Management artists.


Sa kabilang banda, naglabas na ng pahayag ang Cornerstone Management na parehong kinabibilangan nina Catriona Gray at Sam Milby, patungkol sa mga kumakalat na isyu patungkol sa hiwalayan ng dalawa.


Sa isang social media post ng Cornerstone Management nitong myerkulers February 28, 2024, inamin nilang kasalukuyang may hinaharap na pagsubok ang relasyon nina Catriona Gray at Sam Milby pero sinusubukan naman umano ng dalawa na ayusin ito.


Inilahad ng Cornerstone na bilang talent management agency na nagre-represent sa mga artista na sina Sam Milby at Catriona Gray, magbibigay na sila ng pahayag para i-address ang mga kumakalat na isyu patungkol sa estado ng relasyon ng kanilang mga talents.


Dito na inamin ng Cornerstone management na totoong may pinagdadaanan sa relasyon sina Catriona Gray at Sam Milby. Subalit, sinusubukan naman umano ng dalawa na maayos ang problema.



Nakikiusap rin ang Cornerstone Management sa mga netizens na bigyan muna ng pribadong panahon ang dalawa habang inaayos nila ang kanilang isyu at kung ano mang pinagdadaanan sa kanilang relasyon.


Nag-ugat ang isyung naghiwalay na sina Catriona Gray at Sam Milby ng mapansin ng mga netizens na minsan na lamang sinusuot ni Catriona Gray ang kanyang engagement ring. Subalit, natahimik naman ang isyu nang mamataan ang dalawa na magkasama sa iisang event.


Muli naman itong napag-usapan online nang matalakay ito sa isang episode ng showbiz oriented vlog ni Ogie Diaz. Ayon sa mga sources ni Ogie Diaz ang dahilan ng kanilang paghihiwalay ay napagtanto umano ng aktor na si Sam Milby na hindi pa pala siya handang pumasok sa isang lifetime commitment.


Sa kabila ng mga naglabasang mga speculations patungkol sa hiwalayan nina Sam Milby at Catriona Gray patuloy namang nanahimik ang dalawa patungkol sa kinasasangkutang isyu.


Hiling naman ngayon ng kanilang mga tagahanga na sana ay maayos na nila ang anumang pinagdadaanan. May mga humiling pa na sana ay parehong maging matatag ang dalawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo